No student devices needed. Know more
6 questions
Ano ang pangunahing kaisipan ng salaysay na ito?
Ang sampaguita ay mabangong bulaklak. Gustong-gusto ko ang amoy nito. Tuwing Linggo ay bumibili nito ang nanay ko sa labas ng simbahan. Ito rin ang paborito kong bulaklak.
Gustong-gusto ko ang amoy nito.
Ito rin ang paborito kong bulaklak.
Ang sampaguita ay mabangong bulaklak.
Ano ang pangunahing kaisipan ng salaysay na ito?
Magandang tingnan ang ngipin kung ito ay mapuputi. Mabango ang hininga kung walang sira ang ngipin. Walang sasakit o walang masisirang ngipin kung magsisipilyo tatlong bese sa isang araw. Dapat pangalagaan ang ngipin.
Magandang tingnan ang ngipin kung ito ay mapuputi.
Mabango ang hininga kung walang sira ang ngipin.
Dapat pangalagaan ang ngipin.
Ano ang pangunahing kaisipan ng salaysay na ito?
Mabait na bata si Lina. Magaling siyang makipag-usap sa mga tao. Sinusunod niya ang mga payo ng kanyang mga magulang at guro. Siya ay tumutulong sa mga gawaing-bahay at mga gawain sa paaralan.
Mabait na bata si Lina.
Magaling siyang makipag-usap sa mga tao.
Siya ay tumutulong sa mga gawaing-bahay at mga gawain sa paaralan.
Ano ang salitang ginamit sa pagbibigay ng hinuha sa nakalahad na pahayag?
Marahil ay may paparating na bagyo sa susunod na linggo.
Marahil
paparating
susunod
Ano ang salitang ginamit sa pagbibigay ng hinuha sa nakalahad na pahayag?
Walang kasiguraduhan ang pamamahagi ng ayuda sa ating barangay.
Walang kasiguraduhan
pamamahagi
ayuda
Ano ang salitang ginamit sa pagbibigay ng hinuha sa nakalahad na pahayag?
Di-tiyak ang pagdating ng mga bisita sa ating paaralan.
Di-tiyak
pagdating
bisita
Explore all questions with a free account