No student devices needed. Know more
15 questions
Ito ay pangunahing relihiyon sa India.
SHINTOISM
ISLAM
HINDUISMO
KRISTIYANISMO
Ito ay nangangahulugang "Ang Daan ng Naliwanagan" na mula sa aral ni Siddartha Gautama.Relihiyong nagmula sa India at maluwag na tinanggap sa silangang asya.
BUDDHISM
HINDUISM
SHINTOISM
JUDAISM
Nagmula sa bansang Japan at naniniwala sa mga "Kami" o mga espiritu na mula sa kalikasan at sa kanilang mga ninuno.
JAINISM
JUDAISM
SHINTOISM
BUDDISM
Isang relihiyong monoteista (naniniwala sa iisang diyos lámang) na nakabatay sa búhay at pinaniniwalaang mga katuruan ni Hesus na pinaniwalaan ng mga Kristiyano na isang tagapagligtas at mesiyas ng Hudaismo.
KRISTIYANISMO
JUDAISMO
ISLAM
SHINTOISM
Nagmula sa bansang Saudi Arabia. Ang "pagsunod sa kalooban ng Diyos", ang kahulugan nito at isang pananampalatayang monoteismo at ang ikalawang pinakamalaking relihiyon sa mundo.
KRISTIYANISMO
ISLAM
JUDAISMO
SHINTOISMO
Ang pagsusuot ng belo ng mga babaeng Muslim ay hindi lamang tanda ng kanilang pagkakakilanlan, ito rin ay nagsisilbing proteksyon laban sa init at alikabok. Ano ang nais patunayan ng pahayag na ito?
Ang uri ng relihiyon ay makikita sa kanyang kasuotan
Ang pasusuot ng belo ay tanda ng kanilang pananampalataya
Ang pagsusuot ng belo ay may pangrelihiyon at praktikal na gamit
Ang mga kababaihan ay dapat magsuot ng belo upang mapanatili nila ang kanilang paniniwala
Sa ibat-ibang bansa sa Asya na naniniwala sa Buddhism, makikita ang rebulto at larawan ni Buddha sa ibat-ibang anyo: mayroong payat, malusog, nakangiti, natutulog at nasa anyo ng meditation. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito?
Ang mga larawan at anyo ni Buddha ay isang sining na maituturing.
Ang mga larawan at anyo ni Buddha ay nagsisilbing gabay sa pamumuhay.
Ang mga larawan at anyo ni Buddha ay mahalaga sa mga nananampalataya dito.
Ang mga larawan at anyo ni Buddha ay napapakita ng ibat-ibang aspeto ng pamumuhay ng tao.
Ang Shintoism ay naglalagay ng Torii sa kanilang mga pook sambahan, sa paniniwala na ito ang daanan at hangganan sa pagitan ng mundo ng tao at mga espiritu. Anong kaisipan ang mabubuo sa pahayag na ito?
Mahalaga sa Shintoism ang magandang disenyo ng Torii.
Mahalaga sa Shintoism ang makatawid sa mundo ng mga espiritu.
Mahalaga sa Shintoism ang mabuting ugnayan ng tao at mga espiritu.
Mahalaga sa Shintoism ang Torii sapagkat ito ay palatandaan ng kanilang paniniwala.
Banal ang turing ng mga Hindu sa mga baka, patunay nito ay ang hindi nila pagkain sa karne nito. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kadahilan nito:
.Ang baka ay mahirap alagaan at palakihin.
Ang baka ay itinuturing nila na banal na simbolo ng buhay.
Ang karne ng baka ay mataas ang presyo kumpara sa iba pang karne ng hayop.
Ang karne ng baka ay naglalaman ng mga taba na maaring hindi makabuti sa kalusugan ng tao.
Ang Pilipinas ay bansa sa Asya na may malalim na pananampalataya sa Katolisismo, patunay nito ay pagkakaroon ng altar sa bawat tahanan at pagdarasal gamit ang rosaryo. Anong kaisipan ang mabubuo sa pahayag na ito?
Ang pagdarasal ay mahalagang gawain sa buhay ng mga Kristiyano.
Ang pagkaroon ng altar ay bahagi na sa tahanan ng bawat Kristiyano.
Ang altar at rosaryo ay mahalagang pagkakakilanlan ng mga Kristiyano.
Ang paggamit ng rosaryo ay malaking tulong sa pagdarasal ng mga Kristiyano
Isa sa mga aral ng Hinduism ang paggalang sa bagay na may buhay, dahilan kung bakit umiiwas sila sa pagkain na may buhay tulad ng karne ng hayop. Kung ikaw ay may kaibigan na kabilang sa paniniwalang ito, paano mo maipakikita ang paggalang sa kaniyang paniniwala?
Hindi ko siya isasama sa mga handaan.
Hindi ko siya bibigyan ng mga pagkain na bawal sa kanya.
Hindi ko sasabihin ang mga sahog na ginamit sa pagluluto.
Hindi ko sasabihin kung ano ang mga nakahandang pagkain.
Ang paggamit ng geometric pattern at paulit-ulit na pattern ang isa sa pangunahing istilo at disenyo na ginagamit ng mga Muslim sa kanilang Arkitektura at Sining. Makikita ito sa mga tela na kanilang ginagamit at disenyo ng gusali na kanilang ginagawa. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito?
Ang sining at arkitektura ay gabay sa pagbuo ng mga istraktura.
Ang sining at arkitektura ay maaaring maging pagkakakilanlan ng isang relihiyon.
Ang sining at arkitetura ang nagsilbing inspirasyon upang higit na manampalataya ang tao.
Ang sining at arkitektura ay magandang daan upang mahikayat ang tao sa pagtangkilik sa pananampalataya ng iba.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng impluwensiya ng Kristiyanismo sa pamumuhay ng tao?
Iniiwasan ni Roger ang mga paggamit ng mga produkto na mula sa hayop.
Matiyaga na nililinis ni Roger ang mga gamit sa bahay at pinapanatili niya ang kaayusan nito
Pumili ng mga makukulay na disenyo si Roger na gagamitin niya sa pagbuo ng kanyang bahay.
Taun-taon namamanata si Roger bilang pasasalamat sa mga biyaya na kanyang natatanggap
Mahalaga sa Shintoism ang pangangalaga sa kalikasan at pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran. Ginagawa nila ito sa paniniwala na:
Makapagdudulot ito ng maraming kaibigan
Makapagdudulot ito ng maunlad na pamumuhay
Makapagdudulot ito ng walang hanggang kaligayahan
Magkapagdudulot ito ng kasiyahan sa kanilang mga diyos
Ang pagsisimba tuwing Linggo, pagbuo ng mga batas ayon sa pananampalataya at paraan ng pananamit ay ilan lamang sa mga impluwensiya ng relihiyon sa buhay ng tao. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita nito?
Ang relihiyon ang nagsisilbing pangunahing aralin ng tao.
Ang relihiyon ay nagsisilbing gabay ng tao.
Ang relihiyon ay bahagi na ng pamumuhay ng tao.
Ang relihiyon ang lunas sa lahat ng suliranin ng tao
Explore all questions with a free account