No student devices needed. Know more
16 questions
Ang sumusunod ay mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:
a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang ating buhay.
b. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak.
c. Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan.
d. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao.
Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?
a. Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang kaniyang kalayaan.
b. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti at masama sa kaniyang isip.
c. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon.
d. Lahat ng nabanggit
Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
a. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti.
b. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya.
c. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral.
d. Kung magsasanib ang tama at mabuti.
Para sa 4 at 5: May suliranin sa pera ang pamilya ni Louie. Isang araw, may dumating na kolektor sa kanilang bahay, ngunit wala silang nakahandang pambayad. Inutusan si Louie ng kaniyang ina na sabihing wala siya at may mahalagang pinuntahan. Alam niyang dapat sundin ang utos ng ina. Sa kabilang banda, alam din niyang masama ang magsinungaling. Sa pagkakataong ito, ano kaya ang magiging hatol ng konsensiya ni Louie? Ano ang dapat niyang maging pasiya? Itype ang Oo
Alam ni Louie na dapat sundin ang kaniyang ina ngunit alam din niyang masama ang magsinungaling. Anong yugto ng konsensiya ang tinutukoy sa pangungusap na ito?
a. Unang yugto
b. Ikalawang yugto
c. Ikatlong yugto
d. Ikaapat na yugto
Alin sa sumusunod ang dapat gawin ni Louie batay sa hatol ng kaniyang konsensiya?
a. Iutos sa kasambahay na sabihing wala ang may-ari ng bahay.
b. Harapin ang kolektor at sabihing wala ang kaniyang ina.
c. Magtago sa silid at hayaang maghintay ang kolektor.
d. Tumawag ng pulis at isuplong ang kolektor.
“Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama. Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
a. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.
b. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya.
c. Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang kumiling sa mabuti.
d. Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya.
Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ngunit ito pa rin ay ang subhetibo, personal, at agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan pa kaysa rito. Ano ang itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos?
a. Ang Sampung Utos ng Diyos
b. Likas na Batas Moral
c. Batas ng Diyos
d. Batas Positibo
Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?
a. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama
b. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti
c. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura
d. Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya
Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madadaig?
a. Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama
b. Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby
c. Pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kung makabubuti ito
d. Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid
Ang konsensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay:
a. Bahala ang tao sa kanyang kilos
b. Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos
c. Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos
d. Makabubuti sa tao na kumilos nang tama
Maituturing na masama ang magsinungaling. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral ang batayan nito?
a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay
b. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papagaralin ang mga anak
c. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan
d. Wala sa nabanggit
Hindi lamang masamang kitilin ang sariling buhay kundi masama ring kitilin ang buhay ng kaniyang kapuwa. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral ang batayan nito?
a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay
b. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papagaralin ang mga anak
c. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.
d. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama
Ito ay tumutukoy sa mga kritikal na sandali ng ating buhay kung saan nahihirapan tayong mamili kung ano ang dapat gawin.
a. Problema
b. Krisis
c. Pagsubok
d. kahinaan
Kailan nagkakamali sa paghatol ang konsensiya?
a. Kapag nakinig sa sinasabi ng ibang tao
b. Kapag mahina ang paninindigan ng isang tao
c. Kapag napilitan ito dahil wala nang ibang pagpipilian
d. Kapag taliwas sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman
Ang konsensiya ay bumubulong na wari’y sinasabi sa atin, “Ito ang mabuti, ang dapat mong gawin”, “Ito ay masama ang hindi mo dapat gawin”. Anong yugto ng konsensiya ang kinapapalooban nito?
a. Alamin at naisin ang mabuti
b. Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon
c. Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos
d. Pagsusuri ng Sarili/Pagninilay
Explore all questions with a free account