No student devices needed. Know more
30 questions
Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang tao. Ito ay nangangahulugang:
Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao
Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mg kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng pagkatao.
Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba
Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito
Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.
Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-tangi ng mga kabilang nito.
Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samatalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.
Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin.
Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.
Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:
Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa
Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan
Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
Kapayapaan
Katiwasayan
Paggalang sa indibidwal na tao
Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
“Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.” Ang mga katagang ito ay winika ni:
Aristotle
St. Thomas Aquinas
John F. Kennedy
Bill Clinton
Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
Kapayapaan
Kabutihang panlahat
Katiwasayan
Kasaganaan
Ano ang kabutihang panlahat?
Kabutihan ng lahat ng tao
Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:
Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan
Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan
Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal
Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin
Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay:
Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatan ng tao
Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na Batas
Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal
Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat
Ang sumusunod ay mga elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
Kapayapaan
Paggalang sa indibidwal na tao
Katiwasayan
Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
Ano ang tunay na tunguhin ng kabutihang panlahat?
Kabutihan ng lahat ng tao
Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng isang mapayapa na lipunan?
Tahimik ang lugar ni Adam dahil kaunti lang ang mga tao dito.
Mapayapa ang lugar ni Lyka dahil sa curfew tuwing gabi.
Umiiral ang paggalang at katarungan sa lugar ni Melvin.
May presensiya ng martial law sa aming lugar.
Alam ni Goku na mahalaga sa pakikipagkapuwa ang pagmamahal. Ano ang gagawin niya?
Igagalang ang mga mayamang tao.
Igagalang ang mga guro niya ngayon sa Baitang 9.
Tulungan ang mga taong makapagbigay ng anomang kapalit.
Tulungan ang mga nangangailangan na hindi naghihintay ng gantimpala
Aling sitwasiyon ang hindi nagpapakita ng kabutihang panlahat?
Ibinabahagi ni Art ang kaniyang mga sagot sa kaniyang katabi.
Nag-aaral si Allan upang makapagsilbi sa kaniyang lipunan bilang doktor.
Pina-iiral ang 4 P’s upang makatulong sa mga kababayang naghihirap sa buhay.
Isinakripisyo ng mga bayani ang kanilang buhay upang makamtan ang kalayaan.
Paano isasabuhay ni Asta ang pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat?
Itapon ang basura sa tamang lalagyan
Magdasal araw-araw para patnubayan ng Diyos
Tulungan ang mga magulang sa gawaing bahay
Linangin ang sarili para umunlad bilang tao at maibahagi ang sarili sa iba
Bakit kailangan ng bawat isa sa atin na kumilos upang makamit ang kabutihang panlahat?
Dahil may kani-kaniya tayong kakayahan, katayuan at kinalalagyan sa lipunan
Dahil ayaw nating magkaroon ng tamad sa lipunan
Dahil hindi tayo mabubuhay na mag-isa lamang
Dahil may karapatan tayong kumilos
Ang tunguhin ng lipunan ay dapat tunguhin ng bawat indibidwal. Sang-ayon ka ba rito?
Oo, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.
Oo, dahil sa ganitong paraan matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
Hindi, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat indibidwal.
Hindi, dahil ang bawat indibidwal ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.
Misyon ng tao ang pagpananatili ng kabutihang panlahat. Alin dito ang hindi totoo?
Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan.
A.Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
Ang bawat indibidwal ay nararapat mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan.
Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya.
Ano ang pinakamabisang solusyon sa problema ng kahirapan?
Education for All (EFA)
Sagip Kapamilya Foundation (SKF)
Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s)
Philippine Health Insurance Corporation (Phil. Health)
Ang tao ay panlipunang nilalang.
fact
bluff
Ang tao ay umiiral dahil sa lipunan.
fact
bluff
Ang ating gawain ay panlipunan dahil natutunan natin ito sa sarili natin.
fact
bluff
Ang pagnanais mo na mapag-isa ay panlipunang gawain.
fact
bluff
Ang lipunan ay grupo ng tao na may iisang kayunin o tunguhin.
fact
bluff
Ang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na may pareprehong interes, ugali, pagpapahalaga na bahagi ng isang particular na lugar.
fact
bluff
Isang dahilan kung bakit nais ng tao mamuhay sa lipunan at nilikhang perpekto dahil likas sa tao na magbahagi sa kanyang kapuwa ng kaalaman at pagmamahal.
fact
bluff
Ginusto ng tao na mamuhay sa lipunan dahil sa kaniyang pangangailangan o kakulangan sa material na kalikasan.
fact
bluff
Makakamit ng tao ang layunin ng kaniyang pagkalikha sa pamamagitan ng indibidwalismo.
fact
bluff
Ang kilos ng isang tao ay naiimpluwesyahan ng lipunang kinabibilangan nito.
fact
bluff
Explore all questions with a free account