No student devices needed. Know more
20 questions
Walang dapat asahan ang tao kung hindi ang kanyang sarili upang umunlad sa buhay.
TAMA PO
MALI PO
Ang guhit ng tadhana ang dapat maging pamantayan ng tao sa pagharap sa buhay.
TAMA PO
MALI PO
Pananalig sa Diyos ang kalasag ng tao sa mga hamon ng pang-araw-araw ng pamumuhay.
TAMA PO
MALI PO
Katangi-tanging pagpapahalaga ng mga Pilipino ang pananalig sa Diyos.
TAMA PO
MALI PO
Kapag may pananampalataya sa Diyos, hindi na kailangan ng taong kumilos at magtrabaho pa.
TAMA PO
MALI PO
Nakikipag-usap ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan.
TAMA PO
MALI PO
Ang pagbabasa ng Banal na Aklat o Koran ng relihiyong
kinabibilangan ay nagsisilbing gabay sa buhay.
TAMA PO
MALI PO
Puno ng pag-asa ang mga taong may mahinang pananampalataya.
TAMA PO
MALI PO
Ang ispiritwalidad ay tumutukoy sa mga bagay na nakikita at nahahawakan.
TAMA PO
MALI PO
Walang pinipiling kalagayan sa buhay ang pagkakaroon ng matatag ng buhay ispiritwal.
TAMA PO
MALI PO
Ano ang kahulugan ng pahayag?
"Ang mga biyayang bigay ng Diyos ay isang paraan ng pasasalamat sa Kanya."
Ialay ang mga biyayang mula sa Diyos sa tuwing nagsisimba.
Kailangang mag-aral tayo habang buhay para ialay sa Diyos.
Kailangang paunlarin natin ang ating sarili habang buhay.
Mahalagang gamitin natin ang mga biyayang kaloob ng Diyos sa pag-unlad ng sarili at pagtulong sa kapwa.
Ano ang diwa nag pahayag na ito ni Leo Buscaglia?
“Ang iyong buhay ay biyayang galing sa Diyos. Kung paano mo isasabuhay ang biyayang iyan ay iyong ihahandog sa Kanya.”
Ang paraan ng pagsasabuhay ng tao ang ibabalik sa lumikha ng buhay.
Higit na matutuwa ang nagbigay ng buhay kung magpapasalamat tayo sa Kanya.
Mabuti lamang ang buhay na ihahandog natin sa Diyos.
Kailangang ibalik natin ang buhay sa lumikha nito.
Ang tao ay biniyayaan ng talino at kalayaan. Likas sa kanya ang...
kasipagan.
katalinuhan.
kabutihan.
kagandahan.
Huwag mo nang hangaring tumulad pa sa iba o hangaring mapasaiyo ang katangian na nasa ibang tao. Ang ibig sabihin ay:
higit na mabuti ang magpakatotoo ka.
ang bawat tao ay mayroong mga katangiang natatangi lamang para sa kanya.
ang tao ay magiging maligaya kung susundin niya ang kanyang gusto.
marami ang katangian ng tao kaya huwag kang mainggit sa iba.
Mapalad ang tao dahil bukod sa binigyan siya ng buhay ay ginawa siyang...
kawangis ng Diyos.
kamukha ng Diyos.
kamanlilikha ng Diyos.
katuwang ng Diyos.
Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
A. Espiritwalidad
B. Pananampalataya
C. Panalangin
D. Pag-ibig
Ang pagsasabuhay ng pananampalataya ng mga Muslim ay nakabatay sa Limang Haligi ng Islam. Ang sumusunod ay sakop nito maliban sa:
A. Pagdarasal
B. Pag-aayuno
C. Pagninilay
D. Pagsamba
Ang sumusunod ay mahahalagang aral ng pananampalatayang Kristiyanismo maliban sa:
A. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa.
B. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay.
C. Pagpapabuti sa pagkatao sa pamamagitan ng pag-iwas sa materyal na bagay.
D. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod.
Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad?
A. Ang palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos.
B. Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan ng kapuwa.
C. Ang pananatili ng ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin sa araw-araw.
D. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagtugon sa tawag ng Diyos.
Sinasabi sa Hebreo 11:1 na "Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita." Alin sa sumusunod na pahayag ang tama ukol dito?
A. Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.
B. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos.
C. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay umaasa sa pagmamahal ng Diyos.
D. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos.
Explore all questions with a free account