No student devices needed. Know more
10 questions
1. Alin sa sumusunod na pangkat ng pagkain ang nagbibigay ng init at lakas sa katawan?
a. unang pangkat (Go)
b. ikalawang pangkat (Grow)
c. ikatlong pangkat (Glow)
d. tubig
2. Alin sa sumusunod na pangkat ng pagkain ang mahusay na pananggalang sa sakit at impeksiyon?
a. unang pangkat (Go)
b. ikalawang pangkat (Grow)
c. ikatlong pangkat (Glow)
d. gamot
3. Sa anong pangkat kabilang ang mga pagkain na mayaman sa protina na tumutulong sa pagpapatubo at pagpapalaki ng mga buto at kalamnan?
a. unang pangkat (Go)
b. ikalawang pangkat (Grow)
c. ikatlong pangkat (Glow)
d. gatas
4. Ang kanin, tinapay, mais, tsokolate, asukal, bibingkang kakanin ay pagkaing pinagkukunan ng __________?
a. Taba at langis
b. carbohydrate
c. bitamina at mineral
d.gulay at prutas
5. Ang mga dilaw na prutas at gulay ay pagkaing mayaman sa bitamina na tumutulong sa pagpapalinaw ng _______.
a. bibig
b. ngipin
c.mata
d. pandinig
6. Ang mga madahong gulay, madilaw, at maberde tulad ng petsay, malunggay, talbos ng kamote, talbos ng sayote at kalabasa ay mga pagkaing mayaman sa bitamina A, calcium, at iron.Sa anong pangkat kabilang ang mga pagkaing ito?
a. unang pangkat (Go)
b. ikalawang pangkat (Grow)
c. ikatlong pangkat (Glow)
d. una at ikalawang pangkat
7.Ang hamon, bacon, tocino, at longganisa ay mga pagkaing mayaman sa protina, kabilang ang mga ito sa ________ng pagkain.
a. unang pangkat (Go)
b. ikalawang pangkat (Grow)
c. ikatlong pangkat (Glow)
d. una at ikalawang pangkat
8. Ang mga maaasim at makakatas na gulay at prutas tulad ng dalanghita, suha, bayabas, kamyas, mangga, pipino, at kamatis ay mayaman sa_________.Nakabubuti rin ito sa ngipin at gilagid.
a. Bitamina C
b. mineral
c. Bitamina A
d. iron
9. Ang saluyot, ispinats, alugbati, celery, kintsay, carrot, at kangkong ay mayaman sa bitamina A, calcium, at iron. Anong pangkat ng pagkain kabilang ang mga ito?
a. unang pangkat (Go)
b. ikalawang pangkat (Grow)
c. ikatlong pangkat (Glow)
d. una at ikalawang pangkat
10. Ang mga ___________ tulad ng tsiko, santol, pakwan, langka, saging at mga gulay na tulad ng okra, sitaw, talong, at sigarilyas ay tumutulong sa pagtunaw ng kinakain at sa pagbawas ng dumi.
a. karne at pagkaing galing sa butil
b. gatas at itlog
c. tinapay at ham
d. prutas at gulay
Explore all questions with a free account