No student devices needed. Know more
10 questions
Sino ang nagsabi na, “bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan”?
Dr. Manuel Dy
Malala Yousafzai
Martin Luther King
Max Scheler
Ano ang prinsipyong gagabay sa pamilya upang ang bahay ay magiging tahanan?
Prinsipyo ng Proportio
Prinsipyo ng Lipunang Pampulitika
Prinsipyo ng Pagkakaisa
Prinsipyo ng Lipunang Ekonomiya
Bakit mahalaga ang pagbabahagi ng yaman ng ating bansa?
Malikha ng bawat isa ang sarili ayon sa kani-kaniyang mga tunguhin at kakayahan.
Masiguro na ang bawat isa ay mabigyan ayon sa kaniyang mga pangangailangan.
Maging pantay ang mga tao sa matatanggap na yaman at walang lamangan.
Magkaroon ng patas na pag-unlad sa iba’t ibang lugar ng bansa.
Ano ang mabuting gawin ng mga tagapangasiwa ng Local Govenment Unit (LGU) upang malutas ang problema sa kakulangan ng tubig?
Siguraduhing pantay ang rasyon ng tubig sa bawat barangay na nasasakupan.
Ayusin ang sirang tubo kung nag-uumapaw na ang tubig nito sa kalsada.
Siyasatin kung maayos ang mga koneksiyon ng tubo na daluyan ng tubig.
Maghanap ng panibagong pagkukunan ng tubig ng mga sirang tubo.
Alin sa sumusunod na mamamayan ang tunay na nakatali ang sarili sa bagay?
Pagbili ni Tito ng mga gadgets upang makapagtrabaho nang maayos at madali.
Hindi mabitawan ni James ang kaniyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kaniya.
Inuubos ni Earl ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling imported na relo dahil dito niya nakukuha ang labis na kasiyahan.
Ipinipilit ni Mina na nararapat siyang makatanggap ng tulong mula sa pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin at kahit hindi naman niya ito kailangan.
Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay”?
Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman.
Lahat ay dapat mayroong pag-aari.
Lahat ay iisa ang mithiin.
Lahat ay likha ng Diyos.
Paano dapat ipakita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?
Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari.
Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit.
Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ng dami nang naimpok na pera.
Sa higit na pagpapahalaga sa mga ari-arian kay sa pagpapahalaga sa mismong sarili.
Mahalagang siguraduhin ng pamahalaan na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya. Ano ang dapat nitong gawin?
Magbibigay ng tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya.
Pangungunahan ang pangangasiwa at pamamahagi ng patas sa yaman ng bayan.
Sisikapin na bigyang trabaho ang bawat kasapi kahit hindi angkop sa kakayahan nito.
Tutulungan ang mga manggagawa nito sa paghanap ng hanapbuhay sa ibang bansa.
Paano mas epektibo ang patas kaysa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila.
Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya.
Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan.
Higit na isinasaalang-alang nito ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa.
Paano maipakikita ng pamahalaan ang tamang pamamahala sa yaman ng bansa?
Pamamahala ng budget katulad sa isang mayamang pamilya
Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman sa mga mamamayan nito
Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kagustuhan ng Presidente lamang
Pagsisiguro na ang bawat bahay ay nasusunod ang kani-kanilang mga kagustuhan
Explore all questions with a free account