No student devices needed. Know more
15 questions
Saan nakabatay ang ikinayayaman ng tao?
Sa pagpapahalaga sa anumang ibinigay sa kanya
Sa paniniwala sa anumang ibinigay sa kanya
Sa pagbabahagi sa anumang ibinigay sa kanya
Sa pagkilos sa anumang ibinigay sa kanya
Alin ang katangian ng taong tunay na mayaman?
Nakikilala ang sarili bunga ng kaniyang paggawa
Nakikilala ang sarili sanhi ng mga kakayahan at potensyal
Nakikilala ang sarili bunga ng pagmamahal ng kapwa
Nakikilala ang sarili base sa kontribusyon sa lipunan
Isang Pilosopo na nagsabing bahagi ng pagiging tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan.
Dr. Manuel Dy
Max Scheler
Sto.Tomas de Aquino
Jacques Maritain
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, saan nakabatay ang “angkop na pagkakaloob” sa prinsipyo ng proportio?
Ayon sa kagustuhan ng tao
Ayon sa pangangailangan ng tao
Ayon sa layunin ng tao
Ayon sa pag-unlad ng tao
Ito ay ang pakahulugan ng salitang “Ekonomiya” sa wikang Griyego
Pamamahala ng Lipunan
Pamamahala ng Sambayanan
Pamamahala ng Bahay
Pamamahala ng Sarili
Ang paniniwala na “ang tao ay pantay - pantay” ay nakaugat sa katotohan na...
lahat ay dapat mayroong pag-aari
lahat ay may kani-kanyang angking kaalaman
lahat ay iisa ang mithiin
likha ang lahat ng Diyos
Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportion ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
Pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
Angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
Angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
Pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao
Sa ating lipunan, alin sa mga sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kanyang sarili sa bagay?
Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad ng buwis
Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.
Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan
Lahat ng nabanggit
Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya maliban sa:
Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay
Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao
Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan
Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?
Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang pangangailangan
Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang kakayahan
Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang paggalang sa kanilang mga karapatan
Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa ipunan, ang patas ay pagtiyak na natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao
Paano masisiguro nang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya?
Nagbibigay ng tulong pinansyal angpamahalaan sa mga mahihirap na pamilya
Sa pangunguna ng estado, napangasisiwaan at naibabahagi ng yaman ng bayan
Sinisikap ng estado, na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit hindi angkop sa kakayahan
Tinutulungan ng estado ang mga mangagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa
Bakit mas epektibo ang patas kaysa sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
Sa pamamagitan nito, mas isinasaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa
Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan
Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat
Hindi pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila
Paano maipakikita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang mga ari-arian?
Sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kaniyang mga ari-arian kaysa sa kaniyang sarili
Sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ang dami ng naimpok na salapi
Sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit
Sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari
Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?
Nakikilala at sumisikat ang mga taong umuunlad
Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao
Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting dulot sa pag-unlad ng bansa
Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig paunlarin ang sariling kakayahan
Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang ikayayaman”. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig niya
Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa
Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kaniyang naisin
Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya
Explore all questions with a free account