No student devices needed. Know more
30 questions
Ang sumusunod ay nagpapakita ng pag-aalaga sa kapaligiran MALIBAN sa _____________.
A. pagtitipid ng tubig
B. hindi pag-aaksaya ng pagkain
C. pagputol ng mga kahoy
Ang pagrerecycle ay isa sa mga gawaing nakakatulong sa pag-aalaga sa kapaligiran. Ano ang ibig sabihin ng recycle?
A. Pagtapon ng mga hindi nabubulok na bagay pagkatapos gamitin.
B. Paggawa ng panibagong produkto galing sa mga bagay na hindi nabubulok at maaari pang mapakinabangan.
C. Pagsunog ng mga hindi nabubulok na basura kagaya ng mga bote.
Ang tarsier ay isa sa mga hayop na napapabilang sa endangered species. Ano ang ibig sabihin ng endangered species? Ito ay ang mga hayop na ___________.
A. nanganganib nang maubos
B. patuloy na dumarami ang populasyon
C. makikita kung saan-saan
Biniyayaan tayo ng _________ ng maraming bagay upang mamuhay tayo nang masaya sa mundong ito.
A. Diyos
B. hangin
C. ibon
Ano ang maaaring mangyari kung patuloy nating pinuputol ang mga punong-kahoy sa kabundukan at hindi ito pinapalitan ng panibagong tanim na kahoy?
A. may tirahan ang mga ibon
B. sunog
C. pagguho ng lupa/landslide
Dahil sa pagiging abala natin sa ibang bagay napabayaan na nating ________ ang mga biyaya ng Diyos sa atin.
A. pangalagaan
B. sirain
C. abusohin
Ang _____________ ay marunong magpasensiya, mayroon siyang sariling isip at puso. Siya ang nagbibigay sa atin ng mga pagkain, tubig, at iba pang kayamanan upang tayo ay mabuhay.
A. ulap
B. Inang Kalikasan
C. buwan
Ano ang maaaring mangyari sa hangin kung patuloy na pinuputol ang mga punong kahoy at mga halaman? Tayo ay makakalanghap ng __________ hangin.
A. sariwang
B. maruming
C. preskong
Ang sumusunod ay mga epekto ng hindi pagtapon ng mga basura sa tamang lalagyan MALIBAN sa _______________.
A. malinis na kapaligiran
B. pagbara ng mga kanal o drainage sytem
C. mabilis na pag-apaw ng tubig na makakapagdulot nang mataas na tubig-baha
Ang sumusunod ay mga biyaya ng Diyos para sa atin MALIBAN sa _________.
A. hangin
B. tubig
C. bagyo
Ang Inang Kalikasan ay mapagmahal sa mga tao, ngunit kailan mo masasabing nauubos na ang pasensiya ng Inang Kalikasan dahil sa ating pag-aabuso? Sa tuwing mayroong ___________.
A. bagyo
B. maaliwalas na kalangitan
C. preskong hangin
Ano ang maaaring sapitin ng mga tao kung patuloy na aabusohin ang Inang
Kalikasan? Magkakaroon ng _____________.
A. maaliwalas at luntiang kapalagiran
B. mga sakuna at kakulangan ng pagkain
C. masaganang ani ng mga prutas at gulay
Pagkatapos mong kumain ng saging saang basurahan mo ilalagay ang balat nito? Sa _______________.
A. Biodegrable
B. non- Biodegradable
C. Recyclable
Ano ang maaaring mangyari sa karagatan kung patuloy nating tinatapon ang
mga basura dito? Magkakaroon ng _____________.
A. masaganang ani ng mga isda at iba pang mga lamang-dagat
B. kalmado, maaliwalas at kaaya-ayang tingnan ang karagatan
C. polusyon sa tubig na pwedeng ikamamatay ng mga isda
Bilang isang responsableng mag-aaral, gagawin ko __________ ang lahat ng
aking makakaya upang proteksyonan at mapangalagaan ang Inang Kalikasan.
A. palagi
B. minsan
C. hindi kailanman
Paano nakatutulong ang mga traffic signs sa kaligtasan ng mga tao? Ito ay
__________.
A. nagbibigay kulay sa daan
B. nagsisilbing gabay ng mga tao sa daanan
C. mga simbolo pang-dekorasyon lamang
Si Anna ay tumawid sa kalsada na ang traffic light pang tawiran ay kulay pula.
Ano ang maaaring mangyari sa kanya?
A. Makakatawid siya nang ligtas kung saan siya pupunta.
B. Maaari siyang maaksidente.
C. Walang mangyayari kay Anna.
Ang sumusunod ay mga tamang gawin kapag tumatawid sa kalsada MALIBAN sa pagtawid __________
A. habang umiilaw ang go signal
B. gamit ang pedestrian lane
C. habang ginagamit ang headset at cellphone
Si Ginoong Allan ang may-ari ng ginagawang gusali sa tapat ng kalsada. Ano
kayang road traffic sign ang dapat niyang ilagay para maging ligtas ang mga
taong dadaan sa tapat ng kanyang gusali? Ito ay _________ road traffic sign.
A. “No U turn”
B. “Men at work”
C. “No stopping”
Bilang isang batang may paggalang sa mga panuntunang pang-kaligtasan,
paano mo maipapakita ang iyong pagiging masunurin?
A. Tinatanggal ko ang mga road traffic signs.
B. Tinatawanan ko lamang ang mga babala sa daan.
C. Binabasa at sinusunod ko ang mga panuntunan sa daan upang mapanatiling ligtas ang aking sarili.
Mabilis ang pagmamaneho ni Cris sa kanyang sasakyan nang may nakita siyang traffic Sign na Slippery Road, ano ang dapat gawin ni Cris?
A. Lalong bilisan ang pagmamaneho
B. Tumigil sa pagmamaneho
C. Magdahan-dahan sa pagmamaneho dahil madulas ang daan
Nakita mong maraming tao ang hindi gumagamit ng footbridge kahit na may nakapaskil na palatandaan na gamitin ito. Nagkataon na ikaw ay nagmamadali na makatawid sa kabilang kalsada, ano ang gagawin mo?
A. Hindi ako gagamit ng footbridge
B. Papagalitan ko ang mga taong hindi gumagamit ng footbridge
C. Gagamitin ko ang footbridge kahit na ako ay nagmamadali upang masigurong ligtas at tama ang aking ginagawa
Naisipan ng inyong pamilya na magbakasyon, habang nagmamaneho ang iyong ama ay lumiko sa harap ng "No U turn" na paskil. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan ko siya
B. Magagalit ako sa kanya
C. Ipapaalala ko sa aking ama na hindi pwedeng lumiko kapag ganito ang makikitang tuntunin sa daan
Ako ay hindi pumapasok sa loob ng gusali o lugar kapag nakikita ko ang "No Entry Sign" na babala.
A. Palagi
B. Minsan
C. Hindi kailanman
Habang papunta kami ng aking buong pamilya sa bahay ng aking tiya ay may
Nakita kaming tuntunin sa daan na "One Way Lane" . Ano ang tamang gagawin sa
panuntunang ito?
A. Isang direksiyon lamang ang pupuntahan ng daang ito
B. Ihinto ang sasakyan sa tuwing makikita ang tuntuning ito
C. Kinakailangang lumiko sa tuwing makikita ang tuntuning ito
Kapag ikaw ay nag-bibisikleta o sumasakay ng motorsiklo, ano ang dapat mong suotin para maging ligtas ka?
A. Barong tagalog
B. Helmet
C. Palda
Sa tuwing tumatawid si Aiko sa kalsada ay hindi siya tumitingin sa traffic lights.
Tama ba ang ginagawa niya?
A. Oo, dahil mas mabilis siyang makakarating sa kanyang paroroonan.
B. Oo, dahil matapang siyang tao.
C. Hindi, dahil maaari siyang maaksidente sa kanyang ginagawa.
Tumatawid ako kung saan-saan at hindi sa pedestrian lanes.
A. Palagi
B. Minsan
C. Hindi kailanman
Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit ang pagsunod sa mga tuntunin sa daan at traffic signs ay kinakailangan MALIBAN sa __________.
A. mapapanatiling ligtas ang aking sarili.
B.matapang ako at ang sasakyan na mismo ang hihinto sa tuwing ako ang tatawid sa kalsadsa
C. tuloy-tuloy ang daloy ng trapiko at walang aksidenteng magaganap
Bilang mga Pilipino, inaasahan tayo na____________ at sundin ang mga traffic
signs at tuntunin sa daan para manatiling ligtas tayo pati na rin ang ating
kapwa mamamayan.
A. Pahalagahan
B. baliwalain
C. pagtawanan
Explore all questions with a free account