No student devices needed. Know more
10 questions
Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa bolunterismo maliban sa:
Kung hindi mo ito gagawin, ikaw ay hindi apektado.
Ito ay isang tungkulin na kapag hindi mo ginawa ay maaaring may mawala sa iyo.
Tinatawag na bayanihan, damayan, o kawanggawa.
Paraan ng paglilingkod nang walang hinihintay na kapalit.
Bakit mahalaga ang pakikilahok sa mga proyekto at gawaing pampaaralan, pampamayanan at panlipunan?
Ang pakikilahok ay palaging may kapalit sa dulo.
Ang bukal sa loob na pakikilahok ay mabisang paraan upang makilala ng ibang mga tao.
Ang pakikilahok ng bawat indibidwal sa iba’t ibang mga gawain o proyekto ay makapagpapabilis sa paglutas ng mga suliranin tungo sa pagkamit ng kabutihang panlahat at kaganapan bilang indibidwal.
Lahat ng nabanggit.
Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay may diwa ng pakikilahok at bolunterismo?
Bayanihan
Kapayapaan
Pagkakaisa
Kabutihang panlahat
Alin sa mga sumusunod ang taglay ng tao kung kaya siya ay karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kanyang kapwa?
Buhay
Karapatan
Pananagutan
Dignidad
Ang mga sumusunod ay mga benepisyo ng pakikilahok at bolunterismo maliban sa:
Kasiyahan
Kasikatan
Iba’t ibang karanasan
Sistema ng suporta at relasyon
Sa bolunterismo, hindi ka maaapektuhan kung ito ay hindi mo gagawin, kundi ang iyong kapwa na hindi mo tinulungan. Ito ay:
Tama, sapagkat ikaw namna ay mananagot sa iyong konsensiya bunga ng hindi pagtulong sa kapwa sa oras ng pangangailangan.
Mali, dahil ang hindi pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo.
Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng tulong.
Mali, dahil hindi maaaring pilitin ang tao na tumulong.
Piliin sa mga sumusunod ang pagsasabuhay ng pakikilahok at bolunterismo:
Pagtuturo o tutorial services
Pagsali sa mga programa para sa mga hayop at kalikasan
Pagsisimula ng kampanya tungkol sa kahalagahan ng pagreresiklo.
Lahat ng nabanggit.
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng bolunterismo?
Tuwing bakasyon ay tinuturuan ni Grace ang mga bata sa kanilang komunidad kung paano magsulat, magbasa, at magbilang.
Nakikiisa si Hazelle sa paglilinis sa Ilog Pasig at Manila Bay sa tuwing nagkakaroon ng clean up drive.
Dumadalo si Geelyn sa mga programa para sa mga mga batang naulila upang sila ay kwentuhan at bahaginan ng mga laruan at coloring materials.
Tuwing eleksyon ay sinisiguro ni Daryl na siya ay bumoto at nakapili ng ninanais na mga pinuno.
Alin sa mga sumusunod ang hindi makakatulong upang matiyak ang katagumpayan ng planong pakikilahok at pagbolunter?
Huwag mag-alinlangangan sa pagtatanong kung ano ang mga pangangailangan sa iyong paligid.
Pakikipag-kumpitensya sa iba kung sino ang mas magaling sa paglilingkod.
Pagsasama sa iba.
Hindi pagpansin sa mga taong pumipigil sa iyong paglilingkod.
Ano-ano ang dapat makita sa isang taong nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
Oras, talento, kayamanan
Kayamanan, bayanihan, talento
Pagkakaisa, panahon, talento
Dignidad, malasakit, pananagutan
Explore all questions with a free account