No student devices needed. Know more
15 questions
Ito ay nagmula sa salitang Latin na Imperium na ang ibig sabihin ay command. Isang salitang Latin na nagsimulang gamitin sa panahon ng pananakop ng Imperyong Roma. Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong pampulitikal, pangkabuhayan, at kultural na pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan.
Nasyonalismo
Kolonyalismo
Kapitalismo
Imperyalismo
Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga sinakop upang magamit ang mga likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.
Protectorate
Mandate
Kolonyalismo
Imperyalismo
Ito ay transpormasyon mula sa manwal na paggawa sa mga kabukiran sa pag-imbento ng mga bagong imbentong makinarya.
Rebolusyong Teknikal
Merkantalimo
Kapitalismo
Rebolusyong Industriyal
Maraming mangangalakal ang namuhunan sa panahong ito upang higit na kumita.
Rebolusyong Industriyal
Merkantilismo
Kapitalismo
Industriyalismo
Ayon sa mga Kanluranin, sila ay may katungkulan na turuan at paunlarin ang kanilang mga sakop na bansa. Ito ang nagbigay-katuwiran sa kanila sa pananakop sa Asya.
Colony
Nasyonalismo
White Man’s Burden
Manifest Destiny
Ang sumusunod ay mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin sa pananakop ng mga lupain MALIBAN sa isa.
Pagnanais ng mga bansang Europeo ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang mga karibal na bansa
Pangangailangan ng hilaw na sangkap at pamilihan ng mga bansang Europeo
Matulungan ang mga katutubo tungo sa kaunlaran at mahusay na edukasyon
Pagpapalawak ng teritoryo at pagpaparami ng kayamanan
Ang sumusunod ay mga salik na nagbunsod sa mga Kanluranin na sakupin ang kontinente ng Asya dala ng rebolusyong Industriyal sa Europa. Piliin ang hindi kabilang.
Pangangailangan ng iba’t ibang uri ng likas na yaman
Pangangailangan ng mga tagabili ng mga produktong yari sa Europa
Pangangailangan ng mga bagong pabrika na pagtatayuan ng pagawaan ng maraming produkto
Pagnanais ng mga Europeo na maibahagi ang kanilang mga imbensyon at kaalaman sa teknolohiya sa mga Asyano
Ang sumusunod ay mga dahilang ipinahayag ng mga Kanluranin sa pananakop ng mga lupain sa Asya mula sa akdang White Man’s Burden. Piliin ang tunay na dahilan ng kanilang lihim na interes.
Upang maibahagi ang mga kaalamang natuklasan
Pangangailangan ng pamilihan ng mga yaring produktong
Makapanakop ng mga lupain upang magkaroon ng pandaigdigang kapangyarihan at makalikom ng kayamanan
Pagpasan sa balikat ng mga Europeo sa mga Asyano na kailangang tulungan upang umunlad ang kanilang kabuhayan at kabihasnan
Ito ay uri ng pananakop na kung saan direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kanyang sakop. Hal. England- India
Relihiyong Kristiyanismo
Mandate System
Protectorate
Colony
Ang sumusunod ay mga negatibong epekto ng pananakop ng mga
Kanluranin sa Asya. Piliin ang HINDI kabilang.
Naging laganap ang kahirapan at marami ang namatay
Nagkaroon ng pagtatangi ng lahi o Racial Discrimination ang mga mananakop
Nawalan ng karapatan ang mga kolonya na pamahalaan ang sariling bansa sa kanilang sariling sistema
Nagpatayo ng mga tulay, daan, riles ng tren ang mga mananakop upang mapabilis ang pagdadala at pagluluwas ng mga produkto
Isa sa mga patakarang British sa India ay ang paggamit ng wikang Ingles
bilang wikang panturo sa mga paaralan ng India. Napilitan ang mga Indian
na gamitin ang wikang Ingles sa kanilang sariling bansa. Anong implikasyon ang mabubuo sa ganitong kaganapan?
Ito ay nagpahirap sa kabuhayan ng mga Indian
Ito ay sumira sa kultura at dignidad ng mga Indian
Ito ay tuwirang pag-alis ng pagkamamamayan ng mga Indian
Ito ay nakatulong sa pag-unlad ng kanilang kaalaman at kultura
Alin sa sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop
ng mga Ingles sa pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Indian lalo
ng kababaihan?
Naturuan sa larangan ng pamamahala
Marami ang mga Indian ang pinag-aral sa England
Nagpagawa sila ng mga daan, tulay at mga riles ng tren
Ipinagbawal nila ang matandang kaugalian gaya ng Sati o Sutee at Female Infanticide
Bakit hindi nasakop ng mga Europeo ang rehiyon ng Kanlurang Asya sa
mahabang panahon?
Dahil malayo ito sa kanilang teritoryo
Dumami ang mga Kristiyano sa Kanlurang Asya
Dahil walang kayamanan na makukuha sa Kanlurang Asya
Dahil nagamit ng mga Turkong Muslim ang relihiyong Islam upang mapag-isa ang mga Arabe
Ang Kanlurang Asya ay sumailalim sa pananakop ng mga Kanluraning England at France noong 1914 sa pamamagitan ng isang tsarter o mandato ng Liga ng mga Bansa. Ang mga bansang Europeo na nanalo noong Unang Digmaang Pandaigdig ay magiging mandato ng ilang teritoryo ng mga natalong bansa. Maraming bansa sa Kanlurang Asya ang naging mandato ng mga Europeo. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pakikialam ng mga bansang Europeo sa mga bansa sa Kanlurang Asya MALIBAN SA ISA.
Pagtatatag ng bansang Israel
Pagtuklas at paglinang ng langis
Pakikialam sa away ng Palestina at mga Hudyo
Naging mandato ng Great Britain ang Iraq, Palestina, West Bank, Gaza Strip at Jordan
Alin sa sumusunod ang naging pangkalahatang epekto ng Kolonyalismo sa Asya?
Pagkamulat sa mga Kanluraning Prinsipyo
Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan
Naging masunurin ang mga Asyano sa lahat ng mga naisin ng mga Europeo
Naging masidhi ang damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang maibangon ang sariling bansa
Explore all questions with a free account