No student devices needed. Know more
10 questions
Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang- yaman ng bansa?
Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
Upang mas lumaki ang kita ang ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito.
Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa.
Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na umiiral.
Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?
Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.
Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng magagamit ang pinagkukunang-yaman ng bansa.
Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
Likas-yaman
Pamahalaan
Presyo
Prodyuser
Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na nakapagbubukod-tangi sa sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang ginagamit ng mas nakararaming bansa?
Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan.
Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.
Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag- ugnayan sa pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng gawain
Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado.
Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-ekonomiko batay sa puwersa ng pamilihan.
Traditional Economy
Market Economy
Command Economy
Mixed Economy
Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng:
Konsyumer
Pamahalaan
Pamilihan
Prodyuser
Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang, “There isn’t enough to go around.” ni John Watson Howe?
May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao.
Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan.
Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman.
May Hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.
Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa market economy?
Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan batay sa plano.
Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan.
Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang yaman.
Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may control pa rin sa ilang mga gawain.
Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pang- ekonomiko. Alin sa sumusunod ang kasagutan ng Traditional Economy sa katanungang: Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan.
Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa utos ng pamahalaan.
Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
Ang produkto at serbisyong gagawin ay nakabatay sa puwersa ng pamilihan at pamahalan.
Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.
Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga layuning pang-ekonomiya.
Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan.
Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.
Explore all questions with a free account