No student devices needed. Know more
10 questions
Si Leslie ay masipag gumawa ng kanyang takdang-aralin. Tuwing hapon bago siya maglaro ay gingawa na muna niya ang kangyang takdang aralin. Tumutulongdin siya sa ga waing bahay kaya naman tuwang tuwa ang kanyang magulang. Ipinagmamalaki siya sapagkat siya ay mabait at masunuring anak. Si Leslie rin ay mapagmahal na anak.
Ang magagandang ugali ni Leslie.
Ang pag- aaral ni Leslie
Ang paglalro ni Leslie
Ang takdang aralin ni Leslie
Tuwing hapon pagkatapos gumawa ng takdang aralin ni Mary Rose ay pumupunta siya sa palaruan. Nakikipagkita siya sa kanyang mga kaibigan. Doon ay marami na silang nakikitang naglalaro at iba’t iba ang mga ginagawa. Abala ang lahat at halos walang maupuan. Libangan na niyang pumunta sa palaruan.
Ang pinupuntahan ni Mary Rose
Tuwing hapon pagkatapos gumawa ng takdang-aralin
Ang paglalaro ni Mary Rose
Ang Takdang-aralin ni Mary Rose
Pinakaaabangan ng mga tao sa Pilipinas ay ang kapistahan sa bawat lugar. Iba't ibang tradisyon ang iyong makikita. Hindi mawawala ang paghahanda ng masasarap na pagkain. Ang iba ay dumarayo pa upang makikain at makipiyesta. May mga palaro at palabas na inihahanda upang maging masaya ang Kapistahan.
Pinakaaabangan ng mga Pilipino
Handaan tuwing Pista
Mga palaro tuwing Pista
Iba’t ibang Tradisyon Tuwing Pista
Maaga pa ay gising na ang lahat ng tao sa bahay nila Mang Edgar. Abalang-abala ang lahat sa pag-aayos at paghahanda. Lahat ay masaya at nakabihis ng magagandang damit . Naghahanda na sila papunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang damit na kulay puti si Maricar. Ito ang araw na pinakahihintay ni Maricar ang kanyang kasal.
Paggising ng Pamilya ni Mang Edgar
Pag-aayos ng Pamilya ni Maricar
Araw na pinakahihintay na kasal
Ang pamilya ni Mang Edgar
Sila ang gumagabay sa mga bata. Marami silang sakripisyong ginagawa upang matuto at makapagtapos ang mga bata. Gumagawa sila ng paraan na matuto sa aralin at matutunan din ang magandang ugali mula sa paaralan. Sila rin ang gumagabay at umaalalay sa mga bata. Sila ang mga guro na pangalawang ina ng mga mag-aaral.
Tungkulin ng mga guro sa mga mag-aaral
Pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral
Paggabay ng mga guro sa mga mag-aaral
Pangalawang ina ang guro ng mga mag-aaral
Mahalaga ang bitamina sa ating katawan. Ito ay nagbibigay lakas at sustansya. Ang mga pagkaing may taglay na bitaminang ito ay ang pagkain ng gulay at prutas, Kaya kung gusto mong malayo sa sakit kumain ka ng gulay at prutas upang ang iyong katawan ay lumakas.
Prutas at gulay
Pagkaing may taglay na bitamina
Mahalaga ang bitamina sa ating katawan
Kumain ng gulay at prutas
Ang pamilya ay isa sa pinakamahalagang antas sa ating Lipunan. Sa dami ng pagsubok na dumarating dapat umiiral pa rin ang pagmamahal sa bawat isa. Pagkakaisa at pagtutulungan ang kailangan upang tumibay ang samahan. Anumang pagsubok ang kaharapin dapat maging matatag ang bawat isa. Sapagkat ang pamilya ay biyaya ng ating Panginoon.
Pagmamahalan
Pagkakaisa
Ang Pamilya
Biyaya ng Panginoo.
Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ay ang mabuting pagtanggap o pakikitungo sa mga bisita. Kapag may inaasahang bisita ang isang miyembro ng pamilya. Bawat isa ay abala sa paglilinis at paghahanda ng mga pagkain. Nagluluto at naghahanda ng masasarap na pagkain ang pamilya. Nag-iisip din sila ng maaaring ipauwi sa bisita.
Isa sa mga katangian ng mga Pilipino
Mabuting pagtanggap sa mga bisita
Ang paghahanda ng pamilya
Ang pakikitungo sa mga bisita.
May ibat ibang ibig sabhin at simbolo ang bawat kulay. Ang puit ay kalinisan. Ang asul ay kapayapaan at ang pula naman ay tanda ng katapangan. Ang kulay rosas naman ang simbolo nito ay pag-ibig at panibugho naman ang dilaw. Kasaganaan nman ang berde at kalungkutan at pagdadalamhati ang dala ng kulay itim. Maarami pang kulay ang may ibat ibang kahulugan.
Ang mga kulay
Maraming mga kulay
Ang iba’t ibang kulay
Ang simbolo at kahulugan ng kulay
Ang aklat ay nagbibigay ng kaalaman, impormasyon at ito ang mahalagang gamit sa paagkatuto. Ito rin ang daan natin sa ating paglalakbay sa iba’t ibang panig ng bansa sa pamamagitan lamang ng pagbabasa. Ito rin ang nagpapagbabago sa ating pagkatao at paniniwala. Ang lahat ay matutunan natin sa pamamagitan ng aklat lalo na ang mga salita ng ating Panginoon.
Gamit at kahulugan ng aklat
Pagbibgay kaalaman
Ang aklat
Ang pagbabasa ng aklat
Explore all questions with a free account