No student devices needed. Know more
35 questions
1. Ang tao ay may isip at kilos-loob.
a. Karunungan
b. Karunungan tungo sa katotohanan at pagmamahal sa kapuwa.
c. Karunungan likas sa tao lamang
d. Karunungan sundin ang kagustuhan ng ating kilos-loob.
2. Ang isip at kilos-loob ng tao ay kapangyarihan o kakayahan.
a. Abilidad o kapasidad
b. Bukod tangi na abilidad
c. Kapasidad na kaloob sa tao na piliin ang mabuti sa masama.
d. Kapasidad na gawin lahat ng naisin sa buhay.
3. Ang tamang gamit ng isip at kilos-loob ay nagbubunga ng moral na kilos.
a. Isip na mabuti
b. Malayang isip tungo sa kabutihan at katotohanan
c. Pag-iisip, pananalita at gawa tungo sa kabutihan at paglilingkod sa kapuwa.
d. Malayang isip tungo sa kabutihang pansarili.
4. Ang kilos, pananalita at gawa ng tao ay malaya at kusang loob.
a. Sariling kilos, pananalita at gawa
b. Walang puwersa sa pag-iisip, pananalita at gawa
c. Walang puwersa o pagdidikta sa pag-iisip, pananalita at gawa
d. May pagdidiktang nagaganap sa pag-iisip, pananalita at gawa
5. Ang isip at kilos-loob ng tao ay ginagamit sa paghahanap ng katotohanan, paglilingkod at pagmamahal sa kapuwa tao.
a. Tama at maayos na kilos, pananalita at gawa
b. Mabuti at tama paminsan minsan sa pagkilos, pananalita at gawa
c. Mabuti at tama sa pag-iisip, pananalita at gawa tungo sa kabutihan na nakararaming tao.
d. Mabuti at tama sa pagkilos, pananalita at gawa
6. Ang tao ay isinilang na may kalayaan.
a. Karapatan
b. Gumawa, mag isip at magsalita ng walang balakid o hadlang.
c. Kakayahang gumawa, mag-isp at magsalita sa disisyong walang paglabag sa karapatang pantao
d. Lahat ng nabanggit.
7. Ang karapatang pantao ay…
a. Adhikain, mithiin ng bawat tao na kailangang makamit upang mabuhay na may dignidad.
b. May saloobin at damdamin ng tao
c. Mga batas para mabuhay ng tama
d. Mga batas na gumagabay sa tao
8. Dignidad
a. Pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga sa paggalang sa kaniyang kapuwa
b. Respeto o paggalang bilang tao
c. Pakiramdam na mahalaga ang tao
d. Paggawa ng mga sinasabi o lumalabas sa bibig
9. Ano ang naituituring na kakambal ng kalayaan?
a. Kilos-loob
b. Konsensiya
c. Pagmamahal
d. Responsibilidad
10. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang nagmumula sa loob ng tao. Ano ang nais nito?
a. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili.
b. Nakakahadlang ang kapuwa sa pagkamit ng Malaya.
c. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging Malaya.
d. Ang hadlang sa pagiging Malaya ay sarili niyang pag-uugali.
11. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidisisyon kung ano ang gagawin?
a. Dahil ang tao ay may kilos-loob
b. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya.
c. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya.
d. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito.
12. Aling situwasyon ang nag papakita ng tunay na kalayaan?
a. Nagagawa ni Lala ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.
b. Hindi mahiyain si Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.
c. Nagagawa ni Pedro ang mamasyal anumang oras niya ito gustuhin.
d. Kahit pagod na galing sa trabaho, sinamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay na isugod sa ospital.
13. Bakit kailanganng lumaya ang tao mula sa makasariling interest, pagmamataas, katamaran, at iba pang negatibong pag-uugali?
a. Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaa.
b. Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangiaan.
c. Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.
d. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali.
14. Ang mga sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa:
a. Ito ay sukatan ng kilos
b. Ito ay nauunawaan ng kaisipan
c. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
d. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao
15. Ang sumusunod at mga pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:
a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang ating buhay.
b. Kasam ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak.
c. Bilang rasyonal, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan.
d. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkakamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao.
16. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya mg tao?
a. Upang makilala ng tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang kaniyang kalayaan.
b. Upang matiyak na hindi na magkakaraoon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti at masama sa kaniyang kaisipan.
c. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon.
d. Lahat ng nabanggit.
17. Paano mas mapapalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
a. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti.
b. Kung mapaliligiran ang isnag bata ng mga taong may mabuting impluwensiya.
c. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral
d. Kung nagsanib ang tama at mali.
May suliranin sa pera ang pamilya ni Louie. Isang araw, may dumating na kolektor sa kanilang bahay, ngunit wala silang nakahandang pambayad. Inutusan si Louie ng kaniyang Ina na sabihing wala siya at may mahalagang pinuntahan. Alam niyang dapat sundin ang utos ng ina. Sa kabilang banda, alam din niyang masama ang magsinungaling. Sa pagkakataong ito, ano kaya ang magiging hatol ng konsensiya ni Louie? Ano ang dapat niyang maging pasiya?
18. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ni Luopie batay sa hatool ng kaniyang konsensiya?
a. Iutos sa kapitbahay na sabihing wala ang may-ari ng bahay.
b. Harapin ang kolektor at sabihing wala ang kaniyang ina.
c. Magtago sa silid at hayaang maghintay ang kolektor.
d. Tumawag ng oulis at isuplong ang kolektor.
19. “Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama. Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
a. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya.
b. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya.
c. Maaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang kumiling sa mabuti.
d. Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya
20. Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama. Ngunit ito pa rin ay may subhetibo, personal, at agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan pa kaysa rito. Ano ang itinuturing na pinakamkataas na batayan ng Kilos?
a. Ang Sampung Utos ng Diyos
b. Likas na Batas Moral
c. Batas ng Diyos
d. Batas Positibo
21. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan na kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?
a. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.
b. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.
c. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.
d. Hindi tuloy-yuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya.
22. Ano ang nag-uudyok sa tao para magbigay ng limos?
a. Isip
b. Konsensiya
c. Kilos-loob
d. Damdamin
25. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kamangmangan?
a. Pagbili ng inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galling sa masama.
b. Pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kung makakabuti ito.
c. Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid.
d. Magsinungaling para matigil na ang gulo o hindi pagkakaintindihan.
24. Nagmumula ang konsensiya sa:
a. Kaluluwa
b. Emosyon
c. Isip
d. Pandama
Ang kalayaan ay para lang sa tao.
TAMA
MALI
Ang kalayaan ay kaloob sa tao mula ng sila’y isilang.
TAMA
MALI
Ang kalayaan ay walang limitasyon.
TAMA
MALI
Ang kalayaan ay hiwalay sa pag-iisip, paggawa, pananalita at kilos-loob ng tao.
TAMA
MALI
Hindi kailangan ng kalayaan ang konsensiya.
TAMA
MALI
Ang karapatan ng tao ay hiwalay sa kalayaan ng tao.
TAMA
MALI
Posibleng hadlang o balakid ang kultura sa kalayaan ng tao.
TAMA
MALI
Ang tao ay malayang gumawa ng tama at mali.
TAMA
MALI
Sa lahat ng bagay ay Malaya ang tao.
TAMA
MALI
Ang kalayaan ay pwedeng angkinin o bilhin.
TAMA
MALI
Bakit mahalagang malinaw saiyo ang tunay na kahulugan ng kalayaan?
Explore all questions with a free account