No student devices needed. Know more
15 questions
Nakikita mong maraming basura sa inyong paligid at napansin mong kinakalat lang ito ng iyong mga kapitbahay kung saan-saan. Ang iba naman ay sinusunog ito. Ano ang dapat mong gawin?
Pumunta sa kapitan ng barangay at hilinging kausapin ang iyong mga kapitbahay upang ipaliwanag ang benepisyong makukuha mula sa mga nabubulok na basura.
Manahimik at pabayaan na lang ang iyong mga kapitbahay.
Isumbong sa pulis ang kapitbahay na nagtatapon at nagkakalat ng basura.
Wala sa nabanggit
Ang mga sumusunod ay maaring isama sa paggawa ng abonong organiko o
“compost”. Alin ang hindi nabibilang?
balat ng prutas at gulay
tuyong damo at dahon
goma at plastik
dumi ng hayop
Mainam gumamit ng “compost” sa pagtatanim. Ano ang kabutihang naidudulot ng paggamit ng abonong organiko o “compost”?
Pinalalambot nito at higit na pinatataba ang lupa.
Naibibigay ang sustansiyang kailangan na wala sa mga kemikal na abono.
Makatitipid sa tustusin sa paggamit ng kemikal na abono
Lahat ay tama.
Nais mong gumawa ng abonong organiko ngunit wala kang sapat na lugar. Ano ang mainam at nararapat mong gamitin upang makagawa nito?
plastic cup
lumang gulong na hindi na ginagamit
anumang sisidlang may sapat na laki
karton
Ang “compost pit” ay isang paraan ng pagbubulok ng basura sa _______.
Lahat ay tama
isang hukay
isang basket
isang kahong sisdlan
Kailangang _________ ang basurang nabubulok at di-nabubulok sa paggawa
ng abonong organiko.
paghaluin
paghiwalayin
sunugin
tunawin
Ang “compost pit” ay inilalagay sa medyo mataas na lugar upang __________.
madaling makita
madaling mabulok
hindi mapuno ng tubig-baha o ulan
maging maganda
Ang mga organikong sangkap na nagtataglay ng sustansiya upang mapanatili ang maayos na kondisyon ng lupa ay ___________.
protina at “carbohydrates”
“calcium” at “magnesium”
“nitrogen” at “phosphorus”
“nitrogen”, “phosphorus” at
“potassium”
Ito ay isang uri ng organikong abono mula sa mga patapong bahagi ng isda.
fish amino acid
fish meal
fishing rod
fish soup
Ano ang dapat ilagay sa mga kamang taniman upang matiyak na lalo pang maging malulusog ang mga tanim na gulay?
insecticide
pesticide
tubig
pataba
Upang mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan sa paghahanda ng organikong abono, ano ang dapat gawin?
Gumawa agad-agad
Magtanong sa kaibigan
Sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan at ang kalusugan sa paggawa
Maligo agad pagkatapos gumawa
Ang paggawa ng abonong organiko ay nakatutulong din sa _______.
paglala ng polusyon
kalusugan ng tao
pagdami ng basura
pagdami ng tao
Malaki ang __________ kung ikaw na mismo ang gagawa ng abonong organiko.
nagagastos
matitipid
nasasayang
nakikita
Alin ang hindi dapat ihalo sa “basket composting”?
balat ng gulay
balat ng prutas
buto ng baboy at tinik ng isda
lupa
Ilan ang pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko?
isa
dalawa
tatlo
apat
Explore all questions with a free account