10 questions
1. Ito ang tawag kapag ang isang tao ay nasaktan sa kanyang pangangatawan kagaya ng pambubugbog, pagputol sa anumang parte ng katawan at iba pa.
A. Pisikal na paglabag sa karapatang pantao
B. Sikolohikal at emosyonal na paglabag sa karapatang pantao
C. Verbal na paglabag sa karapatang pantao
D. Istruktural na paglabag sa karapatang pantao
2. Ang pagsasalita ng masama sa tao ay isang paglabag sa kanyang karapatan sapagkat ito ay nagreresulta sa balisang estado ng isang tao. Ano ang tawag sa paglabag sa karapatang pantao na ito?
A. Pisikal na paglabag sa karapatang pantao
B. Sikolohikal at emosyonal na paglabag sa karapatang pantao
C. Verbal na paglabag sa karapatang pantao
D. Istruktural na paglabag sa karapatang pantao
3. Ang paglabag na ito ay makikita kung ang tao ay walang kabuhayan, mababa ang kanyang kalagayan sa lipunan at wala siyang kapangyarihang magdesisyon para sa sarili, sa pamilya at iba pa.
A. Pisikal na paglabag sa karapatang pantao
B. Sikolohikal at emosyonal na paglabag sa karapatang pantao
C. Verbal na paglabag sa karapatang pantao
D. Istruktural na paglabag sa karapatang pantao
4. Isa sa mga epekto ng paglabag sa karapatang pantao ay naidudulot nitong kahirapan sa isang bansa.
A. totoo
B. Hindi totoo
5. Ang mga sumusunod ay epekto ng paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa.
A. Nasisira ang kapayapaan sa komunidad
B. Nakakaapekto sa kapayapaan pamumuhay ng isang tao.
C. Nagdudulot ng kaginhawaan sa pamilya.
D. Nagkakaroon ng dagdag na gugol ang tao at gobyerno.
6. Ito ay madalas na itinuturing na pinakamalaking krimen laban sa sangkatauhan.
A. War Crimes
B. Genocide
C. Comfort Women
D. Torture
7. Ito ay isang halimbawa ng sekswal na karahasan laban sa mga kababaihan sa panahon ng digmaan.
A. War Crimes
B. Genocide
C. Comfort Women
D. Torture
8. May mga tao rin na pinagkakaitan ng karapatan sa pagboto o ng karapatan sa pakikilahok sa politika, o kaya’y ipinatutupad ang mga hakbang na nagsisiil sa kalayaan.
A. Totoo
B. Hindi totoo
9. Ang apartheid system na nangyari sa Africa ay isang halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao.
A. Totoo
B. Hindi totoo
10. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang mapangalagaan ang karapatang pantao, maliban sa isa.
A. Alamin ang iyong karapatan
B. Huwag magbigay ng suhol
C. Ilantad ang salarin at ihayag ang iyong karanasan
D. Gamitan ng dahas upang makaganti.