No student devices needed. Know more
18 questions
Mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw.
gawi
takot
kilos-loob
masidhing damdamin
Ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kalooban.
kilos-loob
karahasan
takot
masidhing damdamin
Ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay.
masidhing damdamin
karahasan
takot
kamangmangan
Ito ay ang masidhing pag-asam na makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap.
karahasan
takot
kilos-loob
masidhing damdamin
Ito ay tumutukoy sa kawalan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.
karunungan
kalayaan
kamangmangan
kaisipan
Ito ay ang uri ng kamangmangan na may pagkakataong magkaroon ng tamang kaalaman.
nadaraig(vincible)
hindi nadaraig(invincible)
isip
karunungan
Sumakit ang iyong tiyan at uminom ka ng gamot na hindi man lang binasa kung para saan ito. Apektado ang iyong kilos ng anong salik?
gawi
masidhing damdamin
takot
kamangmangan
Sa sobrang galit, napalo ka ng iyong ama dahil nalaman niyang hindi ka pala pumapasok sa inyong online class. Nagpabili ka pamandin ng kompletong gamit sa pag-oonline class. Ang iyong ama ay apektado ng anong salik?
masidhing damdamin
takot
karahasan
kamangmangan
Habang naglalakad ka sa parke, isang taong palaboy at wala sa matinong pag-iisip ang bigla ka nalang niyang binatukan. Anong salik ang nakaapekto sa taong ito upang gawin ang nasabing kilos.
takot
masidhing damdamin
karahasan
kamangmangan
Kumuha ka ng pagkain sa canteen kahit na labag sa iyong kalooban dahil inutusan ka ng iyong kaklaseng basagulero. Apektado ang iyong kilos ng anong salik?
kamangmangan
karahasan
takot
masidhing damdamin
Nanlaban ka sa snatcher. Nagpambuno kayong dalawa dahil pilit niyang kinukuha sa iyo ang iyong mamahaling celfon. Di sinadya ay naiuntog mo siya sa nakausling pako sa pader. Duguan ang snatcher na tumakbong palayo. Meron ka pang kapanagutan sa iyong kilos?
mayroong pananagutan
walang pananagutan
Hindi maaaring mawala ang pananagutan ng kilos o gawa na may impluwensiya ng karahasan.
Tama
Mali
Kung ang takot ay makapagdadala sa isang tao ng pansamantalang kaguluhan ng isip at mawala ang kakayahang makapag-isip ng wasto, ang pananagutan ay nawawala.
Tama
Mali
Siguro
Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na, nawawala ang pananagutan ng isang tao.
Tama
Mali
Kung ang kamangmangan ay kayang baguhin sa pamamagitan ng isang masikap na paraan na alamin ang isang bagay bago gawin, walang kapanagutan sa kanyang kilos.
Tama
Mali
1. Alin sa mga ito ang kilos dahil sa takot?
Ang pagsuntok sa kabarkada dahil sa sobrang selos.
Ang pagbibigay ng regalo sa magulang ng iyong nililigawan.
Ang paulit-ulit na panghihingi ng papel sa kaklase.
Ang labag sa loob na pagpapakopya sa kaklase ng mga sagot sa pagsusulit dahil sa pagbabanta.
Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko.
Pagsagot ng "oo" sa iyong manliligaw.
Pangongolekta ng mga larawan ng idolo mong KPop artist.
Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha.
Nasa loob ka ng isang mall, bigla kang sumigaw ng "May bomba!". Ginawa mo yun kasi nais mo lamang makita ang reaksyon ng mga tao habang kinukuhanan mo ng iyong kamera kahit alam mong ito ay bawal. May pananagutan ka ba sa iyong kilos?
may pananagutan
walang pananagutan
bawas ang pananagutan
Explore all questions with a free account