No student devices needed. Know more
10 questions
1. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito. Ito ay nangangahulugang:
Ang kalayaan ng tao, katulad ng kilos loob ay nakabatay sa dikta ng isip.
Malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay o kilos.
Ang hantungan ng kilos ay itinatakda ng tao batay sa kanyang pagiging mapanagutan sa paggamit ng kanyang kalayaan
Lahat ng nabanggit
2. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
Nakahandang harapin ang anomang kahihinatnan ng mga pagpapasya.
Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral.
Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito.
"Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa nang mabuti." Ang pangungusap ay:
Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa kabutihan.
Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao
Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at masama
4. Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at magpasya para sa kanyang sarili?
Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting gabay sa mga isasagawang pagpapasya sa hinaharap.
Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak na sumunod mula sa pag-unawa at pagmamahal at hindi sa pamimilit.
Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng magulang na magabayan ang kanyang anak patungo sa tamang landas.
Ang pagiging malaya sa pagpapasya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit dahil sa pagkakamali ngunit dito sila natututo ng mahalagang aral.
5. Ano ang kakambal ng kalayaan ng mga tao?
konsensya
dignidad
pananagutan
kabutihan
6. Saan nakasalalay ang kalayaan ng tao?
Isip
Dignidad
Kilos-Loob
Konsensya
7. Alin sa mga sumusunod ang palatandaan ng kalayaan?
Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili lamang.
Kahandaang harapin ang anumang kahihinatnan ng pagpapasya.
Ang pagkilos ay hindi sumasalungat sa isip at konsensya.
Nakahandang gawin ang ninanais batay sa kanyang kagustuhan at naiisip.
8. Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anomang kanyang naisin. Ang pangungusap ay:
Tama, dahil hindi ganap ang tao
Tama, dahil maraming bagay ang nais mangyari at gawin ang tao subalit hindi niya magawa ang mga ito
Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan
Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay dahil mayroon siyang isip at kilos-loob
9. Inilaan ni Anthony ang malaking bahagi ng kanyang buhay upang mapalawak ang kanyang kaalaman at karunungan, alam niyang malaking bagay ang magagawa nito upang maiahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan at upang maibahagi niya sa lahat ang kanyang mga kakayahan. Si Anthony ba ay nagpapakita ng mapanagutang paggamit ng kalayaan?
Oo, dahil siya ay nagpapakita ng pagsasaalang-alang ng kabutihang pansarili at ang kabutihang panlahat.
Oo, dahil siya ay nagpapakita ng kahandaang harapin ang anumang kahihinatnan ng pagpapasya.
Oo, dahil ang isip at kilos niya ay hindi sumasalungat sa dignidad at Likas na Batas Moral.
Hindi, dahil ito ay kanyang nais gawin sa kanyang pansariling kagustuhan.
10. Nasaktan ni Rebecca ang kanyang ina dahil sa kanyang pagsisinungaling dito. Inihanda niya ang kanyang sarili sa magiging reaksyon ng kanyang mga kapatid sa kanyang ginawa. Dahil dito siya na mismo ang gumawa ng paraan upang itama ang kanyang pagkakamali kahit pa ito ay nangangahulugan na siya ay mapapahiya at masasaktan. Si Rebecca ba ay nagpapakita ng mapanagutang paggamit ng kalayaan?
Oo, dahil siya ay nagpapakita ng pagsasaalang-alang ng kabutihang pansarili at ang kabutihang panlahat.
Oo, dahil siya ay nagpapakita ng kahandaang harapin ang anumang kahihinatnan ng pagpapasya.
Oo, dahil ang isip at kilos niya ay hindi sumasalungat sa dignidad at Likas na Batas Moral.
Hindi, dahil ito ay kanyang nais gawin sa kanyang pansariling kagustuhan.
Explore all questions with a free account