15 questions
Tumutukoy sa kabuuang halaga o kita ng mga produkto at serbisyo na nilikha sa loob at labas ng bansa kabilang ang mga kita ng OFW sa isang taon.
GDP
GNP
Net Factor Income
Nagmamay-ari ng salik ng produksiyon at tumatanggap ng kabayaran mula sa kompanya.
Bahay kalakal
Sambahayan
Pamahalaan
ideya tungkol sa paikot na daloy ng ekonomiya ay makikita sa inilathalang Tableau economique ni _________
Alfred Marshall
Francois Quesnay
John Maynard Keynes
Dito nagpoprodyus ng produkto at serbisyo sa pamamagitan ng pagpoproseso ng mga hilaw na materyal upang maging isang ganap na produkto.
Pamahalaaan
Sambahayan
Bahay- kalakal
Tumutukoy ito sa pagtatabi ng partikular na halaga ng salapi para magamit sa hinaharap.
Pamumuhunan
Pag-iimpok
Pagkonsumo
Tulong na ibinibigay ng pamahalaan para maisakatuparan ang mga gawain ng mga sektor ng ekonomiya para sa kagalingan ng lahat.
Kita
tubo
subsidiya
Makukuha kung ang kabuuang kita ng eksport ay ibabawas sa kabuuang kita ng import.
Netong Eksport
Potensyal na output
Aggregate supply
Tumutukoy ito sa kabuuang halaga ng lahat ng produkto at serbisyong ginagawa ng mga mamamayan sa loob ng bansa.
Gross National Income
Gross National Product
Gross Domestic Product
Ito ang kita ng mga Pilipino sa ibang bansa matapos maibawas ang kita ng mga dayuhan sa loob ng bansa.
NFIFA
Net Operating Surplus
Statistical discrepancy
Pinakamataas na ahensya ng pamahalaan na may kapangyarihang gumawa o bumalangkas ng pagpaplano para sa pambansang kaunlaran ng bansa.
DOLE
NEDA
DFA
Tumutukoy ito sa pagsukat ng GNP sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng kita ng lahat ng salik ng produksiyon.
Industrial Origin Approach
Factor Income Approach
Final Expenditure Approach
Ang pagsukat ng GNP para sa kasalukuyang taon na ang batayan ay ang aktuwal na presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.
Real GNP
Nominal GNP
GNP Deflator
Kabuuang kita s suplay ng produkto at serbisyo ng bansa na kayang likhain at ipagbili para sa isang tiyak na panahon at presyo habang ang ibang salik ay hindi nagbabago.
Aggregate Supply
Aggregate Demand
Aggregate demand and supply
Malaking tulong sa pamahalaan upang maresolba ang tumataas na unemployment rate ng bansa at mahinang produksiyon.
Investment
Consumption
Export
Ang mga sumusunod ay mga salik ng produksiyon maliban sa _______.
Paggawa
Lupa
Bahay-Kalakal
Entreprenyur