No student devices needed. Know more
10 questions
Ang labis na pagkamahiyain ay nagiging balakid sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili.
Tama
Mali
Ang pagpapaunlad ng ating talento at sarili ay isang pagpapakita ng pagmamahal sa ating sarili.
Tama
Mali
Dapat nating ikumpara ang ating sarili at talento sa ibang tao para ipakita sa lahat kung sino ang may angking kagalingan.
Tama
Mali
Tayo ay indibidwal kaya ang tao ay may kani-kaniyang angking talento at kakayahan na maaari nating gamitin para makapagpasaya tayo ng ibang tao.
Tama
Mali
Ang pagtitiwala sa sarili na gumawa ng isang bagay ay lubos na makakaangkin ng isang tunay na kasiyahan sa paggawa.
Tama
Mali
Mahalaga para sa isang bata ang magkaroon ng _______ sa sarili upang magampanan ng maayos ang sariling hilig at talento.
talino
tiwala
tikas ng tindig
tibay ng loob
Ang pagtitiwala sa sarili ay isang uri ng __________.
inspirasyon
ugali ng tao
motibasyon
paniniwala ng tao
Ikaw ang napiling lalahok sa paligsahan sa tula ngunit isa kang mahiyaing bata. Ano ang gagawin mo?
Hihinto na lang ako sa pag-aaral
Iiyak ako para maawa sa akin ang aking guro
Ipapasa ko ito sa aking kaklase na mahusay sa pagharap sa tao
Tatanggapin ko, mag-eensayo ako araw-araw, at magiging positibo
Magaling kang kumanta. Ikaw ay nanalo na sa mga patimpalak ng dalawang beses, pero sa pagkakataong ito bigla kang pumiyok habang kumakanta. Ano ang maaari mong gawin?
Iiyak ako ng malakas
Titigil ako sa pag-awit
Tatakbo ako palayo
Ipagpapatuloy ko ang pag-awit at babalewalain ang isang munting pagkakamali
Matibay ang iyong paniniwala sa iyong sarili at sa angking kakayahan pero iba ang pagkakaintindi dito ng iyong mga kaklase dahil ang tingin nila sa iyo ay mayabang kaya't madalas ka nilang tinutukso. Paano mo papatunayan sa kanila na hindi ka ganoong klaseng bata?
Hindi ko na sila papansinin
Hindi ko na sila kakausapin
Aawayin ko sila para tigilan na nila ako
Tatahimik na lang at pananatilihing mabuti ang pakikitungo sa kanila
Explore all questions with a free account