No student devices needed. Know more
20 questions
Siya ang nag-oorganisa , nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na makaaapekto sa produksyon.
entreprenyur
manggagawa
kapitan
empleyado
Ito ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto o mga bagay na gawa ng tao na ginagamit sa paggawa ng mga kalakal at paglilingkod.
kapital
makinarya
pagawaan
lupa
Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng _______.
paggamit ng mga hilaw na sangkap
pagtayo ng mga pabrika
pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto
pagkamalikhain ng mga manggagawa
Bakit itinuring ang lupa na pangunahing salik ng produksyon?
pinagmulan ito ng lahat ng produktong ibinibenta sa pamilihan
dito nagmumula ang raw materials na kinakailangan sa pagbuo ng bagong produkto
mas malawak ang sukat ng lupaing tinataniman
ito ay pinapatayuan ng mga imprastraktura na kailangan sa produksyon
Ang mga manggagawang may kakayahang mental o may “white collar job” ay mas ginagamit ang kanilang isip kaysa lakas ng katawan sa paggawa, samantala ang mga manggagawang may kakayahang pisikal o may “blue collar job” ay________________.
ginagamit ang lakas ng katawan lamang
mas ginagamit ang lakas ng katawan na sinasabayan ng angking kakayahan sa kanilang paggawa
may kakayahan at talino ng mga manager, doktor, inhinyero atbp.
nagtatrabaho sa malalaking kompanya
Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa pang araw-araw na pamumuhay?
Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho.
Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili ng produkto at serbisyo.
Ang produksyon ay pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang araw-araw.
Ang pagkonsumo ay nagbibigay- daan sa produksyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil dito masasabing mas mahalaga ang produksyon kaysa sa pagkonsumo.
Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo”. Ang sumusunod ay katangiang taglay niya MALIBAN sa:
puno ng inobasyon
maging malikhain
may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo
Sa pang araw-araw na buhay ng mga tao ay may pagkonsumo. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapatunay sa pagkakaiba ng produksyon at pagkonsumo?
Ang produksyon ay pagproseso ng produkto at ang pagkonsumo ay paggamit ng produkto.
Nililikha ang produkto sa produksyon, samantala ginagamit ito sa pagkonsumo.
Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng produkto at ang pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produkto na magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
Sa produksyon maraming produktong bibilhin samantala sa pagkonsumo nasisiyahan ang mga tao sa pagbili ng produkto.
Ito ang antas ng produksyon na may pagsasa-ayos ng mga tapos na produkto (packaging, labeling and distributing) para mapakinabangan ng tao.
primary stage
final stage
secondary stage
proofing stage
Anong tawag sa antas ng produksyon ang tumutukoy sa pagkalap ng mga hilaw na sangkap (raw materials) ?
primary stage
secondary stage
finishing stage
harvesting stage
Ang mga hilaw na sangkap ay dumadaan sa proseso upang maging yaring produkto. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa hilaw na sangkap sa paggawa ng tinapay?
harina
asin
itlog
pandesal
Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa paggawa bilang salik ng produksyon?
Lahat ng mga gawa ng tao na ginagamit sa produksyon gaya ng pera, makinarya, teknolohiya, maging ang mga gusali.
Lahat ng kakayahan ng tao sa pagtatrabaho gaya ng lakas-bisig at lakas-isip.
Saklaw nito ang kagalingan ng isang tao na magsimula at mamamahala ng negosyo o produksyon.
Saklaw nito lahat ng mga yamang galing sa lupa, tubig o mineral.
Malaki ang epekto ng mga salik ng produksyon sa dami at kalidad ng produkto. Ano ang maaaring mangyari sa produksyon kapag ang lupa na pinagmumulan ng hilaw na sangkap ay kumunti dahil sa industriyalisasyon o pinatayuan ng gusali at pabrika?
Bibilis ang produksyon dahil dumami ang mga pabrika at paggawaan.
Mababawasan ang produksyon dahil kumunti ang mga hilaw na sangkap.
Madadagdagan ang produksyon dahil ang mga negosyante ay aangkat ng hilaw na sangkap sa ibang lugar.
Walang pagbabago sa dami ng produksyon dahil walang pagbabago sa mga salik.
Ano ang implikasyon o maaaring epekto sa ekonomiya ng pagkakaroon ng maraming lakas-paggawa subalit kulang ang pagawaan?
Magkakaroon ng mataas na kita ang mga manggagawa.
Marami ang walang trabaho dahil sa kakulangan ng mapapasukan.
Magkakaroon ng sigalot sa pagawaan dahil maraming manggagawa.
Magiging mahal ang sahod ng mga manggagawa dahil sa dami nila.
Ito ang uri ng empleyo o hanapbuhay na kinukuha ang isang tao na magsilbi sa partikular na panahon ng trabaho.
palagian
pamanahon
casual
kontrakwal
Anong uri ng empleyo o hanapbuhay kung kinukuhang magtrabaho ang isang kawani sa isang tiyak na produkto?
pansamantala
full time
regular
kontrakwal
Anong uri ng puhunan ang mga produktong madaling maubos tulad ng uling at langis?
pirminihang puhunan
palipat-lipat na puhunan
espesyal na puhunan
malayang puhunan
Uri ng lakas-paggawa na may mataas na antas ng kaalaman, kasanayan at karanasan.
unskilled
propesyunal
semi-skilled
skilled
Nakabili si Mang Pedro ng mga makinarya upang mapabilis ang paggawa ng bag para sa pasukan. Ano ang katangian niyang taglay bilang entreprenyur?
malakas ang loob
mahusay mangasiwa
matalas ang pakiramdam para sa napapanahong produkto
mahusay makisama
Bakit kailangang makipagsabayan sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagproseso ng produkto?
Upang parating makasunod sa uso
Upang mabigyan ng kasiyahan ang sarili
Upang mapabilis ang proseso at mapanatili ang kalidad ng produkto
Upang mabawasan ang pagkainggit
Explore all questions with a free account