25 questions
Tumutukoy sa paggamit ng mga konsyumer ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang kanilang mga kagustuhan
Kakapusan
Kagustuhan
Pangangailangan
Pagkonsumo
Tumutukoy sa mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan.
Barter
Consumer
Distributor
Operator
Ano ang tawag sa tumutukoy sa sukat ng kasiyahan o satispaksyon sa pagkonsumo ng produkto at serbisyo?
Utility
Marginal Utility
Total Utility
Diminishing Utility
Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng salik na nakaiimpluwensiya sa pagkonsumo?
Kita
Okasyon
Ugali
Panlasa
Ito ay tumutukoy sa halaga ng mga produkto at serbisyo.
(It refers to the amount of products and services)
Budget
Price
Tag
Utility
Bakit kumokunsumo ang tao?
Upang tugunan ang kaniyang mga pangangailangan at kagustuhan
Upang makiuso
Upang may maipagmalaki sa social media
Upang tumulong mga mga lokal na negosyo
Sitwasyon:
Bumili si Charles ng iba't ibang laruan ngunit itinambak lang sa kaniyang silid. Anong uri ng pagkonsumo ang inilalarawan nito?
Tuwiran
Mapanganib
Maaksaya
Lantad
Piliin ang LAHAT ng mga larawan na nagpapakita ng halimbawa ng MAPANGANIB NA PAGKONSUMO.
Kung magkakaroon ka ng trabaho at may pamilya na sa hinaharap, paano mo maiiwasan ang pagkabaon sa utang?
Walang problema kung may utang dahil bahagi ito sa buhay ng tao.
Huwag isipin kung gaano katagal bayaran ang utang dahil may trabaho ka naman.
Maaaring humingi ng tulong pinansiyal sa kamag-anak kapag kapos sa pera.
Huwag gumastos ng higit pa sa kinita. Mag-impok.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng magandang epekto ng pag-aanunsiyo?
Bumili ng bagong smart phone si Ruby dahil mas bago ang mga features nito.
Pinili ni Stephen ang produktong mura ngunit maganda ang kalidad.
Binili agad ni Sheildon ang limited edition ng bag sa online shop.
Paboritong artista ni Ethan si Alden Richards kaya bumili siya sa produktong ini-endorso nito.
Si Camille ay bumili ng isang kilong bigas upang iluto para maipakain sa kanyang pamilya, anong uri ng pagkonsumo ito?
Lantad
Produktibo
Tuwiran
Nakapipinsala
Si Benj ay bumili ng alak na kaniyang ipinainom sa kanyang mga kaibigan na dumalo sa kanyang kaarawan. Anong uri ng pagkonsumo ito?
Lantad
Produktibo
Tuwiran
mapanganib
Si Kevin ay bumili ng bagong sapatos at tinignan niyang mabuti kung ito ba ay sakto sa kanyang paa at walang depekto sa pagkakagawa. Anong karapatan ang ipinamalas ni Kevin?
Karapatan sa Kaligtasan
Karapatan na Pumili
Karapatan sa Pangunahing Pangangailangan
Karapatang Dinggin
Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng salik na nakaiimpluwensiya sa pagkonsumo?
Kita
Okasyon
Ugali
Panlasa
Alin sa mga sumusunod ang mali sa mga pangungusap tungkol sa pangangailangan at kagustuhan?
Ang kagustuhan ay tinutugunang ang satispaksyon lamang ng ating sarili.
Ang pangangailangan ay ang mga bagay na kailangan mo para mabuhay.
Nagiging kagustuhan ang pangangailangan
Wala sa nabanggit
Ang mga taong bumibili ng produkto at serbisyo ay tinatawag na konsyumer.
Tama
Mali
Tama o Mali. Habang lumalaki ang kita ng tao, lumalaki rin ang kaniyang kagustuhan at kakayahang kumonsumo
Tama
Mali
Tama o Mali. Kung mataas ang presyo ng isang produkto o serbisyo, kadalasang marami ang kumokunsumo nito
Tama
Mali
Tama o Mali. Nag-iiba ang mga produkto o serbisyong ikokonsumo ng isang pamilya batay sa bilang ng mga miyembro ng pamilya, antas ng edukasyon, at trabaho
Tama
Mali
Tama o Mali. Si Nelia ay bumili at gumamit ng make-up na inendorso ng isang artista, ito ay maituturing na demonstration effect .
Tama
Mali
Ang pagkonsumo ay ang pagbili at paggamit ng produkto o serbisyo na magbibigay ng _________ sa tao.
Ang paggaya ng mga tao sa kanilang naririnig, nakikita at napapanood sa iba't ibang uri ng media na nakaaapekto sa pagkonsumo ng tao ay tinatawag na ______.
Sa nakikita, naririnig at napapanood ng tao sa facebook, twitter at instagram, malaki ang impluwensya nito sa kanilang pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo. Ito ay halimbawa ng mga makapangyarihang __________ ng ating lipunan.
Ang ______ ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay. Kapag mababa ang sahod ng isang tao ay nangangahulugan ng pagbaba rin ng kanyang kakayahan na kumonsumo.
Sa murang edad, si Juanito ay natutong manigarilyo kasama ng mga barkada. Anong uri ito ng pagkonsumo?