No student devices needed. Know more
35 questions
Hanapin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit...
Binagtas nila ang palayan at sinuyod ang bawat dinadaanan.
Hanapin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit...
Hindi dapat paghinalaan at pagdudahan ang marangal niyang intensyon.
Hanapin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit...
Nagulat ang prayle at namangha ang buong bayan sa kinalabasan ng imbestigasyon.
Hanapin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit...
Matagal bago nahimasmasan si Basilio mula sa kawalang malay. Ngunit nang siya'y matauhan, ang kaniyang ina agad ang kaniyang hinanap.
Isang kurang Pransiskanong masalita at magaspang kumilos. Ang nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra ng libingan nito.
Siya ay isang pilosopo para sa mga may alam at baliw naman para sa mga di nakapag-aral
Dating labanderang may malaswang bibig at pag-uugali na napangasawa ng Alperes.
Kaibigang tinyente ng guwardiya sibil ni Don Rafael Ibarra. Ang nagsiwalat ng naging pangyayari kay Crisostomo tungkol sa ama nito.
Inang tinakasan ng bait na kinadulutan ng kaniyang kasawian. May asawang lasinggero't sugarol at may mga mabubuting anak na nawala;t pinagkaitan din ng kapalaran.
Ang ipinagkasundong meztizo kay Maria Clara na pamangkin sa pinsan ni Padre Damaso.
Ano ang ginagawa ni Pilosopo Tasyo nang dumating si Crisostomo Ibarra sa kaniyang tahanan?
nagbabasa ng mga aklat pang pananampalataya
sumusulat sa anyong jeroglifiko
abala sa pagpapadasal sa kaniyang yumaong asawa
namamahinga at nagmumuni-muni.
Kailan idinaraos ang kapistahan sa bayan ng San Diego?
November 10
November 11
December 10
December 12
Ano ang ginawa ni Maria Clara ng makita ang ketongian? Iniabot niya ang...
salapi
relikaryong bigay ng ama
tubig at pagkain
liham nang pagtulong
Ang mga sumusunod ay pagsasakripisyo ni Padre Damaso upang makapagmisa sa araw ng pista maliban sa,?
pagsawalang bahala sa kaniyang pamamalat
pagsasantabi sa kaniyang pagkakaroon ng sipon
hindi pagkain ng almusal
pagkahilo sa pagnonovena
Magkano ang pera ng bayan na ginastos para lamang sa isang sermon?
dalawang daan at limampung piso
Tatlong daan at limampung piso
limang daan
isang daan
Patungkol saan ang maaaring panganib ang ibinulong ni Elias kay Ibarra sa kalagitnaan ng misa?
sa gaganaping paghuhugos
sa mga dulang itatanghal sa pista
sa kinagabihan ng Noche Buena
sa gaganaping pag-aalsa sa mga kastila
Sino ang pumunta sa tahanan ni Crisostomo upang humiling na kung magkakaroon man ng imbestigasyon patungkol sa pagkamatay ng taong madilaw ay huwag niyang babanggitin ang pagbulong ni Elias sa kaniya sa simbahan.
Lucas
Elias
Alperes
Padre Salvi
Sino ang dumating na pumawi sa saya ng idinaraos na pananghalian?
Padre Salvi
Crisostomo Ibarra
Donya Victorina
Padre Damaso
Bakit nagkaroon ng mga pala palagay na hindi matutuloy ang paaralang ipinatatayo ni Crisostomo?
Tinawag itong palibustero
Pinaratangan siyang erehe
Pinatawan siya ng ekskomunyon ng arsobispo
Ipinakulong siya ng reverencia
Sino ang napakahalagang panauhin ang bumisita at tumuloy sa tahanan ni Kapitan Tiyaga?
Ang mag-asawang De espadanya
Padre Damaso
Kapitan Basilio
Reverencia
Ang kalooban ng mga pari ay naging masama ang timpla matapos makausap ang Kapitan Heneral
tama
mali
Ang karo ng mahal na Birhen ang pinakahuli sa linya ng mga ipinoprosisyon na hinihila ng mga taong nakaabito.
tama
mali
Ang pagdating ng tinyente ang tumapos sa kahibangan ni donya Consolacion sa mga ipinagagawa nito at paglalaro kay Sisa.
tama
mali
Ang Alperes at Alperesa ay sinubukang ipahinto ang palabas na nagaganap sapagkat di sila makatulog.
tama
mali
Ang kapatid ng taong madilaw na si Lucas ay nakasalubong sa daan ni Crisostomo at nanghihingi ito ng kabayaran sa naging kamatayan ng kaniyang kapatid.
tama
mali
Ang pagpapanggap ni Don Tiburcio bilang doktor ay dahil lamang sa kagustuhan ng kaniyang asawang si Donya Viictorina.
tama
mali
Ang pagsadya ni Lucas kay Padre Salvi ay pra ireklamo si Crisostomo sa ibinigay nitong bayad sa pagkakamatay ng kaniyang pinsan.
tama
mali
Ang mensaheng iniutos ni Maria Clara kay Sinang ay ang sabihin kay Ibarra na limutin na siya nito.
tama
mali
Pinangakuan ni Elias si Kapitan Pablo na tutulong siya sa paghihiganti kung hindi matutupad ang kaniyang magagandang plano.
tama
mali
Masayang ibinalita ni Crisostomo Ibarra kay Maria Clara subalit nanibugho ito nang makitang kasama ng dalaga si Padre Damaso
tama
mali
Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? (TATLONG PUNTOS)
A. Pakikipagkita ni Ibarra kay Elias kung saan ipinagtapat ni Elias ang kaniyang pakay.
B. Pagsasalaysay ni Elias sa masasaklap na pinagdaanan ng kanilang angkan at pagkamatay ng kaniyang lolo.
C. Paghanga ng husto ni Ibarra kay Elias
D. Pagpapakamatay ng kakambal na kapatid ni Elias.
ACBD
ABCD
ACDB
ABDC
Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? (TATLONG PUNTOS)
A. Pagkatuklas ni Elias na ang dahilan ng kanilang kasawian ay ang nuno ni Ibarra na si Don Pedro Eibarramendia
B. Pagdalaw ni Don Filipo kay Pilosopo Tasyo dahil ilang araw na itong may sakit.
C. Pagkakasundo ni Padre Salvi at Alperes hinggil sa lihim na paghahanda sa inaasahang pagsalakay ng mga tulisan.
D. Pagbanggit ni Pilosopo Tasyong tatlong daang taon na nahuhuli ang Pilipinas sa pag-unlad.
ABCD
BDCA
CABD
DCAB
Tukuyin ang dalawang pahayag kung ito ay tama o mali.
Una: Ang mga nakalaban ng guwardiya sibil ay napabalitang mga kwardilyero
Ikalawa: Isa sa mga balitang kumalat sa bayan ay ang pagtatanan ni Ibarra kay Maria Clara
Parehong tama
Parehong mali
Ang una ay tama, ang ikalawa ay mali
Ang una ay mali, ang ikalawa ay tama
Tukuyin ang dalawang pahayag kung ito ay tama o mali.
Una: Nagtipon sa tribunal at simbahan ang mga kaanak ng mga bilanggo upang makiusap ng awa para sa kanilang mahal sa buhay.
Ikalawa: Ang panaghuyan ng mga tao ay nahalinhinan ng poot ng makitang nakatali si ibarra hindi tulad ng iba na walang gapos.
Parehong tama
parehong mali
ang una ay tama, ang ikalawa ay mali
ang una ay mali, ang ikalawa ay tama
Tukuyin ang dalawang pahayag kung ito ay tama o mali.
Una: Ipinagbilin ni Elias kay Basilio na sunugin ang bangkay nila ni Sisa.
Ikalawa: Mula nang pumasok sa kumbento si Maria Clara, namalagi na sa Maynila si Padre Damaso at Kapitan Tiyago.
Parehong tama
parehong mali
ang una ay tama, ang ikalawa ay mali
ang una ay mali, ang ikalawa ay tama