No student devices needed. Know more
5 questions
1. Alin sa mga pangungusap na ito ang nagpapakita ng kahulugan ng Information and Communication Technology o ICT?
a. Tumutukoy sa paggamit ng mga aparatos tulad ng radyo, tablet, telepono, cellphone, laptop, at kompyuter.
b. Pag-aaral o paggamit ng mga kasangkapan para sa pangangalap, pagkuha, at pagpapadala ng mga impormasyon.
c. lahat ng nabanggit
2. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory ng inyong paaralan, alin dito ang hindi mo dapat gawin?
a. Hintayin ang pahintulot ng iyong guro na gamitin ang kompyuter.
b. Umupo nang tahimik sa pwestong nakatalaga sa iyo
c. Kumain at uminom ng paborito mong pagkain dahil naiinip ka na
3. Sa paggamit ng internet, alin sa mga ito ang dapat mong gawin?
a. Makipag-chat sa mga hindi kakilala.
b. Iwasan at huwag makipagpalitan ng mensahe sa mga taong hindi mo naman alam ang tunay na pangalan.
c. Mag-accept ng mga friend request mula sa ibang tao upang dumami ang iyong mga kaibigan sa social media.
4. Hinihingi ng matalik mong kaibigan ang password mo sa iyong social media account, ano ang gagawin mo?
a. Hindi ko ibibigay ang aking password.
b. Ibibigay ko sa kanya ang aking password dahil siya ay aking kaibigan.
c. Ibibigay ko sa kanya ang aking password dahil ayaw kong magalit sya.
5. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa mga ito ang dapat mong gawin?
a. Maaari kong i-check ang aking email dahil gusto ko.
b. Maaari ko lamang gamitin ang website na itinakda sa amin ng aming guro.
c. Agad kong bubuksan ang aking email account at gagamitin ang instant messaging upang makipag-ugnayan sa aking mga kaibigan.
Explore all questions with a free account