No student devices needed. Know more
10 questions
Malaki ang naging papel ng globalisasyon sa pagdagsa ng mga dayuhang kompanya,produkto at paggawa sa bansa.Ayon sa ulat DTI noong 2010 may pinakamalaking paglago dito ay sa sektor ng serbisyo na kung saan ang nanguna ang industriya ng BPO. Sa kabilang dako patuloy naman bumaba ang paglago ng sektor ng
agrikultura. Anong konklusiyon ang mahihinuha sa pahayag na ito?
Mababa ang pagpapasweldo,pabagu-bago ang paggawa sa bansa at ang lengguwaheng English ang isa sa pangunahing wika na madali sa mga Pilipino.
Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa bansa kaya madaling makasabay ang mga Pilipino sa mga serbisyong on-line.
Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at impormasyon.
Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay kumukuha ng kurso na may kinalaman sa BPO.
Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
Paggawa
Migrasyon
Ekonomiya
Globalisasyon
Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at flexible labor.Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor?
Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.
Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang panahon at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa .
Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
Ito ay paraan ng mga mamunuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad na malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng manggagawa.
Mahalaga sa isa manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kaniyang pinapasukang kompanya o trabaho subalit patuloy ang paglaganap ng iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa .Ano ang iskemang subcontracting?
sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon
iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor ng isang kompanya para sa pagsagawa ng isang trabaho o serbisyo.
pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6 na buwan
pagkuha sa isang ahensya o indibidwal na subcontractor sa isang manggagawa sa loob ng mas mahabang panahon
Ano ang migrasyon?
tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan
tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente
tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan
Magkakaugnay ang ekonomiya,politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao.
Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at kultural
Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao.
Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan.
Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga lokal at dayuhang namumuhunan ay isang manipestasyon ng globalisasyon. Ilan sa mga epekto nito ay ang sumusunod:
Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino
Nabago ang dinamiko(oras,sistema ,Istruktura)ng paggawa sa maraming kompanya
Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang namasukan partikular ang mga call center agents
Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino
Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
Hanapbuhay
Turismo
Edukasyon
Tirahan
Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino “?
pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino
pagdagsa ng mga business process outsourcing (bpo) sa bansa
paghuhulog ,pagbabayad at pag wiwithdraw gamit ang mga automatic teller machine(atm)
pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas
Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon ipinatupad nila ang mura at flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nila nito sa bansa?
pag-iwas ang mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang krisis
maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa
makabuo ng maraming trabaho para sa mga mangagawang Pilipino
maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan
Explore all questions with a free account