No student devices needed. Know more
15 questions
Panuto: Tukuyin ang angkop na ekspresyong dapat gamitin sa pagpapahayag ng pananaw sa sumusunod na sitwasyon.
_______1. Nais mong ilahad sa iyong kausap ang pananaw ng isang eksperto tungkol sa isyung inyong pinag - uusapan.
a. Ayon kay
b. Sa Kabilang dako
c. Sa aking palagay
d. Alinsunod sa
Naisip mong mayroon pang ibang anggulo o pananaw na dapat maipaliwanag sa isyung tinatalakay.
a.Iniisip kong
b.Batay sa
c.Sa isang banda
d.Sang - ayon sa
Tinatanong ng iyong kausap kung ano ang iyong sariling pananaw hinggil sa isyung inilahad.
a. Sumasang - ayon ako
b. Sa ganang akin
c. Isinasaad ng
d. Sa kabilang dako
Nais mong bigyang - diin ang pinagbatayan ng iyong pananaw mula sa ibang sanggunian
a. Pinaniniwalaan kong
b. Sa tingin ko
c.Ayon sa
d. Sa aking pananaw
Sa iyong pakikilahok sa matalinong talakayan, nais mong ipahayag ang iyong posisyon sa isang isyung panlipunan.
a.Batay kay
b.Ang aking paninindigan ay
c.Alinsunod sa
d.Sa abot ng aking kaalaman
Tama / Mali 6. Panuto: Lagyan ng Tama kung ang pahayag ay patungkol sa konsepto ng pananaw.Mali kung hindi.
1. Sa paggamit ng angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw, naiiwasan ang pag - angkin sa ideya ng iba.
Tama/ Mali 7. Ang mga ekspresyon sa paghahayag ng konsepto ng pananaw ay naghuhudyat ng iniisip, sinasabi o pinaniniwalaan ng isang tao o grupo ng mga tao.
Tama/ Mali 8. Ang mga ekspresyong wika ni, ayon sa at iniulat ng ay nagpapahiwatig na ang pananaw ay nagmula mismo sa tagapagsalita.
Tama/ Mali 9. Ginagamit ang mga ekspresyong (sa aking paniniwala,sa ganang akin at iniisip kong )sa pagpapahiwatig ng pagbabago o pag- iiba ng pananaw.
Tama/Mali 10.Nakatutulong ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw sa pagpapahayag ng impormasyon o paglahok sa isang komprehensibong talakayan.
11.____________Alvina Santiago, isang ophthalmologist, may ilang problema sa paningin ang maaaring mangyari kung hihigit pa sa tatlong oras ang paggamit ng gadgets lalo na ng mga bata. Maaari raw itong maging sanhi ng pagkaduling, panlalabo ng mata at iba pang karamdaman.
12.______________________resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Singapore Eye Researcn Institute, pagsapit ng 2050 ay nasa 1 bilyong katao ang posibleng mabulag dahil sa sobrang paggamit ng telebisyon, cellphone at iba pang gadgets.
13.______________________dapat himukin ang mga bata na iwasan ang sobrang paggamit ng mga gadgets at kumonsulta sa mga espesyalista sa mata isang beses kada taon upang mapigilan ang banta ng paglabo ng mata at posibleng pagkabulag.
14. _____________________ hindi maiiwasan ang paglabo ng mga mata ng mga taong ang uri ng hanapbuhay ay kinakailangang nakatutok sa computer sa loob ng walong oras o higit pa. Kaya makabubuti rin na magsuot sila ng eyeglasses upang maproteksyunan ang kanilang mga mata.
__________________ Dr. Santiago na iwasan din ang labis na pagpupuyat dahil nagdudulot ito ng kapaguran sa mga mata.
Explore all questions with a free account