No student devices needed. Know more
26 questions
Ito ay isang maikling tula na karaniwang nakikita sa mga pampublikong sasakyan na naglalarawan ng damdamin at buhay ng mga drayber o pasahero.
awiting panudyo
palaisipan
tugmang de-gulong
tulang panudyo
Ito ay bahagi ng karunungang-bayan na kung saan ay may isang suliraning sinusubok ang talino ng mga tagapakinig.
awiting-bayan
palaisipan
tugmang de-gulong
tulang panudyo
Ang palaisipan ay nahahawig sa uring ito ng karunungang-bayan.
awitin
bugtong
idyoma
salawikain
Ito ay mga akdang nagsasalaysay ng mga kuwento patungkol sa mga diyos, diyosa, at pagkakalikha ng sanlibutan.
alamat
kuwentong-bayan
mito
tula
Sinasalamin ng akdang ito ang kalinangan, pagpapahalaga, pag-uugali, at pamayanang kinabibilangan nito.
alamat
dula
kuwentong-bayan
mito
Ito ay isang akdang tumatalakay sa isang mahalagang isyu o paksa na nagtataglay ng kuro-kuro, opinyon, pananaw, o damdamin ng manunulat.
kuwentong-bayan
maikling kuwento
sanaysay
tugmang de-gulong
Ito ay literal na pagpapakahulugan sa salita na karaniwang mula sa mga diksyonaryo.
denotasyon
interpretasyon
konotasyon
pagkiklino
Ang bahaging ito ng akda ay karaniwang nagpapakilala sa mga tauhan, naglalarawan sa tagpuan, at naglalahad ng naunang pangyayari.
gitna
kumbensyon
panimula
wakas
Ito ay tinatawag ding sulyap na pabalik na kung saan ang reperensiyang ginamit ay nasa unahang bahagi ng pangungusap.
anaporik
denotasyon
kataporik
konotasyon
Ito ay tinatawag na sulyap pasulong na kung saan ang reperensiya ay binabanggit sa bandang hulihan ng pangungusap.
anaporik
denotasyon
kataporik
konotasyon
Naniniwala siyang pagsusumikap at pananampalataya ang kanyang susi sa pagtatagumpay. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
pambukas ng kandado
daan
Paborito niyang gulay ang ampalaya dahil sa nutrisyong taglay nito. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
isang mapait na gulay na kulay berde at kulubot ang balat
isang taong hindi matanggap ang desisyon ng iba
Sumibol ang apoy sa puso niya dahil sa hindi tamang pagtrato sa kanyang pamilya. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
nilikha buhat sa paghahalo ng kemikal at ng oxygen mula sa hangin
galit o poot
Ibinigay na niya ang kanyang puso sa iniibig. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
isang bahagi ng katawan na nagpapadaloy ng dugo
pag-ibig o pagmamahal
Sa pangungusap na, Si Kian ay tuwang-tuwa dahil nanalo siya sa laro, ano ang tawag sa salitang may salungguhit?
anaporik
denotasyon
kataporik
konotasyon
Sila ang mga bayani sa panahon ito sapagkat sinisikap ng mga frontliner na magampanan ang kanilang mga tungkulin para sa bayan sa kabila ng hamon ng pandemya. Sino ang tinutukoy ng panghalip na may salungguhit?
bayan
tungkulin
mga frontliner
tayong mga Pilipino
Sa pangungusap na, Sila ang mga bayani sa panahon ito sapagkat sinisikap ng mga frontliner na magampanan ang kanilang mga tungkulin para sa bayan sa kabila ng hamon ng pandemya, ano ang tawag sa salitang may salungguhit?
anaporik
denotasyon
kataporik
konotasyon
Ano ang pinalitan ng panghalip na may salungguhit sa pangungusap na, Matapos ang nangyari, hindi na umulit ang magkapatid na sina Aivan at Alexine sa kakulitan dahil mapapagalitan na naman sila ng kanilang mga magulang.
mga magulang
sa ginawa
sina Aivan at Alexine
mapapagalitan
Tukuyin ang bahaging kinabibilangan ng hinalaw na teksto:
"Sa simula pa lamang, mayroon ng pitong kulay dito sa mundo. Sila ay sina Pula, Kahel, Dilaw, Luntian, Bughaw, Indigo at Lila." (Hinalaw buhat sa Ang Alamat ng Bahaghari-Buklat.blogspot.)
Panimula
Gitna
Suliranin
Wakas
Suriin ang sumusunod na teksto. Alin ang hindi nagsasalaysay ng wakas ng kuwento?
Mula noon, nanirahan kasama ng diwata ang batang babae habang ang kanyang kapatid ay nasa kailaliman ng ilog.
May isang mangingisdang naninirahan kasama ang kanyang pitong anak na dalaga na hinahangaan dahil sa kanilang kagandahan.
Lumipas ang mga buwan, napansin nilang unti-unting tumataas ang lupa sa pinaglibingan ng magkasintahan na kalaunan ay naging isang bundok.
Sa huli, muling nagpakasal si Labaw Donggon sa pahintulot ng kanyang mga asawa at mga anak.
Anong elemento ng akda ang inilalahad sa bahaging, "May isang mayamang lalaki sa isang bayan na may alagang aso at pusa na talaga namang maraming pakinabang sa kaniya. Ang aso’y marami nang napagsilbihang amo at tumanda na rin ito nang husto kaya hindi na kayang makipaglaban pa. Ngunit mabuti siyang gabay at kasa-kasama ng pusa na malakas at matalino?" (Hinalaw buhat sa Bakit Ikinakawag ng mga Aso ang Kanilang Buntot-Buklat.blogspot.)
banghay
tagpuan
tauhan
tunggalian
Anong elemento ng akda ang inilalahad sa bahaging, "Ang pagiging sakim ay isang kahangalan. Hindi masamang maghangad ng mga bagay na wala ka ngunit matutong maging masaya sa kung anong meron ka ngayon. Matutong pahalagahan ang mga bagay na nasa iyo upang hindi magsisi kapag ito ay nawala.?" (Hinalaw buhat sa Ang Aso at Ang Anino-Buklat.blogspot.)
banghay
kaisipan
suliranin
tagpuan
Basahin ang hinalaw na teksto sa ibaba. Tukuyin ang pangunahing kaisipan nito.
Malaki ang gampanin ng paaralan sa paghubog ng pagkatao ng isang mag-aaral. Bagama't pamilya ang itinuturing na pangunahing institusyon ng lipunan, malaking panahon ang ginugugol ng mga mag-aaral sa paaralan. Kaya isang malaking hamon para sa kasalukuyang sistema ng edukasyon ang pagkamit sa nasabing layunin. Bakit nga ba? Dahil sa kaunting oras ng online class o synchronous class ay hindi lamang nakatuon ang guro sa pagtuturo ng nasabing asignatura o subject sapagkat nakapaloob pa rin dito ang pagkikintal ng kabutihang-asal na kanilang magagamit sa pang-araw-araw na buhay. -FAP
Malaki ang gampanin ng paaralan sa paghubog ng pagkatao ng isang mag-aaral.
Bagama't pamilya ang itinuturing na pangunahing institusyon ng lipunan, malaking panahon ang ginugugol ng mga mag-aaral sa paaralan.
Kaya isang malaking hamon para sa kasalukuyang sistema ng edukasyon ang pagkamit sa nasabing layunin.
Dahil sa kaunting oras ng online class o synchronous class ay hindi lamang nakatuon ang guro sa pagtuturo ng nasabing asignatura o subject sapagkat nakapaloob pa rin dito ang pagkikintal ng kabutihang-asal na kanilang magagamit sa pang-araw-araw na buhay.
Suriin ang hinalaw na teksto. Piliin ang pinakaangkop na pangunahing kaisipan para sa nasabing teksto.
Cellphone, laptop, desktop computers, at tablet. Ito ang ilan sa mga gamiting gadget sa panahon ngayon ng mga kabataan. Ito ay hindi upang maglaro kundi upang gamitin sa kanilang pag-aaral. Sa mga may online class, malaki ang naitutulong nito upang makapasok sa kanilang klase at makilahok sa klase. Samantala, sa mga nagmo-module, ginagamit ito upang makapagsaliksik sila ng iba pang sanggunian sa pagsagot. Sa ngayon, higit na nagiging makabuluhan ang gamit ng mga nasabing teknolohiya sa edukasyon.
Ginagamit ang mga cellphone, tablet, laptop, at desktop computers sa pag-aaral sa kasalukuyan.
Sa ngayon, may dalawang paraan ng pag-aaral: online at modular class.
Malaki ang naitutulong ng mga gadget sa pag-aaral sa kasalukuyan.
Bagama't may positibo, mayroon ding negatibong epekto ang paggamit ng mga gadget.
Suriin ang sumusunod na mga kaisipan. Alin sa sumusunod na pantulong na kaisipan ang hindi angkop para sa pangunahing kaisipang ito, Ang pamahalaan ay binubuo ng tatlong sangay na may iba't ibang tiyak na tungkulin.?
Ang ehekutibo ay ang tagapagpaganap ng batas.
Ang mga punong lungsod o alkalde ay bahagi ng sangay ehekutibo dahil sila ang tagapagpaganap ng batas sa kanilang nasasakupan.
Ang hudikatura ay ang tagahukom batay sa umiiral na batas.
Ang lehislatibo ay ang gumagawa ng batas.
Bumuo ng pagbubuod buhat sa tekstong ito. Sundin ang padron sa pagsagot:
Unang Pangungusap: Pangunahing Kaisipan
Ikalawa-Ikatlong Pangungusap: Mga Pantulong na Kaisipan
Binubuo lamang ng tatlong pangungusap ang pagbubuod.
Pagmamarka:
Pagbubuod- / 6 puntos
Mekaniks- /2
Pagsunod sa Panuto- /2 puntos
Kabuoan- /10 puntos
Explore all questions with a free account