No student devices needed. Know more
5 questions
1. Noong 2017, maaalala na ang Marawi City sa Lanao del Sur ay pinasok ng teroristang grupo ng Maute. Ang mga mamamayan nito ay tumakas at napilitang manirahan sa ibang lugar. Anong anyo ng paggalaw o daloy ng migrasyon ang ginawa ng mga taga- Marawi City?
A. entreprenyur
B. highly- qualified specialists
C. manggagawang manwal
D. refugees
2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan tungkol sa Migrasyon?
A. Paghikayat ng mga kamag- anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa na manirahan kasama nila.
B. Pagbibigay ng promosyon sa hanapbuhay na makadaragdag ng kita para sa pamilya.
C. Paghahanap ng hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita at maghahatid ng masaganang buhay.
D. Pag- aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman upang maging globally competitive.
3. Kaakibat ng migrasyon ang pagbabago ng gampaning pangkasarian sa isang pamilya. Paano ito nakaaapekto sa mga pamilyang Pilipino?
A. Malaking bagay kapag ang mga babae ang nagingibang bansa
B. Nabuo ang konsepto ng “house husband”
C. Naiiwan ang mga anak sa pangangalaga ng mga lolo at lola
D. Parehong nangingibang bansa ang mag-asawa
4. Ayon sa mga pag- aaral ang pagpunta sa ibang bansa upang maghanap- buhay ay nagbibigay ng parehong pagkakataon at panganib. Sa kasamaang- palad, mas malaking bilang ng ating Overseas Filipino Workers ay nakararanas ng panganib dulot ng forced labor, slavery, human trafficking, pang- aabuso at diskriminasyon. Sa ganitong pagkakataon, anong ahensya ng pamahalaan ang maaaring lapitan ng ating OFW upang isumbong ang ganitong nararanasan?
A. Philippine Overseas Employment Administration
B. Overseas Workers Welfare Administration
C. Department of Foreign Affairs
D. Department of Labor and Employment
5. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pagkakaiba ng Flow at Stocks sa usapin ng International Migration?
A. Ang flow ay ang bilang ng mga nandayuhan na nanatili at nanirahan sa bansang nilipatan samantalang ang stock ay ang pag- unawa sa daloy ng paglipat ng paglipat o mobility ng tao.
B. Ang stock ay makatutulong sa pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon samantalang ang flow ay ang dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon.
C. Ang flow ay bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa samantalang ang stock ay bilang ng pumapasok sa isang bansa.
D. Ang stock at flow ay gumagamit ng pormula na: Bilang ng taong umaalis - Bilang ng taong pumasok sa bansa = Net Migration
Explore all questions with a free account