No student devices needed. Know more
5 questions
Napansin mo na hindi gumagamit ng po at opo ang iyong nakababatang kapatid sa pagsagot sa inyong nanay. Ano ang iyong gagawin?
Hahayaan ko na lamang siya sa kanyang ginagawa.
Sisigawan at pagagalitan ko siya upang matuto siya.
Sasabihin ko sa kaniya na ang batang Pilipino ay magalang kaya dapat na sumagot siya nang may po at opo sa mga nakakatanda.
Sasabihan ko si Nanay na paluin siya.
May pinsan kang nagbalikbayan sa unang pagkakataon. Nagbilin ang iyong tatay na turuan siya ng larong Pinoy. Ano ang ituturo mo sa kaniya?
Isasama ko siya sa computer shop para maglaro ng computer games.
Iimbitahan ko siyang magbasketbol.
Magkukunwari akong hindi narinig ang Tatay dahil mahihirapan lang akong mag-Ingles kapag tinuruan ko siya.
Iimbitahan at tuturuan ko siyang maglaro ng sungka.
Sinabihan kayo ng inyong na kayo ay magsasayaw ng Tinikling sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ano ang iyong gagawin?
Hindi ako sasali dahil mahirap ang sayaw na Tinikling.
Sasali ako at pagbubutihin ko ang pag-eensayo.
Sasali ako sa pag-eensayo pero hindi ako dadalo sa araw ng pagtatanghal.
Makikiusap ako na Hiphop na lang ang isayaw namin dahil iyon ang uso.
Sa kabila ng mabigat na suliraning idinulot ng bagyong Yolanda, hindi natinag ang mga Pilipino. Nagtulong-tulong ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods, muling pagtatayo ng kanilang bahay at pagdarasal para sa kanila.
Mahirap mang pumunta sa mga nasalantang lugar dahil sa sira-sira ang mga daan, hindi ito inalintana ng mga kababayan natin. Isa itong patunay na likas na sa bawat Pilipino ang pagiging:
bayani
madasalin
matulungin
mapagbigay
Napansin mong nahihirapan ang iyong kaklase na unawain ang inyong leksiyon sa Matematika. Laging mababa ang kaniyang iskor sa mga pagsusulit. Samantala, matataas lagi ang iyong nakukuha dahil naunawaan mo nang mabuti ang itinuturo ng inyong guro.
Maaawa ako sa kaniya.
Lalapitan ko siya at aalukin kung nais niyang mag-aral kami ng leksiyon namin sa Matematika.
Sasabihan ko siyang makinig nang mabuti sa guro.
Sasabihan ko siyang mag-aral nang mabuti.
Explore all questions with a free account