No student devices needed. Know more
30 questions
PANGKALAHATANG PANUTO:
Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang letra ng wastong sagot
TALASALITAAN: Piliin ang kasalungat ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
1. Lubhang hinahangaan ng mga kabataan ang sikat na artista.
A. iniidolo
B. itinatangi
C. binabalewala
D. pinuri
TALASALITAAN : Piliin ang kasalungat ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
2. Ang ating mga bayani ang naging daan upang maisiwalat ang kaapihang dinadanas ng mga Pilipino sa Panahon ng mga Kastila.
A.maipaghiyawan
B. maisapubliko
C. mailihim
D. maisatinig
TALASALITAAN : Piliin ang kasalungat ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
3. Sa Panahon ng Hapon ipinapinid ng mga Hapones ang mga pahayagan.
A.ipinabukas
B. ipinasara
C. ipinatikom
D. ipinatago
TALASALITAAN : Piliin ang kasalungat ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
4. Natalos ng bata ang kanyang maling ginawa kaya ito humingi ng tawad sa ina.
A. nabatid
B. nalaman
C. napagtanto
D. nakalimutan
TALASALITAAN : Piliin ang kasalungat ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap
5. Dinaanan ng salot na balang ang palayan ni Kunto.
A.biyaya
B. hadlang
C. malas
D. sumpa
B. Tukuyin ang mahalagang impormasyong hinihingi ng bawat aytem.
6. Sangkap ng dula na itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula
A. aktor
B. eksena
C. iskrip
D. tanghalan
7. Maingat na pagpapahayag ng damdamin, kuro-kuro, saloobin at kaisipan ng may-akda hinggil sa isang mahalagang paksa na kapupulutan ng aral; gumagamit ng piling-piling salita at may tonong mapitagan.
A. maanyong sanaysay
B. dagli
C. talumpati
D. malayang sanaysay
8. Nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari
A. alamat
B. dula
C. maikling kuwento
D. sanaysay
9. Isang uri ng panitikan na nagdedebate sa pamamaraang patula
A. balagtasan
B. dula
C. sanaysay
D. sarsuwela
10. Isang uri ng dulang musikal na sinasaliwan ng awit at tumatalakay sa mahahalagang paksang panlipunan.
A. balagtasan
B. duplo
C. sarsuwela
D. talumpati
11. Ang tagpuan, kapaligiran ng isang pook, pamumuhay at ang mga kaugalian at gawi sa lugar ang binibigyang-diin sa uri ng kuwentong ito.
A. kuwento ng kababalaghan
B. kuwento ng katutubong kulay
C. kuwentong bayan
D. kuwentong katatawanan
12.Siya ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento.
A. Deogracias A. Rosario
B. Liwayway Arceo
C. Narciso Reyes
D. Rogelio Sicat
13. Ito ay bahagi ng kuwentong nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapanabikan o interes sa mambabasa.
A. kakintalan
B. kasukdulan
C. kakalasan
D. wakas
14. Ito ang tawag sa mga pahayag o ideyang hindi lantad o hayag ang kahulugang nais iparating ng mga manunulat sa Maikling Kuwento.
A. larawang-diwa
B. pahiwatig
C. simbolismo
D. kakintalan
15. Ito ang petsa ng kauna-unahang pagtatanghal ng balagtasan.
A. Abril 2, 1924
B. Abril 4, 1924
C. Abril 5, 1924
D. Abril 6, 1924
A. PAG-UNAWA SA BINASA: Basahin at unawaing mabuti ang teksto.Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga tanong.
“ Masamang isukat ang damit pangkasal,at di matutuloy pagharap sa altar.”
16.Ang binasang-karunungang-bayan ay isang ____________.
A.salawikain
B. kasabihan
C. sawikain
D. bugtong
“ Masamang isukat ang damit pangkasal,at di matutuloy pagharap sa altar.”
17.Masasalamin sa pahayag ang kanilang__________________.
A.Damdamin
B.Pamhiin
C. pagdiriwang
D. pananampalataya
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad.Matagal na natigilan si Kunto.Bagamat siya’y malakas at matapang,sinagilihan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabhin ng kanyang nakita.Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana.Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas.
18.Ang binasang teksto ay nasa bahaging ______________ ng banghay.
A. simula
B. papataas na aksyon
C. kasukdulan
D. wakas
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad.Matagal na natigilan si Kunto.Bagamat siya’y malakas at matapang,sinagilihan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabhin ng kanyang nakita.Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana.Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas.
19.Anong uri ng tunggalian ang ipinapakita sa binasang bahagi ng akda?
A. tao sa tao
B. tao sa kalikasan
C. tao sa sarili
D. tao sa lipunan
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad.Matagal na natigilan si Kunto.Bagamat siya’y malakas at matapang,sinagilihan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabhin ng kanyang nakita.Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana.Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas.
20.Anong ugaling Pilipino na dapat nating tularan ang masasalamin sa binasang bahagi ng
akda?
A.paniniwala sa mga pamahiin
B.pagkakaroon ng matalas na pakiramdam
C.pagpapaliban ng gawain kung kinakailangan
D.pagsangguni sa higit na may karanasan at kaalaman
Ang sabi ni Rizal: “Ang edukasyon ay siyang lupa at ang kalayaan ay siyang araw ng sangkatauhan.Kung walang edukasyon at walang kalayaan,walang pagbabagong maisasagawa,walang hakbang na makapagdudulot ng bungang ninanais”.
-Halaw sa “Katamaran ng mga Pilipino ni Dr.Jose P.Rizal
21.Ano ang mensahe ng pahayag ni Rizal?
A. Ang edukasyon at kalayaan ay mahalaga sa buong sangkatauhan.
B. Mahalaga ang edukasyon at kalayaan sa pagtatamo ng pagbabagong inaasam.
C. Mahalaga ang edukasyom at kalayaan sa pagtatamo ng kaunlaran ng bawat bayan.
D. Ang edukasyon at kalayaan ay katulad ng lupa at araw na dapat pahalagahan ng
isang bayan.
II. WIKA
A. Isulat ang letrang O kung OPINYON at K kung KATOTOHANAN ang isinasaad ng bawat pangungusap.
22.Hanggang sa kasalukuyan ay marami pa rin ang nagtatanong kung karapat-dapat bang ituloy ang programang Kto12.
O (OPINYON)
K (KATOTOHANAN)
A. Isulat ang letrang O kung OPINYON at K kung KATOTOHANAN ang isinasaad ng bawat pangungusap.
23.Ayon sa kanila, hindi praktikal na dagdagan ng dalawang taon ang hayskul.
O (OPINYON)
K (KATOTOHANAN)
A. Isulat ang letrang O kung OPINYON at K kung KATOTOHANAN ang isinasaad ng bawat pangungusap.
24.Para naman sa akin, higit na maraming kaalamang matatamo ang mga mag-aaral sa dalawang taong dagdag sa pag-aaral.
O (OPINYON)
K (KATOTOHANAN)
A. Isulat ang letrang O kung OPINYON at K kung KATOTOHANAN ang isinasaad ng bawat pangungusap.
25.Sinabi ni Kalihim Bro. Luistro Armin na paiigtingin ang vocational courses sa dagdag na dalawang taon upang higit na maging mahuhusay ang mga kabataang magtatapos sa hayskul.
O (OPINYON)
K (KATOTOHANAN)
B. Pagkilala sa Pang-abay: Tukuyin kung ang uri ng pang-abay sa mga sumusunod na pangungusap
26.Walang takot na hinarap niya ang matinding pagsubok na dumating sa kanyang buhay.
A. pamaraan
B.pamanahon
C. Panlunan
B. Pagkilala sa Pang-abay: Tukuyin kung ang uri ng pang-abay sa mga sumusunod na pangungusap
27.Maraming mag-aaral ang nakapasa sa pagsusulit na ibinigay sa UP.
A.Pamaraan
B.Pamanahon
C.Panlunan
B. Pagkilala sa Pang-abay: Tukuyin kung ang uri ng pang-abay sa mga sumusunod na pangungusap
28.Sa susunod na Biyernes ay luluwas kami ng Maynila.
A.Pamaraan
B. Pamanahon
C. Panlunan
B. Pagkilala sa Pang-abay: Tukuyin kung ang uri ng pang-abay sa mga sumusunod na pangungusap
29.Buong husay na nag-ulat ang kanyang mga mag-aaral patungkol sa paksang-aralin.
A.Pamaraan
B.Pamanahon
C.Panlunan
B. Pagkilala sa Pang-abay: Tukuyin kung ang uri ng pang-abay sa mga sumusunod na pangungusap.
30.Nagtungo ang mahal na pangulo sa mga kababayan natin sa Mindanao
A. Pamaraan
B.Pamanahon
C.Panlunan
Explore all questions with a free account