No student devices needed. Know more
20 questions
Ito ay tumutukoy sa anomang bagay o pangyayari na nakapagdudulot ng kapahamakan, pinsala, o sakuna.
hazard
lindol
likas na kalamidad
Ito ay mapang nagpapakita ng distribusyon ng mga sakuna sa isang lugar o bansa.
political map
hazard map
climate map
Ito ay tumutukoy sa mga sakuna na dulot ng kalikasan at hindi maaaring mapigilan.
likas na kalamidad
hazard
bagyo
Ito ay ang malakas na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat.
daluyong
tsunami
bagyo
Ito ay ang biglaang pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat dulot ng pagbabago sa presyur ng alapaap at malakas na hangin.
bagyo
lahar
daluyong
Ito ay ang naipong tubig sanhi nang walang tigil na pag-ulan.
baha
daluyong
landslide
Ito ay ang biglaan at mabilis na pag-uga ng lupa dulot ng paggalaw, pagbiyak, at pagkikiskisan ng mga bato sa crust ng mundo.
baha
lindol
tsunami
Ito ay kaugnay na sakuna na hatid ng lindol. Ito ay ang biglaang pag-alon o pagtaas ng tubig sa dagat na sanhi ng paggalaw ng lupa sa ilalim nito.
daluyong
tsunami
bagyo
Ito ay ang pagdausdos ng lupa, bato, o putik pababa ng bundok.
baha
lahar
landslide
Ito ay rumaragasang putik ng pinaghalong tubig at bulkanik na materyal.
lindol
tsunami
lahar
Ugaliing makinig sa balita tungkol sa mga kalamidad na maaaring dumating.
Tama
Mali
Huwag nang makibahagi sa mga ginaganap na Earthquake Drill sa paaralan dahil nakakapagod lamang ito.
Tama
Mali
Mga pagkaing de-lata at biskwit ang ilagay sa survival kit dahil hindi madaling mabulok ang mga ito
Tama
Mali
Habang lumilindol, tumakbo palabas ng bahay at maghanap ng punong mapagtataguan.
Tama
Mali
Lumayo sa mga kasangkapan sa bahay na maaaring bumagsak kapag lumilindol.
Tama
Mali
Kung nasa labas ka ng bahay habang nagaganap ang lindol, lumayo sa mga poste ng koryente.
Tama
Mali
Manatili sa tahanan na malapit sa dagat habang lumilindol.
Tama
Mali
Pagkatapos ng lindol, lumabas sa bahay o gusali nang mahinahon at maayos.
Tama
Mali
Humigit-kumulang 20 bagyo ang dumaraan sa Pilipinas kada isang taon.
Tama
Mali
Ang Bulkang Taal ay huling pumutok noong Enero, taong 2020.
Tama
Mali
Explore all questions with a free account