No student devices needed. Know more
15 questions
Dapat bang paniwalaan kaagad ang mga palatastas na
nabasa o narinig?
a. Oo, dahil ito ay maganda.
b. Hindi, sapagkat dapat muna itong suriin.
c. Hindi, dahil lahat ng narinig o nabasa ay
kasinungalingan.
d. Lahat ng nabanggit.
Maging bukas ang isipan sa lahat ng oras, sapagkat...
ikaw lang ang tama at mali ang opinyon ng ibang tao.
may kani-kaniyang opinyon at paniniwala ang mga tao sa mga bagay-bagay kaya nararapat nating silang unawain.
wala dapat tayong pakialam sa sinasabi ng ibang tao.
kailangan nating makuha ang loob ng tao upang sila ay pumanig sa atin.
Tumawag ang iyong kaibigan at sinabing wala daw kayong pasok ng bukas. Ano ang gagawin mo?
Matutulog ng mahaba at tanghali na magigising.
Hindi sasabihin sa magulang ang nalamang balita.
Aalamin ang totoo sa magulang o guro ang tungkol sa nakuhang impormasyon.
Hindi maniniwala at hindi papasok kinabukasan.
Nakita mo sa Facebook na maaari ka na daw lumabas ng walang suot na mask. Ano ang iyong gagawin?
Ireport ang page o facebook na nagpapakalat ng maling impormasyon.
Sabihin kay nanay na maaari na kayong pumunta sa SM.
Sabihin sa mga kalaro na maari na kayong maglaro sa paborito niyong parke.
Ishare ang nakitang post sa Facebook.
Manood lamang ng mga palabas sa sinehan o programa sa telebisyon na angkop sa iyong edad.
Tama
Mali
Lahat ng napapanuod at nababasa sa internet ay totoo
Tama
Mali
Sabi sa isang patalastas, kapag iinom ka ng kanilang
produkto, puputi ka. Bibilhin mo ba kaagad ang
nasabing produkto kung gusto mong pumuti?
a. Hindi
b. Oo
c. Siguro
d. Walang pakialam
Narinig mo sa iyong kaklase na ibinibida ang patalastas
na nabasa niya tungkol sa paraan upang maging artista.
Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong hakbang para
masigurado mo na totoo ang nabasang patalastas?
a. Tatanungin ko ang aming guro tungkol dito.
b. Makikipag-away ako sa kaniya dahil hindi ito totoo.
c. Bubuksan ko ang pahina ng aming aklat para
tingnan at masuri ang patalastas.
d. Bibili ng maraming klase ng pahayagan at titingnan
kung naroon nga ang patalastas.
Kapag nabasa mo ang unang parte ng patalastas, maaari
mo ng ibahagi ito sa iyong kaibigan o kaklase. Sang-ayon
ka ba sa pahayag na ito?
a. Oo, dahil nalaman ko na ang unang parte.
b. Oo, maniniwala naman sila kaagad sa akin.
c. Hindi, sapagkat nabitin ako sa aking nabasa.
d. Hindi, dapat ko munang basahin ang buong parte
ng patalastas bago ibahagi sa iba.
Kung ikaw ay pipili ng isang patalastas na iyong
ibabahagi sa iyong mga kaibigan, ano ang dapat mong
isaalang-alang?
a. Kung maganda ang patalastas, maniniwala ako.
b. Kung pangit ang patalastas, pagtatawanan ko ito.
c. Susuriin ko muna ang patalastas at pinagmulan
nito.
d. Hahanapin ko ang gumawa ng patalastas at
tatanungin kung totoo ito.
Nabasa mo ang isang bastos na patalastas, ano ang
iyong gagawin?
a. Babasahin ko pa rin ito.
b. Titigilan ko ang pagbabasa.
c. Isusumbong ko sa pulis ang nabasa ko.
d. Tatawagin ko ang aking kapatid na magbasa rin.
Alin sa mga sumusunod ang mayroong tamang
pagpapasiya?
a. Si Dave ay nakikinig ng patalastas na hindi pwede
sa kaniya.
b. Si John ay nagsisiyasat muna bago paniwalaan ang
napakinggang patalastas.
c. Ang nakababatang kapatid ni Charlen ay nagbabasa
ng mga malalaswang patalstas.
d. Sina Alea at Paul ay basta-bastang nagbabasa at
naniniwala sa patalastas na narinig o nabasa.
Sang-ayon ka ba sa pahayag na, “Ugaliin ang tamang
pagpapasiya upang mapalinang ang kaisipan” ?
a. Walang pakialam
b. Oo, sang-ayon ako.
c. Hindi ako sang-ayon.
d. Depende sa sitwasyon
Nakita mong pinagkakalat ng iyong kaibigan ang
patalastas na wala namang idudulot na maganda sa
kapuwa kundi gulo lamang. Ano ang iyong gagawin?
a. Makikisali ako sa kanila.
b. Hahayaan ko lamang sila.
c. Pagtatawanan sila nang malakas.
d. Tatawagin ko ang aking kaibigan at pagsasabihan
siya na tigilan niya ito.
“Piliin muna ang patalastas bago ito pakinggan o
basahin”, tama ba ito?
a. Oo
b. Hindi
c. Siguro
d. Walang paki-alam
Explore all questions with a free account