No student devices needed. Know more
10 questions
Ang sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata sa kanyang sarili maliban sa:
Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig
Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap
Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito
Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga/Pagbibinata
”Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay, para sa sarili lamang”. Ano ang pinakaangkop na pakahulugan sa katagang ito?
Ang lahat ng tao ay may pananagutan sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa.
Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang kapwa.
Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang kanyang sarili para sa kanyang kapwa.
Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang kanyang sarili sa kanyang kakayahang makipagkapwa.
Bakit mahalagang tuparin ang tungkulin sa pamayanan?
May gampanin ang lahat sa kapwa na bahagi ng lipunan.
Makatutulong ito upang maramdaman na ikaw ay kabahagi ng lipunan.
Magiging ganap lamang ang lipunan kung makikibahagi lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.
Mahuhubog ang kakayahan ng tao sa pamumuno kung maglilingkod siya sa pamayanan.
Si Jamir ay madalas na nakikipagtalo sa kanyang kapatid. Para silang aso’t pusa sa dalas ng kanilang pag-aaway. Madalas na sumasama ang loob ng kanilang ina dahil sa kanilang hindi magandang pagpapalitan ng mga salita. Ano ang makatwirang magagawa ni Jamir?
Umiwas sa kanyang kapatid upang hindi na sila magtalo.
Hanapin ang dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo at kausapin ang kapatid upang iwasan na itong gawin.
Pag-aralang pakitunguhan ang kanyang kapatid katulad ng pakikitungo niya sa ibang kakilala at mga kaibigan.
Maging handa na ipakita ang pagmamahal sa kapatid sa panahong kapwa na sila handa na kalimutan ang mga nakaraang pagtatalo.
Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata?
Matitiyak ang kaganapan ng pagkatao.
Tataglayin ang kakayahan na harapin ang susunod na yugto ng buhay.
Matitiyak ang tagumpay sa pagharap sa hamon ng pagiging isang dalaga/binata.
Magkakaroon ng mga kakayahang kailangan upang maging isang magandang halimbawa sa kapwa kabataan.
Wika ng isang manunulat sa pilosopiya, ”Ang isang taong tumatalikod sa pananagutan ay maaaring maihalintulad sa isang taong naglalakad ng walang ulo.” Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na ito?
Ang hindi tumutupad nang matapat sa kanyang mga tungkulin ay walang maaaring maipagmalaki kaninuman.
Ang kahihiyan na dulot ng di pagtupad sa mga tungkulin ay nakababawassa dignidad ng tao.
Tinatanggal ng kawalan ng pananagutan ang paggalang ng lahat ng tao sa pagkatao ng tao.
Maaaring mahusgahan ng kapwa ang taong hindi marunong tumupad sa kanyang mga tungkulin.
Ano ng pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?
Pataasin ang marka
Pagyamanin ang kakayahang mag-isip
Matutuhang lutasin ang sariling mga suliranin
Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto
Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan?
Makikinabang nang lubos ang mga henerasyong darating
Mapangangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang pangangailangan ng lahat ng tao
Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at ang paulit-ulit na mga kalamidad
Lahat ng nabanggit
Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga magulang?
Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan
Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na kanilang naibigay.
Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa walang pagdaramot na pagtulong sa pamilya
Ang magsilbing isang magandang halimbawa sa kanyang mga kapatid
Mula nang nagdalaga si Jasmin ay palagi na silang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang ina. Madalas na sumasama ang kanyang loob sa tuwing siya ay napagsasabihan at napagbabawalan sa mga bagay na alam niyang hindi na nararapat na pakialaman ng kanyang ina.
Ano ang pinakamakatuwirang magagawa ni Jasmin?
Kausapin ang kanyang ama upang sabihin sa kanyang ina ang kanyang saloobin.
Gumawa ng paraan upang mabuksan ang maayos na komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kanyang ina.
Ibahagi na lamang sa kanyang mga kaibigan ang kanyang sama ng loob at matapos ito ay kalimutan na ang sama ng loob.
Palaging isaisip na bilang anak kailangan niyang sumunod sa kanyang magulang sa lahat ng pagkakataon dahil sila ang nakatatanda
Explore all questions with a free account