No student devices needed. Know more
35 questions
Mahusay sa mahika. Napaniwala niya ang mga manonood at nakapag-usig ng budhi ni Padre Salvi sa kanyang palabas.
Isang beteranong marinero. Siya ay may malawak na karanasan sa paglalakbay sa iba't ibang panig ng mundo lulan ng matutulin at malalaking barko.
Ang kutserong dalawang ulit na nahuli ng guwardia sibil bago mag-noche buena dahil sa wala siyang sedula at wala ring ilaw ang kanyang kalesa.
Ang isa sa matalik na kaibigan ni Maria clara sa Noli Me Tangere. Siya ay nakapangasawa na sa nobelang ito. Mapagbiro at masayahin pa rin. Siya ay anak ng mayamang Kapitan Basilio at ni Kapitana Tika.
Isang mayamang mangangalakal na intsik. Halos kontrolado niya ang takbo ng kalakalan. Iniaangkop niya ang ugali depende sa kanyang kaharap.
Tanyag na mag-aalahas. Mayaman ito at may suot na salamin. Kilala rin siya ng lahat bilang tagapayo ng kapitan heneral. Ngunit nagpapanggap lamang siyang isang alahero dahil siya talaga si Crisostomo Ibarra na inakala ng lahat na yumao na dahil sa nangyaring engkuwentro sa Ilog Pasig. Nagpapanggap siya upang makapaghiganti sa mga Espanyol at sa mga Prayle.
Isa siya sa dalawang anak ni Sisa. Nang pumanaw ang kaniyang ina at kapatid, kinupkop siya ni Kapitan Tiyago at nag-aaral ng medisina. Siya rin ang kasintahan ni Juli.
Anak ni Kabesang Tales na nakaranas ng paghihirap dahil sa panggigipit ng mga Espanyol. Mabuting dalaga na napilitang mamasukan bilang tagapagsilbi sa malupit na si Hermana Penchang. Ang kasintahan ni Basilio.
Matalik na kaibigan ni Basilio at kasamahan sa paaralan na nagsusulong na magkaroon ng pag-aaral ng wikang Espanyol sa mga eskwelahan sa kanilang lugar. Pamangkin siya ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez.
Masipag na magsasaka. Ama ni Huli at Tano at anak ni Tata Selo. Papaunlad na sana ang kabuhayan. Gayunman, nakaranas siya ng panggigipit mula sa mga Kastila at inangkin ang lupain nito. Dahil dito ay nakulong siya at tuluyang nawala ang kabuhayan.
Pamangkin ni Donya Victorina at isang dalagang umiibig kay Isagani.
Ngunit nang makulong si Isagani dahil sa hangarin nito para sa akademya, natapos na rin ang relasyon nila. Dahil dito, naitakda ang kasal niya kay Juanito Pelaez na magiging paraan upang isakatuparan ang plano ni Simoun.
Siya ang kura ng bayan ng San Diego na pinalitan si Padre Damaso. Siya ay isang padreng Pransiskano.
Dahil sa kompetisyong mayroon sila ng alperes, gumawa ito ng plano upang mapabagsak si Ibarra na kalaunan ay mapababagsak naman ni Simoun.
Siya ay ang kura ng Tiani na mainitin ang ulo at laging katalo ng mamamahayag na si Ben Zayb. Kilala rin siyang humahanga sa magagandang babae kahit bawal ito bilang isang pari, Dahil dito, madalas siyang kumilos na animo ay hindi isang pari. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili at ginawa ang panghahalay sa kaawa-awang si Juli.
Nakapag-asawa ng maganda at mayamang mestisa. Umangat ang kanyang posisyon hanggang naging opisyal na tagapayo ng Kapitang Heneral dahil sa likas na talino.
Anak ni Timoteo Pelaez. Dahil sa matagumpay na negosyo ng ama ay naging tanyag ang kanilang pangalan. Naging sutil namang mag-aaral at laging pinaglalaruan ang kaniyang mga kamag-aral na si Placido Penntente.
Estudyante siya sa UST at ipakakasal kay Paulita dahil sa mabangong pangalan nito na agad na pinayagan ni Donya Victorina.
Asawa ng huwad na medikong si Don Tiburcio de Espadaña. Ugali niyang ayusan nang maigi ang sarili, kabilang ang pananamit at paglalagay ng mga kolorete upang magmukha siyang Kastila. Siya ang tumatayong ina ni Paulita.
Laging kadikit ng mga kilalang tao ang mamamahayag na ito upang makahanap ng kaniyang isusulat para sa pahayagan.
Gayunman, may reputasyon siyang magsulat ng mga kuwentong hindi totoo upang maiangat o mapagtakpan ang mga kamaliang nagawa ng mga taong malalapit sa kaniya lalo na ang mga nasa kapangyarihan tulad ng mga prayle.
Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kanyang pangalan na pilit niyang pinaninindigan kahit pa lubhang kinaiinisan din ang pangalang ito.
Kapag siya ay napuno, parang bulkan siyang sumasabog
Isang mabuti at kagalang-galang na Pilipinong pari. Pinilit lamang siya ng inang magpari dahil sa panata. Siya ang kumupkop sa pamangking si Isagani nang maulila ito sa magulang.
Isang paring kanonigo na minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre Camorra. Siya ang nilapitan ng mga mag-aaral upang mamagitan sa pagpapapasa sa panukalang magkaroon ng akademya sa pagtuturo sa wikang Kastila ng mga mag-aaral
Hinirang ng Espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Larawan siya ng pinunong pabigla-bigla at makapritsong humatol. Hindi niya alintana ang kapakanan ng kanyang pinamumunuan.
Isang matikas at matalinong paring Dominiko. Siya ang Vice-Rector ng Unibersidad ng Santo Tomas. Salungat siya sa pagpasa ng panukala upang makapag-aral at matuto ng wikang Kastila ang mga mag-aaral.
Kumalinga sa batang Basilio sa gubat nang tumakas siya mula sa guardiya sibil sa Noli Me Tangere. Siya ang maunawaing lolo nina Juli at Tano, ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kaniyang sariling apo.
Siya ay mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makakakita ng propesor. hangad niyang laging walang pasok sa paaralan upang makapaglakwatsa. Siya ay may kahambugan, walang ambisyon sa buhay at malaswang magsalita. Nagdudunong-dunungan sa mga walang muuwang na nilalang.
Isang Espanyol na asawa ni Donya Victorina na nagtago at nagpasyang di na muling magpakita sa asawa dahil sa kapritso nito. Siya ang larawan ng mga lalaking walang buto o sunod-sunuran at takot sa asawa.
Nagkupkop kay Basilio upang makapag-aral ito. Nawalan ang kabuluhan ang buhay nang pumasok sa Maria Clara sa monasteryo. Nalulong sa sabong at paghithit ng apyan (opium).
Tanging babaeng inibig ni Ibarra sa kanyang buhay. Isa siya sa mga dahilan ng pagbalik ni Ibarra sa katauhan ni Simoun sa Pilipinas. Nais siyang itakas ni Simoun mula sa monasteryo.
Isang mayamang-mayaman na taga-San Diego. Siya ang ama ni Sinang at asawa ni Kapitana Tika. Galante sa mga pinuno at kawani ng pamahalaan at sa mga prayle upang maiwasan ang problema o kagipitan sa pabor na kanyang kakailanganin.
Isang palasimbang manang. Naging amo ni Juli. Mapanghusga siya sa mga taong sawimpalad. ayon sa kanya, pinarurusahan daw ng Diyos ang may mga suliranin dahil sa kasalanan.
Naging alila siya ng mga prayle habang nag-aaral bago siya naging pinakatanyag na abogadong Pilipino. Dati siyang kaklase ni Padre Florentino. Mapanuri at namimili siya ng kausap. Takot siyang mamagitann sa mga mag-aaral para sa kaunlaran ng mga mag-aaral at tila walang malasakit sa kanilang iniisip na kabbutihan.
Isang kaakit-akit na mananayaw. Siya ay maputi at kaiba sa kulay ng karaniwang Pilipina. Mahili siyang humingi ng pabor kay Don Custodio na nahihibang sa kanyang alindog.
Batikang pinggagera. Siya ang nagpayo kay Juli na magpaalipin nang kapusin sa pananalapi ang amang si Kabesang Tales. Siya rin ang nagbalita kay Juli tungkol sa pagkakakulong ni Basilio.
Isang tunay na Espanyol na lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyanteng Pilipino. Mahilig makipagdebate ng kahit anong paksa upang siya ay hangaan.
Anak na lalaki ni Kabesang Tales. tahimik at kusang loob na sumunod sa kagustuhan ng amang siya'y magsundalo. Nawala ng matagal na panahon. Di sinasadyang mababaril ang kanyang lolo sa magaganap na kaguluhan.
Lagi siyang salungat kapag hindi pinag-isipan nang mabuti o di masusing pinag-aaralan ang panukala ng mga opisyal at kawani. Maging ang pasya ng Kapitan Heneral ay kanyang sinasalungat at tinutuligsa kapag ito ay hindi marapat at mabuti. Siya ay mapanuri at makatarungan.
Explore all questions with a free account