No student devices needed. Know more
10 questions
Malinaw ang sinasabi sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: gawin mo ang mabuti,iwasan mo ang masam.Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao."Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.
May mga taong pinipili ang masama dahil sa wala silang konsensiya.
Maaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang kumiling sa mabuti.
Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya.
Alin sa mga sumusunod ang 2 elemento ng konsensiya?
paghatol moral at obligasyong moral
pagninilay/paghatol at pakiramdam
invincible/vincible
suoeregoo at reaksiyon
Paano mapapalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti.
Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya.
Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral.
Kung nagsasanib ang tama at mabuti
Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti at masama. Ngunit ito pa rin ay ang subhetibo,personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan pa kaysa rito. Ano ang itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos?
Batas ng Diyos
Batas Positibo
Likas na Batas Moral
Sampung Utos ng Diyos
Ang mga sumusunod ay yugto ng konsensiya maliban sa :
Alamin at naisin ang mabuti
Pangalagaan ang buhay at lahat ng may buhay
Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos
Pagninilay
Ang mga sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa:
Ito ay sukatan ng kilos
Ito ay nauunawaan ng kaisipan
Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
Ito ay may personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao.
Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madaraig (invincible ignorance)
pagbili sa inaalok na cellphone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama
pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby
pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di tiyak kung makakabuti ito
pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid
Ang mga sumusunod at mga pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:
Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang ating buhay.
Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papaga aralin ang mga anak.
Bilang rasyonal, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan
Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanassan ng tao.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kamangmangan madaraig(vincible ignorance)
pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di tiyak kung makakabuti ito
alam mo mali ang kapatid mo pero kinampihan mo pa rin ito
pagbibigay ng pera kahit alam mong gagamitin lang ito sa walang kwentang bagay.
tuloy pa rin ang pangongopya kahit alam na mali ito
Ito ang batayan ng kabutihan at ng Konsensiya
Likas na Batas Moral
Mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral
Obligasyong Moral
Paghatol Moral
Explore all questions with a free account