10 questions
Panghalip pamatlig na ginagamit kung ang itinuturo ay malapit sa kausap.
iyan, niyan, hayan
ito, nito, heto
iyon niyon, hayun
Panghalip pamatlig na ginagamit kung ang itinuturo ay malapit sa nagsasalita.
ito, nito, heto
iyon, niyon, hayun
iyan, niyan, hayan
Panghalip na ginagamit pangturo sa tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
Panghalip Panao
Panghalip Panaklaw
Panghalip Pamatlig
Panghalip pamatlig na ginagamit panturo kung malayo sa kausap at nagsasalita.
iyon, niyon, hayun
ito, nito, heto
iyan, niyan, hayan
Hawak ni Ginang Mendoza ang mga bahagi ng nabasag ng plorera. “Sino ang nakabasag ____________ ?” tanong ni Ginang Mendoza sa mga mag-aaral.
niyan
niyon
nito
Nasa loob ng bahay ang magkapatid na sina Nico at Diego. Narinig nila ang kanilang alaga. “Tumatahol ang aso sa labas. Baka gutom na ____________ ,” sabi ni Nico.
iyan
ito
iyon
Magkano ang isang kilo ________ bigas na hawak mo?
nito
niyan
niyon
Sa Balaw-balaw tayo kumain. Kilala ko ang may-ari __________.
niyan
niyon
nito
Ang bulkan ay ang Bulkang Taal. ________ ang pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas.
Iyon
Iyan
Ito
Ang panghalip __________________ ay salitang ginagamit pangturo sa tao, bagay, hayop at pangyayari.