No student devices needed. Know more
7 questions
1. Siya ang binatang makisig at malakas na nagpakita ng interes sa mga kababaihan.
A. Dumalapdap
B. Humadapnon
C. Labaw Donggon
D. Saragnayan
2. Siya ang diyos ng kadiliman na asawa ni Sinagmaling Diwata na nakipaglaban kay Labaw Donggon ng ilang taon.
A. Dumalapdap
B. Humadapnon
C. Labaw Donggon
D. Saragnayan
3. Siya ang Diyosa ng kalangitan na nakapag-asawa ng isang mortal at nagsilang ng tatlong malulusog na sanggol.
A. Alunsina
B. Indarapatra
C. Maria Makiling
D. Mariang Sinukuan
4. Ano ang kinahinatnan ng buhay ni Labaw Donggon sa pakikipaglaban niya kay Saragnayan?
A. Natalo niya si Saragnayan at nabihag niya ng ilang taon.
B. Si Labaw Donggon ay natalo at binihag ni Saragnayan sa kanyang tahanan.
C. Madaling tinalo ni Labaw Donggon si Saragnayan sa tulong ng kanyang mahiwagang sandata.
D. Si Labaw Donggon ay natalo dahil kasabwat ni Saragnayan si Sinagmaling Diwata.
5. Nagtulungan at nagsagawa agad ang pamilya ng isang ritwal at seremonya para maibalik ang dating lakas at kisig ni Labaw Donggon. Anong pagpapahalaga ang nakapaloob sa pahayag na ito.
A. Ang pamilya ni Labaw Donggon ay may kanya kanyang katangian
B. Mapagbigay at hindi madamot sa anumang bagay.
C. May pagkakaisa at pagtutulungan sa kanyang pamilya
D. Matigas ang ulo ni Labaw Donggon kaya ito naparawira.
6. Ang pakikipaglaban ni Labaw Donggon kay Saragnayan ay tanda ng matinding pag-ibig niya kay Sinagmaling Diwata. Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa pahayag na ito.
A. Likas sa mga Pilipino ang palakaibigan sa kanyang mga kapwa.
B. Ang pagkakaroon ng maraming kasintahan ang nagpapatunay nang tunay na lalaki.
C. Likas sa mga Pilipino ang mapagmahal sa kanyang kapwa
D. Likas sa mga Pilipino ang pagiging matapang.
7. Anong katangian ang ipinapakita ni Labaw Donggon sa akda na isa sa tradisyon ng mga taga-Visayas ?______
A. Paggalang sa mga kababaihan
B. Mahilig sa magagandang babae
C. Pagtakwil sa mga anak
D. Pagiging magiting
Explore all questions with a free account