No student devices needed. Know more
10 questions
1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng bukas na komunikasyon sa pamilya?
A. pagsasarili ng problemang kinakaharap
B. pagkakaroon ng sapat na oras sa pamilya
C. magkakasama ngunit abala sa social media
D. pagpapaubaya sa kasambahay sa pag-aalaga ng mga anak
2. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng kawalan ng komunikasyon sa pamilya?
A. mag-anak na nag video chatting
B. paglalaan ng isang araw sa pamamasyal
C. sabay-sabay na kumain ang buong pamilya
D. may kaniya-kaniyang ginagawa sa social media
3. Paano mo masasabing may bukas na komunikasyon ang pamilya? A. pagbibigay-diin sa sariling damdamin B. pagbibitaw ng mga salitang hindi nakasasakit C. pakikinig sa sinasabi ng bawat kasapi ng pamilya D. pagsasabi ng suliranin sa ibang tao sa halip na sa sariling pamilya
A. pagbibigay-diin sa sariling damdamin
B. pagbibitaw ng mga salitang hindi nakasasakit
C. pakikinig sa sinasabi ng bawat kasapi ng pamilya
D. pagsasabi ng suliranin sa ibang tao sa halip na sa sariling pamilya
4. Sino-sino sa mga kasapi sa pamilya ang epektibong tagapaglinang ng bukas na komunikasyon?
A. ina at ama
B. ina at anak
C. ama at anak
D. mga anak o anak
5. Bakit mahalagang magkaroon ng bukas na komunikasyon?
A. dahil madaling makakamit ang anumang hangarin ng buong pamilya
B. dahil paraan ng pasalita at di-pasalitang pagpapahayag sa palitan ng impormasyon sa pamilya
C. dahil napakahalagang pundasyon sa relasyon ng mag-asawa, magulang sa anak, at kapatid sa kapatid
D. dahil hinihikayat ang bawat miyembro ng pamilya na makapagpahayag ng pagkakaisa, pagmamahal at pagpapahalaga sa bawat isa
6. Sino sa mga kasapi sa pamilya ang higit na nangangailangan ng paggabay tungo sa pagkakaroon ng bukas na komunikasyon?
A. ate
B. bunso
C. kuya
D. magulang
7. Alin sa sumusunod ang laging nagpapatupad ng tuntunin sa loob ng pamilya?
A. mga magulang
B. bunsong anak
C. ang magkapatid
D. panganay na anak
8. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng bukas na komunikasyon?
A. nagbibigkis sa lahat ng miyembro ng pamilya
B. palitan ng impormasyon sa pagitan ng nagsasalita at kausap
C. isang paraan upang hindi magkaroon ng problema ang pamilya
D. paraan upang hindi magkaroon ng depresyon ang miyembro ng pamilya
9.Madalas na nakararanas ng pambubulas si Noel sa loob ng klase kaya ayaw na niyang pumasok sa eskwela. Kanino siya dapat unang sumangguni sa suliraning kaniyang kinakaharap?
A. mga kaibigan
B. punong-guro
C. mga magulang
D. gurong tagapayo
10.Ano ang maidudulot ng pamilyang hindi bukas ang komunikasyon?
A. Mapaganda ang buhay.
B. Mapariwara ang buhay.
C. Makamtan ang tagumpay.
D. Maging matalino ang bawat isa
Explore all questions with a free account