No student devices needed. Know more
25 questions
Isang realistikong dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata, at nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.
MUSIKAL
KONTEMPORARYO
SARSUWELA
PALABAS
Siya ay kilala sa tawag na "Lola Basyang" tinaguriang ama ng Sarsuwelang Tagalog.
HERMOGENES ILAGAN
SEVERINO REYES
JUAN ABAD
ATANG DELA RAMA
Ito ang grupo na itinatag ni Alejandro Cubero kasama ni Elisea Raguer na sinasabing unang grupo ng mga Pilipinong sarsuwelista sa Pilipinas.
TEATRO FERNANDEZ
TEATRO JIMENEZ
TEATRO MARQUEZ
TEATRO GUTIERREZ
Sa anong panahon namayagpag o namulaklak ang sarsuwela?
ESPANYOL
HAPON
MALAY
AMERIKANO
Siya ang tinaguriang "Reyna ng Sarsuwela sa Pilipinas"
NOVA VILLA
IMELDA PAPIN
ATANG DELA RAMA
ANABELLE RAMA
Anong pagtatanghal ang nagpahina o pumalit sa sarsuwela? naging dahilan upang mawalan ng mga manonood.
BOBOBIL
BODABIL
BOBILDO
BODALBI
Tawag sa taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal.
MANDUDULA
TAGADIREHE
MANG-AAWIT
MANUNULA
Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula, ang lahat ng pangyayari ay naaayon dito; walang dula kapag walang ito.
TAUHAN
TANGHALAN
DIREKTOR
ISKRIP
Sila ang gumaganap, ang magbibigay-buhay sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng dayalogo, at nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.
DIREKTOR
MANONOOD
AKTOR
ISKRIP
Ang tawag sa pook na pinagtatanghalan sa isang dula. Maaaring sa entablado, daan, sa loob ng siid-aralan, at iba pa.
ENTABLADO
POOK
TANGHALAN
SILID-ARALAN
Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at husay ng nagtatanghal.
MANDUDULA
MANUNULAT
MANGHUHULA
MANONOOD
Siya ang lihim na karelasyon ni Teṅong. Ang magpapakasal kay Miguel ngunit hindi niya mahal ang lalaki.
KATHRYN
LIZA
JULIA
BIANCA
Ang tagadala ng sulat ni Juana para kay Teṅong.
MATEO
JUAN
MARCOS
LUCAS
Kapitan ng mga maghihimagsik. Ito ay ang taong walang takot sa labanan. Ang tanging mahal ni Julia.
TADEO
MIGUEL
TENYONG
KAPITAN PUTEN
Manliligaw ni Julia. Isang mayaman at bugtong na anak.
MIGUEL
TENYONG
TADEO
LUCAS
Bakit pinamagatang WALANG SUGAT ang akda ni SEVERINO REYES?
sapagkat sa kwento ay wala naman talagang sugat si Tenyong, isa sa pangunahing tauhan. Sinabi niya na wala siyang sugat at mamamatay na dahil sa kagustuhan niyang makasal kay Julia.
sapagkat ito ay kabaligtaran sa kanyang pangangatawan dahil siya ay makinis.
sapagkat hindi nasugat ang lahat ng tauhan sa sarsuwela.
sapagkat nais ipakita ni Severino Reyes na ang mga Pilipino noon ay hindi nasasaktan sa panahon ng mga dayuhan.
Ito ang pandiwa na naganap na, natapos na o nakalipas na. Ginagamitan ito ng mga panlaping na, nag, um, at in.
PERPEKTIBONG KATATAPOS
KONTEMPLATIBO
IMPERPEKTIBO
PERPEKTIBO
Ang pandiwa ay hindi pa nagaganap. Ito ay mangyayari pa lamang. Inuulit din ang ilang pantig at karaniwang ginagamitan ito ng mga panlaping ma at mag.
PERPEKTIBONG KATATAPOS
KONTEMPLATIBO
IMPERPEKTIBO
PERPEKTIBO
Ito ang pandiwa na kasalukuyang ginagawa, ginaganap o nangyayari. Dito ay inuulit ang ilang pantig ng salita at ginagamitan ng mga panlaping na, nag, um, at in.
PERPEKTIBONG KATATAPOS
KONTEMPLATIBO
IMPERPEKTIBO
PERPEKTIBO
Ang pandiwa naman na ito ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa. Ito ay ginagamitan ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang pantig ng salita.
PERPEKTIBONG KATATAPOS
KONTEMPLATIBO
IMPERPEKTIBO
PERPEKTIBO
Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng PERPEKTIBO?
nagsayaw
sumayaw
umawit
umaawit
Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng PERPEKTIBONG KATATAPOS?
kalalaba
kasasakay
kauuwi
kakanin
Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng IMPERPEKTIBO?
magbabasa
nagbabakasyon
kumakain
sumisipsip
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng KONTEMPLATIBO?
katatalon
naglalaro
nagluto
kakain
Ito ay bahagi ng pananalita kung saan ang mga salita ay nagsasaad ng kilos o galaw.
PANG-URI
PANDIWA
PANGHALIP
PANG-ABAY
Explore all questions with a free account