10 questions
1. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng suring-basa?
A. Maikling kuwento
B. Maikling paglalarawan
C.maikling pagsasalaysay
D. maikling pagsusuri
2. Alin ang naglalahad ng layunin ng suring-basa?
A. Mailahad ang kaisipan ng akda
B. Masuri ang gramatika ng akda
C.Maisalaysay muli ang akda
D. Mpahalagahan ang akda
3. Alin sa sumusunod ang nararapat na unahin sa pagsulat ng suring-basa?
A. Gumawa ng synopsis o maikling lagom
B. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan
C. Gumamit ng mga pananalitang matapat
D. Alamin kung uri ng akdang pampanitikan ang sinusuri
4. Saang bahagi ng pormat sa suring-basa ipapaloob ang pagsusuri sa estilo ng pagkakasulat sa akda?
A. Panimula
B. Pagsusuring Pangnilalaman
C.Pagsusuring Pangkaisipan
D. Buod
5. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pagsusuring pangnilalaman?
A. Tema o paksa ng akda
B. Mga tauhan o karakter ng akda
C.Tagpuan o panahon
D. Mga kaisipan
6. Saang bahagi ng suring-basa ipapaloob ang pagsusuri tungkol sa layunin ng akda?
A. Panimula
B. Pagsusuring Pangnilalaman
C. Pagsusuring Pangkaisipan
D. Buod
7. Alin sa sumusunod ang hindi dapat mapabilang sa panimula ng isang suring basa?
A. Pagtukoy sa anyo ng panitikang sinulat o binasa
B. Pagsuri sa kahalagahan ng akda kung bakit ito isinulat
C. Pagtalakay sa mga bagay na nag-udyok sa may-akda na likhain ang akda.
D. Pagsuri sa tema o paksa ng akdang sinulat o binasa.
8. Sa pagsusuri sa mga kaisipan o ideyang taglay ng akda, alin sa sumusunod ang tanong na dapat gawing patnubay?
A. Ito ba ay gasgas na o lumang pangyayari?
B. Magkakaugnay ba ang mga pangyayari mula sa simula hanggang sa wakas?
C. May nakikita ka bang uri ng pamumuhay, paniniwala, o kaugaliang nangibabaw sa akda?
D. Ang katotohanan ba ng kaisipang ito ay unibersal, likas sa tao at lipunan, at bahagi ng sistema sa buhay?
9. Sa pagsusuri ng estilo ng pagkakasulat sa akda, alin sa sumusunod ang tamang gabay?
A. Ang pagkakabuo ba ng akda ay angkop sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa?
B. Ang mga tauhan ba sa akda ay anyo ng ng mga taong likha ng lipunang kanilang ginagalawan?
C. Magkakaugnay ba ang mga pangyayari mula sa simula hanggang sa wakas?
D. Ito ba ay gasgas na o lumang pangyayari o may bagong anyo at bihis?
10. Alin sa sumusunod ang nararapat tandaan kapag sumusulat ng buod?
A. Kailangang kumpleto sa detalye
B. Isulat ang buong kuwento
C. Isulat lamang ang mahalagang detalye
D. Banggitin lahat ng tauhan