No student devices needed. Know more
25 questions
Puso ko'y nahambal nang aking marinig
bunso, ang tagho'y mo't mapighating hibik
Wala ka anak kong sariling hinagpis
na hindi karamay ang ina mong ibig
Alin sa mga sumusunod na salita ang magkasingkahulugan batay sa saknong na nasa itaas?
Puso - bunso
taghoy - hibik
nahambal - karamay
hinagpis - marinig
Ito ay tumutukoy sa mga salitang magkapareho ang kahulugan na kalimitang ginagamit sa pagbuo ng tula upang magkaroon ng kariktan at talinhaga ang akda.
Sukat
Magkahulugang Salita
Magkatugmang Salita
Kariktan at Talinhaga
Katitibay ka tulos
Sakaling datnang agos
Ako’y mumunting lumot
Sa iyo’y pupulupot
Anong anyo ng panitikan ang tinutukoy ng saknong na nasa itaas?
Tradisyonal na Tula
Malayang Taludturan o Free Verse
Walang Sukat ngunit may Tugma
May sukat ngunit way Tugma
Ang salitang "Pantun" ay nagmula sa bansang Malaysia na nangangahulugang?
Tula
Akdang Pampanitikan
Pag-ibig
Tradisyonal na Tula
Ang "Pantun" ay maihahalintulad sa anong akdang Pampanitikan ng Pilipinas?
Haiku
Free Verse
Tanaga
Tula
Ano ang tawag sa babaeng tagapamagitan ng BALAGTASAN?
Bilyako
Bilyaka
Lakandiwa
Lakambini
Ito ang makabagong balagtasan sa Pilipinas na gumagamit ng mga salitang di katanggap-tanggap sa lipunan.
Duplo
Balagtasan
Rap Battle
Chismisan
Ano ang tawag sa mga lalaking manlalaro sa DUPLO?
Bilyako
Bilyaka
Lakandiwa
Lakambini
Ang Karagatan ay isang uri ng paligsahan sa pagtutula at kilala rin ito sa tawag na libangang tanghalan, sa kadahilanang?
Dahil ito ay ginaganap sa tuwing may lamay
Dahil ito ay paraan upang matanggal ang kanilang inip
Dahil ito ay nakakatanggal ng lungkot sa mga kaanak ng pumanaw
Lahat ng nabanggit
Ano ang pinakapaksa ng tulang patnigan na "Karagatan"?
Ito ay tungkol sa singsing ng isang dalaga na di umano’y nahulog sa gitna ng karagatan
Ito ay tungkol sa isang prinsesa na nahulugan ng daliri sa karagatan
Ito ay tungkol sa paligsahan ng mga kalalakihan upang makuha ang loob ng prinsesa
Ito ay tungkol sa lalaking sisisid sa ilalim ng karagatan
Ang Tulang Patnigan ay isang uri ng tula na sagutan itinatanghal ng magkatunggaling makata at sa paraang padula.
Tama, dahil ito ay patungkol sa sagutan na mga makata na nangangailangan ng madudulang damdamin
Tama, dahil ito ay nagpapahayag ng damdamin batay sa mga binibigkas ng mga makata
Mali, dahil hindi ito itinatanghal sa paraang padula
Mali, dahil ito ay itinatanghal para sa mga taong naiinip lamang
Sa isang madilim gubat na mapanglaw
Dawag na matinik ay walang pagitan
Halos naghihirap ang kay Febong silang
Dumalaw sa loob na lubhang masukal
Anong uri ng tulang pasalaysay ang nasa itaas?
Awit
Korido
Epiko
Oda
Ang akdang "Ibong Adarna" ay isang magandang halimbawa ng anong uri ng tula?
Awit
Korido
Epiko
Alamat
Ito ay isang tulang romansa (metrical Romance) na may sukat na labindalawang pantig (12) bawat taludtod na kalimitang ang pangunahing paksa ay patungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay.
Awit
Korido
Soneto
Epiko
Ako'y isang anak hamak,
taong lupa ang katawan
Mahina ang kaisipan,
at maulap ang pananaw
Anong uri ng tula ang nasa saknong sa itaas?
Tulang Liriko - Soneto
Tulang Pasalaysay - Awit
Tulang Liriko - Elehiya
Tulang Pasalaysay - Korido
Ito ay tumutukoy sa mga pinapaksang mga importante at mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, kagitingan at kabayanihan ng isang tauhan.
Tulang Damdamin
Tulang Liriko
Tulang Pasalaysay
Tulang Patnigan
Ito ay tumutukoy sa tulang damdamin na nagpapakita ng luwalhati, kaligayahan, o pagpapasalamat.
Soneto
Oda
Dalit
Elehiya
Kung ang kamataya’y isang panibagong paglalakbay aking Inay
Sa iyong pagtawid ala-ala nami’y baunin
Pagmamahal mo, pagkalinga,
mga pagtitiis at pagdurusa
Anong uri ng tulang pasalaysay ang nasa itaas?
Soneto
Oda
Elehiya
Dalit
Ito ay isang tula na nakatuon sa pagbibigay ng papuri o dedikasyon sa isang tao, bagay, o anumang elemento.
Soneto
Oda
Dalit
Elehiya
Ilang pantig sa bawat taludtod ang binubuo ng isang soneto?
labing isang pantig
labindalawang pantig
labintatlong pantig
labing apat na pantig
Alin sa mga sumusunod ang HINDI uri ng isang tula?
Tulang Liriko
Tulang Patnigan
Tulang Pantanghalan
Tulang Damdamin
Ito ang pinakalumang anyo ng tula sa Pilipinas.
Malayang Taludturan o Free Verse
Tradisyonal na Tula
May Sukat ngunit walang Tugma
May Tugma ngunit walang Sukat
O Diyos sa kalangitan,
Hari ng sangkalupaan
Diyos na walang kapantay
Mabait, lubhang maalam
At puno ng katarungan
Anong uri ng taludturan ang nasa itaas?
Quatrain
Quintet
Sestet
Couplet
Magbigay ng isang halimbawa ng elemento ng tula
Ito ay nagpapaganda sa dating ng isang tula lalo na kapag ito ay binibigkas o pinakikinggan.
Explore all questions with a free account