No student devices needed. Know more
20 questions
1.Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
a. Tutulong ang mga mayayaman sa mga mahihirap
b. Paggalang sa karapatan ng bawat isa
c. Palaging nakakasalamuha ang kapuwa
d. May ugnayan na namamagitan sa dalawang tao.
2. Ayon kay _______________________________ ang kahulugan ng katarungan ay pagbibigay at hindi pagtanggap.
a. Socrates
b. Ferdinand Magellan
c. Alexander D Great
d. Dr. Manuel Dy
3. Ang _____________________ ay ang pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya.
a.Katarungan
b. Katapatan
c. Kasarinlan
d. Kasaganaan
4. Ang katarungan ay ang pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
a. May bumibili sa lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ng maaga.
b. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kaniyang gawaing bahay.
c. May “Feeding Program” ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ang timbang.
d. Kumakain ng sabay-sabay ang bawat miyembro ng pamilya.
5. Bakit mahalaga na sa katarungan ibinabatay sa moral na batas ang mga batas?
a. Hindi maaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungang panlipunan
b. Ang pagpapakatao ay nagpapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas.
c. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao
d.Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung utos ng Diyos.
6. Ang taong _______ ay maraming tanong na hinahanapan niya ng kasagutan, at hindi nakukuntento sa simpleng sagot o mababaw na kahulugan ng kaniyang narinig o nabasa.
a. may pandama
b. Disiplina sa sarili
c. nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos
d. mausisa
7. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi ito nagrereklamo at nagpapabaya sa kanyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya sa paggawa?
a. Ginagawa niya nang may husay ang kaniyang tungkulin
b. Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kaniyang pangarap
c. May pagmamahal at pagtatangi sa kaniyang trabaho
d. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa
8. Maganda ang pagkakagawa ng mga bag na yari sa tetra pack ng juice ng pamilya nina Suzanne. Mabenta ang mga ito lalo na yung mga bag na may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
a. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan
b. Nakaisip ang tao na magsakripisyo at makipagsapalaran
c. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
d. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan
9. Sa pagreretiro ni Mang Rene, nakatanggap siya ng mga benepisyong hindi niya inaasahan mula sa pabrikang kaniyang pinaglingkuran ng mahigit sa apatnapung taon. Bukod dito, binigyan din siya ng plake ng pagkilala bilang natatanging manggagawa ng pabrika. Palatandaan ba ng kaniyang kagalingan sa paggawa ang pagtanggap ng benepisyo at pagkilala?
a. Oo, sapat na basehan ang apatnapung taon niyang paglilingkod
b. Oo, hindi ibibigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa manggagawang hindi nararapat bigyan o gawaran nito.
c. Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang maggagawa sa oras na siya ay magretiro bilang bahagi ng kaniyang karapatan bilang isang manggagawa
d. Hindi, binibigay lang ang parangal upang maging masaya si Mang Rene dahil sa edad na mayroon siya.
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng katangian ng Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama?
a. Gumugugol na maraming oras si Leonardo de Vinci upang pagmasdan ang mga ibong lumilipad at hugis ng bulaklak at dahon.
b. Laging nakikinig sa iba’t ibang instrumentong pangmusika si Roberto del Rosario, imbentor ng karaoke.
c. Inooserbahan ng mga scientist ng maraming oras ang kanilang specimen bago bumuo ng konklusyon tungkol dito.
d. Pinauunlad ng mga magsasakang Hapones ang pagtatanim ng maraming puno sa tabi ng palaisdaan dahil nahinuha nila ang kaugnayan ng malusog na isda malusog na ecosystem.
11. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Rony?
a.Hindi nagrereklamo sa ginagawa
b. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal
c. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa
d. Hindi umiiwas sa anumang Gawain
12. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow, The Heirarchy of Needs tungkol sa pera?
a.Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguraduhan upang ang kaniyang buhay ay maging maayos sa hinaharap
b. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin
c. Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang
seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap.
d. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan.
13. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, at determinasyon.
a. Katatagan
b.Pagpupunyagi
c.Pagsisikap
d. Kasipagan
14. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbigay sa iba.
a. Pagtulong
b.Pag-iimpok
c.Pagkakawanggawa
d.Pagtitipid
15. Ano ang pumipigil sa tao para magtagumpay?
a. Katamaran
b.Kayabangan
c. Kasinungalingan
d. Kabagabagan
16. Anong ang tawag sa hindi paggasta ng pera nang walang saysay?
a. pag-iimpok
b. paggasta
c.pagtitipid
d.pagwaldas
17.Ang pagsisikap na gawin at tapusin ang isang gawain nang may kalidad?
a. kasipagan
b. kasaganaan
c. kaunlaran
d. kagitingan
18. Ano ang tawag sa taong may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan at determinasyon?
a. Katalinuhan
b.Pagiging matipid
c.Kasipagan
d.Pagpupunyagi
19. Alin sa mga sumsunod na kilos ng makatarungang tao?
a. Pinag-uusapan ng mga manggawa ang kasalukuyang nagyayari sa sistemang legal na bansa.
b. Nagwewelga ang mga mag-aaral upang iparating ang kanilang hinaing at karapatan sa lipunan.
c. Tinatawagan ng guro ang mga mag-aaral na ayaw ng pumasok upang kausapin sila at ang kaniyang mga magulang na bumalik sa pag-aaral.
d. Nagkikita-kita ang mga kabataang lalaki sa audotorium ng kanilang barangay tuwing Sabado ng hapon upang maglaro ng basketball.
20.Maganda ang binitawang hamon ng Tagapagsalita sa mga mag-aaral na
magtatapos sa taong ito bilang susi upang maiangat ang sarili, pamilya,
kapwa at bansa sa kabuuan. Alin ang maaaring maging instrumento
upang maisabuhay ito?
a. Gumawa ng produkto o gawaing magiging intsrumento ng
kapayapaan
b. Gumawa ng produkto o gawaing makatutulong sa tao at bansa
c. Gumawa ng produkto o gawaing mapagkakakitaan
d. Gumawa ng produkto o gawaing para sa tao at sa Diyos
Explore all questions with a free account