No student devices needed. Know more
50 questions
Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng akademikong sulatin sa aspeto ng organisasyon ng ideya?
A. planado ang ideya
B. sunod-sunod ang estruktura ng pahayag
C. magkakaugnay ang mga ideya
D. obhetibo ang pananaw
Layunin ng akademikong sulatin ang magbigay ng -
A. saloobin
B. palagay
C. impormasyon
D. panig
Ginagamit na ang wikang Filipino sa mga akademikong sulatin sa Humanidades, Agham Panlipunan at Siyensya at Teknolohiya kaya masasabing ito ay isang wikang ___.
A. istandardisado
B. modernisado
C. intelektwalisado
D. lahat ay tama
Akdemikong pagsulat na nakatuon sa pagsusuri ng datos, pagbuo at pagsubok ng isang teorya -
A. abstrak
B. sintesis
C. buod
D. pananaliksik
Si Rodel ay naghanap sa iba't ibang silid-aklatan at websayt upang mapaganda ang pinatutunayang papel. Siya ay-
A. matapat
B. sistematiko
C. mapamaraan
D. responsable
Ang mga sumusunod ay mga batayang katangian ng akademikong sulatin maliban sa –
A. may katangiang organisado at sistematiko
B. may paglalahad ng ideya batay sa karanasan
C. hindi tumutukoy nang direkta sa damdamin
D. may tuon sa katotohanan at patunay
Ano ang pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel?
A. Ang talumpati ay isinulat upang bigkasin samantalang ang posisyong papel ay isinulat upang
basahin lamang.
B. Ang talumpati ay gumagamit ng pagsasalaysay habang ang posisyong papel ay gumagamit naman
ng pangangatwiran.
C. Ang talumpati ay dapat makahikayat, pero ang posisyong papel ay dapat maglarawan ng isang
partikular na isyu.
D. Ang talumpati ay ginagamitan ng paglalarawan samantalang ang posisyong papel ay paglalahad.
Sa pagsasagawa ng akademikong pagsulat, pangunahing isinasaalang-alangang ang pagkakaroon ng kaalamang matatamo lamang sa pamamagitan ng ____________.
A. pagbabasa
B. pananaliksik
C. pagsusulat
D. pakikipanayam
Sa pagsasaayos ng mga datos ayon sa mga bahagi ng teksto, ay dapat isaalang-alangang ang ________ ng wikang kasangkot sapagkat nasa tamang paggamit ng salita at anyo ang ikauunawa ng mensaheng nais ipabatid sa mambabasa.
A. istruktura
B. kaayusan
C. katiyakan
D. kaangkupan
Naisasagawa ng isang mag-aaral ang kaso ng plagiarismo maliban sa isang sitwasyon sa ibaba –
A. paggamit ng footnote o talababa sa halip na talasanggunian
B. hindi pagbanggit sa may-akda ng bahaging sinipi
C. hindi paglalagay ng panipi sa direktang hiniram
D. muling pagpapasa ng sariling papel sa iba-ibang asignatura
Alin sa mga sumusunod na antas at nakahanay sa pananaliksik ang tuon ng akademikong sulatin?
A. damdamin
B. mentalidad
C. saykomotor
D. karanasan
Alin ang HINDI totoo sa isang abstrak?
A. makatatayo bilang isang akademikong sulatin
B. pinaikling pananaliksik
C. binubuo ng 300 hanggang 500 salita
D. ginagamit sa indexing ng pananaliksik
Akademikong pagsulat na ginagamit sa copyright, patent o trademark application.
A. abstrak
B. sintesis
C. talumpati
D. pananaliksik
Ano ang pananaw ng gawaing akademiko?
opinyon
tao at damdamin
obhetibo
subhetibo
Ano ang layunin ng di-akademikong gawain?
sariling opinion
magbigay impormasyon
magbigay ideya
wala sa nabanggit
Anong katangian ng akademikong sulatin ang tinutukoy kapag binabanggit ang pagiging obhetibo, pangatlong panauhan at direktang pagtukoy sa ideya o facts?
A. audience
B. layunin
C. pananaw
D. organisasyon
Lahat ay maaaring maging audience ng isang akademikong sulatin maliban sa isa –
A. publiko
B. iskolar
C. mag-aaral
D. guro
Paano inoorganisa ang ideya ng di-akademikong gawain?
planado
magkakaugnay
may estruktura ang pahayag
hindi malinaw ang estruktura
Sino ang awdyens ng di-akademikong gawain?
iskolar
guro
mag-aaral
publiko
Ano ang pananaw ng di-akademikong gawain?
tumutukoy sa tao
subhetibo
obhetibo
wala sa nabanggit
Ang mga akademikong gawain ay ginagabayan ng –
A. etika
B. karanasan
C. kasanayan
D. common sense
Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalahad?
A. Matangos ang ilong ng babae.
B. May dugong Hapones ang babae.
C. Pulang-pula ang labi ng babae.
D. Makulay ang kasuotan ng babae.
Ito ay estruktura ng tekstong akademikong tumutukoy
sa pagkakasunod-sunod ng ideya.
kronolohikal
sanhi at bunga
hierarkikal
deskripsyon ng paksa
Ito ay estruktura ng tekstong akademikong
tumutukoy sa sekwensya ng mga ideya.
kronolohikal
sanhi at bunga
hierarkikal
deskripsyon ng paksa
Estruktura ng tekstong akademiko na nagagamit para pagbatayan ang mga ebidensya at katuwiran sa teksto.
deskripsyon ng paksa
Pagkakasunud-sunod
problema at solusyon
sanhi at bunga
Ito ay estruktura ng akademikong teksto na may pagkakapareho at/o pagkakaiba ng mga datos upang pagtibayin ang katuwiran.
deskripsyon ng paksa
Pagkakasunud-sunod
problema at solusyon
pahkokompara
Estruktura ng tekstong akademiko na inuuugnay ang paksa at mga ideya sa tunay na nagaganap sa buhay.
aplikasyon
pagkakasunud-sunod
pagkokompara
problema at solusyon
Alin sa mga sumusunod sa tekstong akademikong estratehiya ang hindi dapat mapabilang?
maingat
replektibo
aktibo
lahat ng nabanggit
Sa pagiging maparaan sa mapanuring pagbasa, alin sa mga nabanggit ang hindi dapat mapabilang.
pre-viewing
scanning
skimming
brainstorming
Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI nangangatwiran?
A. Dapat wakasan na ang korapsyon sa bansa
B. Hindi talaga mawakasan ang korapsyon sa bansa
C. Mahalagang wakasan ang korapsyon para umunlad ang bansa
D. Lahat ay tama
Ano ang pagkakatulad ng paglalarawan at pagsasalaysay?
A. Hindi maaaring gamitin sa posisyong papel.
B. Gamitin bilang mga ebidensya sa argumento
C. Ginagamit sa pagkukwento ng mga pangyayari.
D. Lahat ay tama
Alin sa sumusunod ang maaaring gamiting matibay na ebidensya para sa argumento?
A. narinig na kwento
B. balitang napanood
C. sariling karanasan
D. naobserbahan sa komunidad
Uri ng sintesis na ayon sa tema at hindi batay sa sanggunian –
A. thesis-driven synthesis
B. background synthesis
C. synthesis for the literature
D. explanatory synthesis
Kung ang posisyong papel ay may layuning mangumbinsi, ang talumpati naman ay-
A. magsalaysay
B. maglarawan
C. mangatuwiran
D. manghikayat
Sulating naglalarawan sa may-akda ng aklat, magasin, dyornal, blog, at iba pa sa maikling paraan.
A. abstrak
B. biyograpiya
C. sinopsis
D. bionote
Kung ang sulatin ay may pamagat, simula, gitna at wakas, ang katangiang ipinakikita nito ay _________.
A. may pokus
B. pormal
C. obhetibo
D. organisado
Inilalahad sa sulating ito ang mga nais matamo, mga layunin at kahalagahan ng proyekto -
A. sintesis
B. bionote
C. talumpati
D. panukalang proyekto
Pagpapayahag ito ng kaisipan, pananaw, at saloobin hinggil sa isang partikular na paksa sa harap ng madla sa paraang pasalita.
A. agenda
B. talumpati
C. bionote
D. travelogue
Ang mga sumusunod ay gamit ng abstrak MALIBAN sa __________.
A. ipinapasa sa nagtatawag ng pananaliksik para sa forum, kumperensiya, o seminar
B. inilalagay pagkatapos ng dahong pamagat sa pananaliksik na ginawa
C. unang binabasa ng panel sa presentasyon ng pananaliksik
D. isinusulat upang ipakilala ang kredibilidad ng sumulat
Hakbang sa pagsulat kung saan muling isinusulat ang mga iwinastong sulatin.
A. panimulang pagsulat
B. pagbuburador
C. pag-eedit
D. pagrerebisa
Unang hakbang na dapat isaalang-alang sa paggawa ng panukalang proyekto -
A. pag-umpisa sa pagsulat ng panukalang proyekto
B. pagtatala ng mga suliraning kailangang lutasin
C. pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad
D. maglaan ng pondo para sa badyet
Alin sa mga sumusunod ang maiuugnay sa pagsasalaysay at paglalarawan sa sulating akademiko?
A. abstrak
B. talambuhay
C. sintesis
D.balangkas
Sulating kaugnay ng displina o larangan at isinusulat sa paraang iskolarli.
A. akademikong sulatin
B. teknikal na sulatin
C. malikhaing sulatin
D. pampahayagang sulatin
Ano ang nililinaw ng Republic Act No. 8293 dito sa ating bansa?
Karapatan at obligasyon ng matatanda
Karapatan at obligasyon ng mayayaman
Karapatan at obligasyon ng may-akda
Karapatan at obligasyon ng mamimili
Ito ay siksik at pinaikling bersyon ng teksto.
buod
hawig
ubod
sinopsis
Ipinapahayag sa sariling pangungusap ang mga pangunahing ideya ngunit nagkakaiba ito sa pinipiling pahayag.
buod
hawig
ubod
synopsis
Isa itong pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon.
buod
hawig
ubod
synopsis
Ito ay buod nang buod.
buod
hawig
presi
lagom
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa sakop ng Agham Panlipunan?
A. Heograpiya
B. Abogasya
C. Wika
D. Sikolohiya
Uri ito ng talumpati kung saan binibigyan ng ilang minuto ang mananalumpati upang makabuo ng ideyang ipahahayag?
A. impromptu
B. extempore
C. daglian
D. isinaulo
Explore all questions with a free account