No student devices needed. Know more
5 questions
Humagulgol ang ama dahil sa pag -alis ng kanyang anak.Ano ang ibig sabihin ng salitang Humagulgol?
a. umiyak nang tahimik
b. tumawa nang malakas
c. umiyak nang malakas
d. umawit nang malakas
2. Siya ay nanlulumo nang makita niya ang nagkalat na bahagi ng bangkang sinakyan ng kanyang mga anak. Ano ang ibig sabihin ng salitang nanlulumo?
a. nagsasaya
b. nanghihina
c. nagtataka
d. nagagalit
Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na tahanan ang kanyang dinatnan.Ano ang ibig sabihin ng salitang dinatnan?
a. nakita
b. natuklasan
c. naabutan
d. natanaw
4. Labis na kalungkutan na nadarama sa paglisan ng kaniyang mga anak .Ano ang ibig sabihin ng salitang paglisan?
a.pagdating
b. paglipat
c. pag-alis
d. pagpunta
5. Nagmamadali siyang pumalaot dahil nagbabakasakali siyang mahabol pa niya ang mga anak.Ano ang ibig sabihin ng salitang pumalaot?
a. umalis papunta sa bayan
b. tumakbo papunta sa bahay
c. umalis papunta sa ibang bansa
d. namangka papunta sa gitna ng dagat