No student devices needed. Know more
15 questions
Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
Palaging nakakasalamuha ang kapwa
Paggalang sa karapatan ng bawat isa
Pagtulong ng mga mayayaman sa mga mahihirap
May ugnayang namamagitan sa dalawang tao
Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
Natututong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya
Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba
Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid
Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba
Alin sa sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?
Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal ng bansa
Inaalam ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan
Binibisita ng guro ang mga mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin sya at ang kanyang mga magulang na bumalik ito sa pag-aaral
Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing Sabado ng hapon upang maglaro ng basketball
Alin ang makabuluhang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?
Sundin ang batas trapiko at mga alituntunin ng paaralan
Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa
Igalang ang karapatan ng kapwa
Pag-aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan, paaralan, lipunan at simbahan.
Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?
Binubuo ng tao ang lipunan
Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao
Mahalaga ang pakikipag-kapwa sa lipunang kinabibilangan
May halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao.
Ang sumusunod ay mabisang pagsasanay sa pagiging makatarungan MALIBAN sa:
Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase
Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki
Pagninilay-nilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi
Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapwa araw-araw
Bakit mahalaga sa katarungan na ibinabatay sa moral na batas ang legal na batas?
Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos
Ang moral at legal na batas ay perahong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao
Ang pagpapakatao ay napapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas
Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungan sa lipunan
Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas. ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay nabubuhay.
Ang mga itinakda ng batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin lahat ng mga ito.
Malalaman ng tao ang pangyayari sa kanyang buhay kung susuwayin niya ang itinakda ng batas.
Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kanyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang kanyang buhay.
Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito:
Kumakain nang sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kanyang gawaing bahay.
May feeding program ang paaralan para sa mag-aaral na kulang ng timbang.
May bumibili sa lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.
Bakit mahalagang mauunawaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng katarungang panlipunan?
Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan.
Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo para sa iyong sarili.
Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan sa kapwa.
Wala sa nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng makatarungang aksyon?
Hinuhuli lahat ang mga bata sa lansangan.
Binibigyan ng limos ang pinakamahirap na bata.
Pinababayaan ang mga bata sa lansangan.
inaanyayahan ang mga batang lansangan sa programa para sa kanila.
Alin sa mga sumusunod ang makatarungang programa sa isang gobyerno?
Paggiba sa mga tahanan ng mga iskwater
Paglilipat ng mga mahihirap sa mga probinsya
Paggawa ng mga bahay na abot-kaya ng mga mahihirap
Paglulunsad ng housing project para marentahan ng mga may-kaya
Ipinasok sa Emergency Room ang isang nasagasaang lalaki. Ayaw siyang gamutin ng taga-ospital sa dahilang wala siyang pambayad. Ano ang tamang reaksyon tungkol dito?
Tama lang ang ginawa ng ospital
Dapat bayaran ng nagpasok sa kanya ang gastusin
Dapat gamutin muna ang pasyente bago magbayad sa ospital
Dapat hanapin ang nakasagasa upang masigurong may magbabayad sa ospital.
Sinabihan ng ama ang kanyang anak na huwag na niyang isumbong sa titser ang kaklase niyang nagnakaw ng pera sa paaralan at baka siya mapahamak o madamay. Ano ang dapat na maging pananaw dito?
Tama ang kanyang ama; dapat lang na protektahan ang anak
Huwag na lang sanang kumibo ang ama dahil baka hindi rin naman magsumbong ang anak
Dapat makinig ang anak sa ama at huwag magsumbong
Dapat mag-isip ang anak ng sariling aksyon batay sa tama at mabuti
Ang mga pulubi ay hinuhuli kapag ang mga ito ay nagpapalimos sa gitna ng kalsada. Ano ang dapat na gawin dito?
Hindi sila dapat hulihin; dapat silang kaawaan
Hulihin sila pero bigyan sila ng alternatibong pagpapaunlad ng buhay.
Hayaan na lang silang magpalimos; wala tayong magagawa para sa kanila
Pangaralan sila nang husto upang di na sila magpalimos ulit sa kalsada
Explore all questions with a free account