No student devices needed. Know more
35 questions
Paano maiiwasan ng pagkakaroon ng balakubak o dandruff?
Sa pamamagitan ng palagiang paglilinis ng buhok at paggamit ng sariling suklay.
Sa pamamagitan ng palagiang paggamit ng gel at wax sa buhok.
Sa pamamagitan ng pag-gupit ng buhok
Sa pamamagitan ng paglalagay ng kulay sa buhok.
Ano ang iyong gagawin upang mapanatiling malinis at maginhawa ang iyong katawan?
Magsipilyo araw-araw
Maligo araw-araw
Magsuklay ng buhok
Matulog ng sapat na oras
Ano ang maaaring maging epekto sa isang bata kung siya ay kulang sa tulog at pahinga?
Matamlay, mainitin ang ulo at walang ganang kumain.
Babaho ang kanyang hininga
Magkakaroon siya ng di kanais-nais na amoy
Sasakit ang kanyang ngipin.
Bakit kailangan munang tahiin ang damit na may punit bago ito labhan?
Upang hindi malimutang tahiin
Upang mapadali ang paglalaba
Upang magkaroon ng disenyo ang damit
Upang hindi lumaki ang punit ng damit
Ano ang iyong gagawin upang matanggal ang gusot o lukot ng iyong damit?
Lalabahan
Ibababad
titiklupin
paplantsahin
Ano ang ginagamit sa pagpapakintab ng sahig?
bunot
walis
basahan
pang-agiw
Aling bahagi ng bahay ang karaniwang laging nililinis?
Ding - ding
kisame
bintana
sahig
Paano aalisin ang alikabok sa pigurin?
lagyan ng floorwax
walisan ang pigurin
punasan ng tuyong basahan
lampasuhin ang pigurin
Alin ang mainam na pampakintab ng sahig?
tubig
floorwax
barnis
asin
Ano ang tawag sa pagpapaganda ng isang lugar sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental?
urban gardening
vegetable gardening
floral arrangement
landscape gardening
Bakit kailangan ang masusing paghahanda sa itatanim?
Upang mabilis lumaki ang mga halaman.
Upang lumaking payat at hindi maganda ang halaman
Upang maraming kang maitanim
Upang magkaroon ka ng libangan.
Bakit kailangang bunutin ang mga ligaw na damo sa gilid ng halamang ornamental na iyong itinanim?
Upang mas maganda itong tingnan
Upang wala itong kaagaw sa sustansiya
Upang masinagan ito ng araw
Upang mabilis itong mapansin
Anong uri ng lupa ang tamang taniman ng halaman?
luwad
banlik
mabuhangin
mabatong lupa
Anong paraan ng pagluluto ang gagawin mo kung gusto mong gumawa ng tinapay?
paghuhurno
pagpiprito
pag-iihaw
pag-gigisa
Anong paraan ng pagluluto ang gagawin mo kung nais mong magluto ng puto?
Paglalaga
pagpapausok
paglilitson
pagpapasingaw
Anong paraan ng pagluluto ang iyong gagawin kung gagamit ka ng nagbabagang uling?
pagbabanli
paglalaga
pag-iihaw
paghuhurno
Alin sa mga sumusunod na pagkain ang mayaman sa protina?
keyk, tinapay, kanin
saging, papaya, pinya
karne ng manok, isda, mani
patata, kamote, pasta
Alin sa pangkat ng pagkain ang pinagkukunan ng bitamina?
gatas, beans, keso
manga, pinya, lemon
pasta, puto, suman
ube, mais, toge
Alin sa mga sumusunod ang unang hinuhugasan?
kutsara at tinidor
mga baso o glassware
plato at magkok
kaldero, kawali
Alin sa mga sumusunod ang huling hinuhugasan?
kutsara at tinidor
Mga baso o glassware
plato at mangkok
kaldero, kawali
Ikaw ay magbabalat at maghihiwa ng mga sangkap na inyong lulutuin, ano ang iyong gagamitin?
abrelata
sandok
kutsilyo
tong
Ihihiwalay ng iyong nanay ang pasta sa tubig, ano ang iyong kukunin?
palanggana
kolander
sangkalan
plato
Ang iyong ama ay magpiprito ng isda at pinakukuha sa iyo ang kanyang paglulutuan, ano ang iyong kukunin?
kaldero
rice cooker
kaserola
kawali
Pinakukuha sa iyo ang kaserolang pinaglutuan ngunit ito ay mainit pa, ano ang iyong gagamitin upang hindi ka mapaso?
basahan o pot holder
tissue
tong
supot
Ano ang iyong gagawin kung ang pagkain na nais mong abutin ay malayo sayo?
Ipapaabot ko sa taong malapit sa pagkain
Pipilitin kong abutin upang hindi ko maistorbo ang mga kumakain
Tatayo ako at kukunin ang pagkain
Hindi ko na lang kakainin at pipili na lang ako ng iba na malapit sa akin
Sa pagluluto ng omelette na may patatas, anong hugis ang ginawang hiwa sa patatas at sa keso?
bilog
kudrado
tatsulok
parihaba
Anong paraan ng paghahanda ng pagkain ang tawag sa pagtatanggal ng balat ng saging?
pagtatalop
pagbabalat
paggagadgad
paghihiwa
Nais mong dikdikin ang paminta na ilalagay ng nanay mo sa inyong ulam, ano ang iyong gagamitin?
martilyo
gunting
almires
kutsilyo
Ano ang gagawin mo sa mga natirang malinis na pagkain?
Ilalagay sa lagayan na may takip at ipapasok sa refrigerator.
Tatakpan at hahayaan sa ibabaw ng lamesa
Itatapon na lang at hugasan ang pinaglagyan.
Hayaan na lamang sa iwan sa lamesa at antayin kung sino ang kukuha.
Sa pag-aayos ng isang cover ng hapagkainan, saang bahagi ng plato nakalagay ang kutsara?
sa ibabaw
sa itaas
sa kaliwa
sa kanan
Ito ay inilalagay sa gitnang bahagi ng daliri ng kamay upang hindi matusok habang nananahi.
didal
aspile
bulak
tela
Ginagamit na panggupit ng tela at sinulid.
tracing wheel
gunting
emery bag
ngipin
Ito ay laging kasama ng walis na pinaglalagyan ng dumi bago ito ilagay sa basurahan.
bunot
timba
basahan
pandakot
Ito halos ang pinakamahalagang pantulong na kagamitan sa paglilinis.
sabon at tubig
walis at pandakot
floorwax at bunot
basahan at panlampaso
Ito ay ginagamit na pantanggal ng alikabok sa mga kasangkapan.
iskoba
basahan
panlampaso
vacuum cleaner
Explore all questions with a free account