No student devices needed. Know more
15 questions
Ang ekonomiks ay galing sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay
oikonomus
pamamahala ng sambahayan
ekonomiya
pamamahala ng politika
Siya ang tinaguriang Ama ng Ekonomiks
Adam Smith
Karl Marx
John Meynard Keynes
David Ricardo
1. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman.
A. Ekonomiks
A. Sosyolihiya
A. Kasaysayan
A. Heograpiya
1. Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan.
Pamilihan
Sambahayan
Pamahalaan
Sangkatauhan
1. Gumagawa ng mga desisyon kung anu-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin.
Pamahalaan
Sambahayan
Pamilihan
Sangkatauhan
1. May limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang ibang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at yamang kapital. Anong kondisyon ang tinutukoy nito?
Kamalayang Panlipunan
Kamalayan sa Kapaligiran
Kakapusan
Kakulangan
1. May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin”. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
Sinusuri muna ng isang indibidwal ang karagdagang halaga maging ito ay gastos man o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
Hinahayaan ng isang indibidwal ang magiging resulta ng kanyang pagpapasya.
Hindi pinakikialaman ng isang indibidwal ang presyo ng mga produkto at serbisyo na nais niyang bilhin.
Ang isang indibidwal ay tinitingnan ang margin ng mga pangunahing bilihin sapagkat ang mga ito ay mahalaga para sa kanya.
1. Mahalagang makabuo ng matalinong pasya sa bawat produkto o serbisyong pagpipilian subalit may pagkakataon na magbago ang isip sa bandang huli dahil sa inaalok ng mga prodyuser tulad ng buy one take one o discount, ano ang tawag dito?
Opportunity Cost
Marginal Thinking
Incentives
Trade-Off
Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon
Choice
Trade-Off
Incentives
Opportunity Cost
1. Gumagawa ng isang ekonomikong pagpapasya ang isang tao araw- araw. Bakit mahalagang maunawaan ng isang mag-aaral ang kaalaman sa ekonomiks bilang bahagi ng pamilya?
Upang sila ay maging maalam sa mga napapanahong isyu
Hinuhubog nito ang pagiging mapanuri at pagkaunawa sa mga isyung pang ekonomiya at panlipunan.
Makakatulong ito sa paghahanapbuhay sa hinaharap at sa kanilang pamilya.
Makakatulong sa pagpapasya sa mga gawaing bahay.
1. Ang trade-off ay ang pagpili o pagpapaliban ng bagay kapalit ng ibang bagay ano ang idudulot nito?
Sa pamamagitan nito ay malalaman natin kung nakapagdudulot ba ng kasiyahan ang ating desisyon.
Sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng pinakainam na desisyon.
Sa pamamagitan nito ay hindi tayo magkamali sa pagpili ng desisyon.
Sa pamamagitan nito ay maging kapaki-pakinabang ang bawat desisyon na gagawin natin sa araw-araw.
1. Bilang mag-aaral at kasapi ng iyong pamilya at lipunan, bakit kailangan pag-aralan ang ekonomiks?
Nakakagawa ng matalinong pasya ang mapanuri at mapagtanong sa nangyayari sa lipunan.
Magagamit ang kaalaman sa pagbili ng mga kagustuhan sa buhay.
Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang bumili ng maraming pagkain sa panahon ng pandemya.
Nais mong makuha ang mga bagay na gusto mo.
1. Sa ekonomiks kailangang maging makatuwiran ang tao sa kanyang pag-iisip sa pagpili ng mga bagay na mapapakinabangan. Ano ang kahalagahan nito sa panahon ng pandemya?
Kailangan suriin ang mga produktong bibilhin dahil limitado ang pagkakaroon ng salapi
Ang isang indibidwal ay hindi na kailangan suriin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sapagkat ang mga ito ay mahalaga para sa kanya.
Hindi pakikialaman ang mataas na presyo ng mga produkto at serbisyo na nais niyang bilhin.
Hahayaan na lamang ng isang indibidwal kung ang produkto ay may pakinabang sa kanya o wala.
1. Malaki ang naging ambag ng ekonomiks sa tao upang maging marunong sa kanyang pagpili ng mga bagay na mas kailangan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao?
Nakatutulong ang ekonomiks upang mas piliin ang pangangailangan kaysa sa kagustuhan
Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay maging matalino at mapanuri sa pagbuo ng desisyon sa buhay.
Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay higit na gumastos sa mga luho at iba pang kagustuhan mo sa buhay.
Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay hindi makialam sa mga nangyayari sa lipunan
1. Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay may hinaharap na malaking pandemya na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao. Nagsasara ang mga paggawaan at humina ang ekonomiya. Bilang mamamayan ng bansa, ano ang dapat nating gawin para manumbalik ang sigla ng ating ekonomiya?
Hayaan ang gobyerno na lumutas sa problema ng bansa.
Pumunta sa ibang bansa para magbakasyon pagkatapos ng quarantine.
Tangkilikin ang sariling produkto para makatulong sa mga Pilipinong negosyante.
Magkaroon ng lockdown hanggang limang taon.
Explore all questions with a free account