No student devices needed. Know more
10 questions
Ang mga sumusunod ay mga tamang dahilan ng pagsunod at paggalang sa may awtoridad MALIBAN sa:
Ginagabayan tayong mga kabataan na gawin ang tama
Hinuhubog ng may awtoridad ang ating pagkatao lalo na ang disiplina sa sarili
Tumutulong sila upang mapaunlad natin ang ating mga pagpapahalaga
Binabantayan ang ating mga kamalian at pinagsasabihan tayo sa harap ng maraming tao
Ang magiging epekto ng pagkilala sa kahalagahan ng may awtoridad ay:
Madali mong maisasabuhay ang pagsunod at paggalang
Mapipilitan kang sundin ang kaniyang mga utos
Magagawa mo ang pagsunod nang may takot
Matatakot ka na magkamali sa gagawin
Mas madaling mauunawaan ng iyong kapwa ang kahalagahan ng paggalang at pagsunod kung nakikita nila ang iyong pagsusumikap na igalang at sundin ang iyong mga magulang, nakatatanda at may awtoridad. Ang angkop na kilos sa paggalang sa awtoridad na inilalarawan sa pahayag ay:
Pagiging mabuting halimbawa sa kapwa
Pagdarasal para mga taong may awtoridad
Pag-unawa sa mga magulang at nakatatanda
Pagiging masunurin at maunawain sa mga kaibigan
Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa mga taong may awtoridad?
Nakababatang kapatid
Kapitan ng barangay
Pangulo ng bansa
Guro
Ang mga sitwasyon sa ibaba ay nagpapakita ng maling dahilan ng paggalang at pagsunod sa may awtoridad MALIBAN sa:
Nakikinig si Ana sa klase dahil natatakot siya sa guro
Tumatago si Berto kapag nakikita niya ang pulis na nakadestino sa kanilang barangay
Ginagawa ni Pedro ang ipinag-uutos ng kanilang kagawad upang makatanggap ng suhol
Sumusunod si Lorna sa batas trapiko dahil pinapahalagahan niya ito at iginagalang ang nagpapatupad dito.
Paano mo mas higit na maipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa
Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran
Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali
Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo
Ang awtoridad ay tumutukoy sa:
Mga taong inihalal sa pamamagitan ng eleksyon
Mga pulis na nagpapanatili ng kapayapaan sa kapaligiran
Mga taong binigyan ng kapangyarihang mamahala sa isang tiyak na pangkat ng tao
Mga taong binigyan ng kapangyarihang gumabay sa mga mamamayan at kailangang sundin at igalang
Hinahangaan ni Jay si Danny sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si Danny ang naging lider ng kanilang grupo, lahat ng sabihin ni Danny ay kaniyang sinusunod at ginagawa nang walang pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kaniyang sariling pangangailangan. Ang kilos ni Jay ay nagpapakita ng ____________.
katarungan
kasipagan
pagpapasakop
pagsunod
Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang at pagsunod sa awtoridad dahil sa mga balita na gumagawa sila ng taliwas sa kanilang gampanin. Ano ang pinakamabuting gawin mo dito?
Alamin ang mga batas at alituntunin na dapat sundin at karapatang pantao na ipaglaban. Gawin ang nararapat na kilos ayon sa nalaman
Sumangguni sa mga nakakatanda kung ano dapat ang gawin at isakilos
Palagpasin ang nagawang pagkakamali dahil ngayon lang nangyari at hindi ka naman naapektuhan
Ipahayag ang saloobin sa social media tungkol sa mga pagkakamali ng may awtoridad.
May kaklase ka na hindi marunong gumalang at sumunod sa opisyales ng inyong silid-aralan. Ano ang maari mong gawin para siya ay matutong sumunod at gumalang sa kanila?
Hayaan siya at ang guro na nag magdidiplina sa kanya
Magsawalang kibo at hindi ka naman naapektuhan sa kinikilos niya
Pagsabihan siya kung gaano kahalaga ang paggalang sa mga taong may awtoridad
Ipaunawa at ipakita sa kanya kung paano gumalang at sumunod sa mga taong may awtoridad sa inyong silid-aralan
Explore all questions with a free account