No student devices needed. Know more
15 questions
Ang sumusunod ay mga sinaunang kabihasnan sa Mesoamerica, maliban sa __________.
Inca
Aztec
Maya
Mali
Anong kabihasnan ang unang sumibol sa Yucatan Peninsula na isang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala?
Mali
Inca
Aztec
Maya
Ano ang tinawag ng mga kanluranin bilang dark continent dahil sa nahirapan silang galugarin ito?
America
Africa
Asya
India
Ang mga pangalan ng Pulo sa Pacific ay ibinatay sa katangian nito. Ano ang tawag sa pangkat ng mga pulo kung saan ay maiitim ang mga nakatira?
Melanesia
Polynesia
Africa
Micronesia
Isa itong uri ng vegetation cover na matatagpuan sa kontinente ng Africa. Ano ang tawag sa lugar na ito sa Africa na may malawak na damuhan na may mga puno?
Sahara
Oasis
Savanna
Grassland
Ang kabihasnang Aztec ay nakilala sa larangan ng agrikultura. Bakit lumikha ang mga Aztec ng mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden?
para sa pagtatanim ang kanilang ikinabubuhay
hindi sapat ang lawak ng mga lupain
upang gumanda ang pamayanan
makahikayat ng mga mangangalakal
Ang sentro ng bawat lungsod sa kabihasnang Maya ay isang pyramid na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga Diyos. Ano ang ipinahihiwatig nito?
magaling sa arkitektura ang mga taga-Maya
nakaririwasa ang pamumuhay ng mga mamamayan
mayroong paraan ng pananampalataya
magkakaiba ang mga kultura ng mga tao
Ang pagsasaka at pangingisda ang kadalasang naging hanapbuhay ng mga tao sa mga sinaunang kabihasnan. Ano ang dahilan nito?
nakapagtatatag ng mga pamayanan malapit sa mga ilog
mahirap makahuli ng mga mababangis na hayop
walang ibang hanapbuhay ang mga sinaunang mamamayan noon
ito na ang nakagisnan na gawain ng mga tao
Ang kalakalan ay mahalagang bahagi ng pag-unlad ng sinaunang kabihasnan Ano ang idinulot ng pakikipagkalakalan ng Africa sa Europe at iba pang bahagi ng Asya?
nagkaroon ng mga pananakop sa bawat lugar na kanilang mapuntahan.
hindi naging maayos ang ugnayan dahilan sa inggitan sa mga produkto.
nakatulong sa kanilang pamumuhay ang pakikipagpalitan ng produkto.
ang mga taga-Africa ay nanirahan na lamang sa Europe at ilang bahagi sa Asya.
May iba’t ibang ritwal na ginagamit sa pagsamba. Paano ipinapakita ng mga Polynesian ang kanilang pananampalataya?
umaakyat sila sa tuktok ng templo at gumagawa ng mga ritwal
naniniwala sila sa mana o banal na kapangyarihan
nagpapasalamat sa diyos ng araw na si Huitzilopochtli
lumulubog at lumangoy sa mga karatig ilog at dagat
Islam ang pangunahing relihiyon sa Hilagang Africa. Sino ang nagdala ng Islam sa Hilagang Africa?
Muslim
Arab
Berber
Nomad
Ang pananakop ay isang paraan ng pagpapalawak ng lupain. Paano nasakop ng mga dayuhan ang matatapang na mga taga- imperyong Inca?
dahil kinaibigan muna sila ng mga dayuhan
dahilan sa makabagong teknolohiya ang gamit ng mga dayuhan
kakaunti lamang ang mga mandirigma sa Imperyong Inca
walang magaling na pinuno ang Imperyong Inca
Siya ang kaunaunahang hari at pinuno na nagpalawak ng emperyong Songhai.
Sunni Ali
Mansa Musa
Sundiata Keita
Dia Kossoi
Ang caravan ay grupo ng mga mangangalakal na magkakasamang naglalakbay. Anong caravan ang umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan?
Kalakalang Axum
Trans-Sahara
Caravan
Kalakalang Persian
Sa Kasalukuyan, makikita pa rin ang mga pamana ng kabihasnang Mesoamerica. Alin ang hindi kabilang sa pamanang ito?
Pyramid of Kukulcan
Machu Picchu
Mosque
Colossal Head
Explore all questions with a free account