No student devices needed. Know more
20 questions
Dahil malapit ang Pilipinas sa ekwador, ang ating klima ay tropikal, ano ang ibig sabihin nito?
Tumatanggap ang Pilipinas ng tuwirang sikat ng araw
Katamtamang init ng araw lamang ang tinatanggap nito
Hindi ito nakakatanggap ng init ng araw
Napakalamig ng klima sa Pilipinas
Sinasabing Austronesyano ang ninuno ng mga Pilipino dahil sa anong kadahilanan?
Pagkalat ng wika at kultura ng mga Austronesyano sa Pilipinas
Sa kanilang paglipat-lipat ng tirahan sa ibat ibang bahagi ng kapuluan
Mga natagpuang labi ng mga Austronesyano sa Taiwan at Pilipinas
Lahat ng nabanggit
Sila ang pinakamataas na antas sa lipunan, sila ang nagsisilbing puno ng barangay, namumuno sa paggawa ng batas. Sa anong pangkat ng lipunan sila kabilang?
Alipin
Datu
Timawa
Maharlika
Ano ang katangian ng lipunan noong sinaunang panahon?
Hindi pantay-pantay ang katayuan ng mga mamamayan
Pantay-pantay ang katayuan sa lipunan ng mga mamamayan noon
Nahahati sa dalawang antas ang lipunan noong unang panahon
Iisa lamang ang antas ng katayuan ng mga mamamayan sa lipunan
Ang mga batas ay patnubay ng mga tao upang maging maayos ang kanilang pamayanan at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa. Ang ilan sa mga batas noon ay ang paggalang sa datu, pagiging masipag, pagbabayad ng utang sa takdang araw at ang pagpaslang sa kapwa ay may parusang kamatayan. Ano ang isinasaad ng mga batas na ito?
Ang paggalang sa kapangyarihan at respeto sa kapwa ay lubos na mahalaga
Ang pagplano ng pamilya at pagbubuklod ng mag-anak ay mahalaga
Ang pagpapahalaga sa buhay, paggalang sa kapangyarihan, matapat at masipag ay lubos na mahalaga
Ang pagbabayad ng buwis at paglilingkod sa pinuno ay lubos na mahalaga
Kabilang sa mga patakaran ng pamahalaang barangay ang pakikipag-ugnayan sa ibang barangay, nagsasagawa sila ng seremonyang sanduguan bilang sagisag ng pakikipagkaibigan at pagkakapatiran. Bakit mahalaga ang batas na nabanggit sa buhay ng bawat unang Pilipino?
Dahil nagdulot ito ng kapayapaan at maunlad na pamumuhay
Dahil nagbigay ito ng kapayapaan dulot ng pakikipagkaibigan
Dahil nagdulot ito ng pagkakasundo ng mga barangay
Dahil nagbigay ito ng katarungan sa bawat unang Pilipino
Marami sa mga Piliipino ang nakikisa sa mga pagdiriwang gaya ng pagdaraos ng pista. Ito ay nagpapatunay lamang na ____________.
Binibigyang-halaga ang tradisyunal na paniniwala ng mga Pilipino
Nagkakanya-kanya ang mga Pilipino
Wala itong epekto sa mga Pilipino
Gusto lang magsaya ng mga Pilipino
Ang ibig sabihin ng salitang Arabic na Islam ay pagsuko o dedikasyon kay Allah, ang kanilang Diyos.Ilarawan ang sentro ng pag-aaral ng Islam
Paniniwala sa Bathala
paniniwala na may iisang Diyos
Paniniwala sa mga diwata
Pagkakaroon ng maraming Diyos
Ang mga Pilipino ay pinahahalagahang maigi ang mga nakagawiang panlipunan at kanilang tradisyon. Alin sa mga tradisyong ito ang ipinapakita sa larawan na may kinalaman sa kasal?
Piyesta
Pamamanhikan
Senakulo
Simbang-Gabi
Alin sa mga sumusunod ang dahilan at layunin ng kolonyalismong Espanyol?
Ang pakikipagkalakalan sa Silangan
Mahigpit na pangangailangang magkaroon ng bagong rutang pangkalakalan
Ang pagpapalaganap ng kristiyanismo
Lahat ng nabanggit
Pag-aalsa at rebelyon ang sagot ng mga katutubong Pilipino upang iparating sa pamahalaang kolonyal ang kanilang pagtutol sa pamamalakad sa bansa, ang pag-aalsang ito ay may patungkol sa pangangasiwa at pagmamay-ari ng lupa?
Kilusang Agraryo ng 1745
Pag-aalsa nina Diego at Gabriela Silang
Pag-aalsa nj Juan Dela Cruz Palaris
Pag-aalsa ng Cofradia de San Jose
Ang mga Pilipino sa barangay na nasakop ng mga Espanyol ay inilipat sa mga bagong panirahan o ang tinatawag na reduccion. Ano ang layunin nito?
Para pagsama-samahin sa isang pueblo ang mga pamilya mula sa malalayong lugar
Para magkahiwa-hiwalay ang mga pamilya
Para maihanda ang mga Pilipino sa pamahalaang kolonyal
Para turuan ang mga katutubo ng mga batas
Ano ang naging patakaran ng sapilitang paggawa sa pagtatatag ng kolonyang espanyol sa bansa?
Lahat ng mga lalaking naninirahan sa kolonya, may edad na 16-60 ay kailangang magtrabaho nang walang bayad sa loob ng 40 araw
Lahat ng mga lalaking naninirahan sa kolonya ay babayaran ng 10 reales kada araw sa kanilang trabaho
Lahat ng mga lalaking naninirahan sa kolonya ay bibigyan ng sariling lupang sakahan kapalit ng paggawa nila nang libre sa pamahalaan
Lahat ng mga lalaking naninirahan sa kolonya ay magkakaroon ng sariling tahanan sa loob ng publo nang libre
Ang bahay-kubo ang tirahan ng mga Pilipino noon, karaniwang gawa ito sa kawayan at nipa. Sa panahon ng Espanyol, itoy nabago, Anong bahagi ito ng tahanan sa panahong kolonyal na kung saan nakikipagkwentuhan ang may-ari ng bahay sa mga panauhin na matatagpuan sa likod-bahay, kalimitan ito ay yari sa bato?
Antesala
Comedor
Azotea
Cuarto
Sino sa mga sumusunod ang pinakamababang uri ng tao sa lipunang kolonyal?
Pilipino (katutubong tao sa Pilipinas)
Peninsulares (Espanyol na isinilang sa Espanya)
Mestizo (produkto ng Espanyol at Pilipino)
Insulares ((Espanyol na isinilang sa Pilipinas
Ang relihiyosong pag-aalsa ni Apolinario Dela Cruz o mas kilala bilang si Hermanong Pule ay isa sa dahilan sa lalo pang pagpapaigting ng pantay na pagtingin sa mga paring Espanyol at katutubo sa Pilipinas. Ano ang pangalan ng relihiyosong kapatiran na kanyang itinatag?
Santisimo Nombre de Jesus
Confradia de San Jose
Beaterio dela Campaña de Jesus
Iglesia Filipina Independiente
Pamahalaang dinala ng mga Muslim sa ating bansa. itinatatag ito ni Shariff Abu Bakr.
Pamahalaang lokal
Pamahalaang Barangay
Pamahalaang Sultanato
Pamahalaang Sentral
Kung datu ang gumagawa at nagpapatupad ng batas sa pamahalaan ng sinaunang Pilipino. ______ naman ang nagpapatupad ng batas sa pamahalaang kolonyal
Gobernador Heneral
Royal Audiencia
Residencia
Visitador
Ano ang dahilan ng rebelyon ni Francisco Dagohoy?
Pangungulekta ng buwis
Pagtanggi na binigyan ng Kristiyanong libing ang kanyang kapatid
Panrelihiyong pag-aalsa
Tinanggihan siya ng mga pinuno ng mga panrelihiyong samahan.
Ano ang ginawa ng mga Pilipino upang labanan ang monopolyo ng tabako?
Marami ang nagkibit balikat na lamang
Marami ang nagging sunud-sunuran na lamang sa patakarang ito ng mga Espanyol
Maraming Pilipino ang natuwa sa pamamalakad ng mga Espanyol
Marami ang naghimagsik ang kalooban at nag-alsa laban sa mga Espanyol
Explore all questions with a free account